4 Na Paraan Para Humaba Ang Relasyon Niyo Ng Workaholic Mong Boyfriend

Hindi naman kailangang lumagapak ang inyong relasyon kapag nagsimula na siyang magtrabaho. Maaaring mag-mukhang hindi ikaw ang kanyang inuuna at hindi ka na niya madalas lambingin tulad ng dati, matatanggal mo rin ito sa iyong isipan sa pamamagitan ng simpleng pagbabago ng iyong paraan ng pag-iisip.

Kapag totoo ngang baliw siya sa'yo, isa sa mga dahilan kung bakit naglalaan na siya ng mas maraming oras sa opisina ay dahil gusto niya na magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. Para lumago pa nga ang inyong relasyon, narito ang ibang punto para makabuo naman ng sariling buhay habang abala siya sa pagtatrabaho.

Maging masaya dahil dito

Pag-isipan mo ito. Kapag nailahad na niya ang mga plano niya para sa hinaharap, maaaring pinagsisikapan niyang maging masagana ang inyong pamumuhay sa pamagitan ng pag-aaral o pagta-trabaho ng maigi tulad ng ginagawa niya. Iwasang tingnan ang kanyang trabaho bilang isang balakid sa inyong relasyon at isipin na isa ito sa mga hakbang patungo sa mas maunlad na hinaharap para sa inyong dalawa.

Ang pagbabago sa paraan ng pag-iisip ay nakabubuo ng mas makulay at positibong pag-tingin sa inyong relasyon na makatutulong na maiwasan ang pala-trabaho niyang nakasanayan. Kapag gugustuhin mo, pwede kang makipag-usap sa kanya tungkol sa pamantayan sa kanyang trabaho at bahay niyo para mapanatili ang mas malusog na relasyon.

Mag-bilang

Kapag dalawa ang kanyang trabaho at palagi ng abala, siguraduhin na ang bawat pagkakataon na magkasama kayo ay dapat ay madaling maalala. Ang mga pangyayaring konektado sa emosyon ay ang mas nagtatagal sa kanyang isipan, kaya kahit na nagtatrabaho siya, maaalala niyang may mapagmahal siyang kapareha na maiintindihan kung bakit siya ng nagtatrabaho ng maiigi.

Dagdag pa rito, pwede mo siyang isurpresa sa pagitan ng trabaho at pag-aaral niya. Kapag pareho namang walang kaso sa inyo, pwede niyong ilaan ang oras niyo sa pamamagitab ng pagbibigay na cute na bagay o 'di kaya naman ay kumain kayo ng sabay. Ang makasanayan ang kanyang abalang trabaho katulad ng ginagawa niya, ay mas makabubuti kaysa ang pagkakaroon ng normal na pagde-date sa isang gabi ng weekend.

Maging abala

Ang pakikipag-date sa isang workaholic ay magbibigay sa'yo ng marami pang oras, kaya bakit hindi mo palaguin ang social life mo sa pamamagitan ng pag-sama sa mga kaibigan mo? Makisama sa mga kaibigan mo o idebelop ang iyong interes sa pagkakaroon ng hobby. Ang pagsama sa mga komunidad na may pareho mong interes ay makakatulong na mapalalim pa ang iyong kaalaman dito pati na rin ang magkaroon pa ng mas maraming kaibigan.

Mag-work out, gawin ang mga bagay na gusto mo, o kumuha ng mga yoga class na magpapalusog ng iyong isipan at katawan. Dapat lang manigurado na huwag kang kukuha ng mga aktibidad na dapat ginagawa niyo bilang mag-partner, para hindi kayo maubusan ng gagawin.

Punuin lamang ang iyong iskedyul para malimutan mo na na sobrang haba na pala ng oras ng kanyang pagtatrabaho at makakatulong ito na maging masaya ka, habang sinasalubong siya sa inyong bahay matapos ang kanyang trabaho.

Palaguin ang pagiging indibidwal mo

Mag-isip ng mga makatotohanang goal na matutulungan kang magpalago ng iyong sarili. Ang relasyon ay pinapa-unlad ng pagiging indibidwal habang magkasama kayo. Alisin ang pag-depende mo sa kanya para maiwasan na lagi mo siyang kailanganin.

Magandang simula na ang magkaroon ng goal sa iyong sarili. Habang tinatrabaho mo ang magkaroon ng pansariling goal, maaari mong dagdagan ang iyong sarili at tulungang manatili sa iisang estado.

Pwede kang magtayo ng isang negosyo na makakadagdag sa inyong income, magsulat ng isanv libro tungkol sa isang bagay na mahalaga sa'yo o pataasin pa ang iyong career sa patuloy mong pagkatuto. Ang maging ikaw ay makatutulong sa kanya dahil iisipin niyang naiintindihan mo siya, magbibigay ito ng rason para hindi ka niya talaga iwanan.

Sa pagbubuod

Ang magkaroon ng masayang relasyon sa isang workaholic ay malayo sa imposible. Kailangan ng effort sa inyong pareho tulad ng totoong interes na makasama siya sa mga gawain na tutulong na magpalago sa'yo bilang tao.

Nakipag-date ka na ba sa isang workahokic? Paano gumana ang inyong relasyon? Ibahagi mo sa amin ang iyong kwento sa mga komento sa ibaba!

Please click the link for English version:4 Ways to Grow a Relationship with a Workaholic Guy

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?