Ang pakikipagdate ay mayroong mapanghamong larawan. Kailangan mong palaging ibigay ang iyong pinaka kapag nakahanap ka na ng potensyal na kapareha, online man o ipinikilala sa iyo. Ang hindi mo alam, may mga katangian kang nagugustuhan sa isang tao na maaaring nagugustuhan din ng iba, kaya ang mabuting pagpapares ay mahalagang “pangangailangan” na hinahangad din ng ibang tao.
Para manatiling palaban, kailangan mong magsagawa ng unang pakikipagdate. Paniguraduhing magiging maayos ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga bagay na hindi nararapat gawin para makasigurado sa pangalawang pagkakataon.
Iwasan ang nakaraan
Habang nakakatuwang ibahagi ang iyong mga alaala mula sa nakaraan, hindi ka dapat na magsalita tungkol sa iyong mga dating naging karelasyon o sa dati mong asawa. Hindi dapat. Magiging maayos ang iyong pakikipag-date ngunit magiging mahirap sa sandaling magsimula ka ng magkuwento tungkol sa iyong dating kasintahan at asawa.
Naroroon ka para makipag-date ngunit ang iyong kadate ay hindi naroroon para pakinggan ang iyong romantikong nakaraaan. Marami pang panahon para mapag-usapan ang dati mong naging mga karelasyon kapag kayo ay naging seryoso ng magkasintahan ngunit hindi kailangang sirain ang una ninyong pagdidate sa pamamagitan ng padalos-dalos na pagkukuwento.
Magpokus sa iyong kadate
Sa kasamaang palad, mas madalas na nakikipaglandian ang mga lalaki sa mga waitress. Panatilihin lamang ang iyong mga mata sa iyong kadate at respetuhin mo ang kaniyang inilaan na oras para makipagkita sa iyo.
Ganoon din para sa mga kababaihan. Hindi mahalaga kung ang waiter na kumindat sa iyo ay nakapagpabilis sa iyong puso o kaya naman ang lalaking nakaupo sa kabilang lamesa ay nakatingin sa iyo na para bang gusto kang hulihin. Naririto ka para makipagdate, kaya isang-tabi mo muna ang pakikipaglandian sa iba. Bigyang pansin ninyo ang isat-isa at magpokus sa inyong kadate kaysa tumingin-tingin sa paligid para sa ibang dahilan.
Manamit ng maayos
Gumawa ng magandang impresyon sa pamamagitan ng pananamit ng maayos at hindi maiikli. Mas maganda na makuha mo ang kaniyang atensyon sa pamamagitan ng paggamit sa iyong kagandahan ngunit kung naghahanap ka ng makakapareha, manamit ka ng karespe-respeto.
Isang biswal na mga nilalang ang mga kalalakihan, Hindi mo naman sigurong gugustuhin na kapag nagkita kayo ay hinuhubaran ka na niya sa kaniyang isipan. Sa unang pakikipag-date, ang isang bagay lamang na kailangang ipakita ay ang iyong personalidad.
Itago muna ang iyong mga gadget
Ang pagtingin sa iyong cellphone habang nakikipagdate ay hindi dapat. Makapagbibigay lamang ito ng impresyon na hindi ka interesado sa kaniya o naghahanap ka ng iba pa. Habang nakakaakit na makipag-text o chat sa iyong mga kaibigan habang kayo ay nagdidate, ito ang mga bagay na dapat mo talagang iwasan.
Ilagay mo ang iyong cellphone sa silent mode at itago ito sa iyong bulsa. Kailangan ng iyong kadate ang buo mong atensyon at kailangan maging maayos ang lahat kung nais mong makasigurado sa pangalawang pagkakataon ng inyong pagdidate.
Iwasan ang magmukhang “needy”
Isa sa pinakamalaking pagkakamali na maaari mong magawa sa iyong pakikipagdate ay ang pag-uusap tungkol sa inyong hinaharap. Walang kasiguraduhan na magiging kayo talaga kaya magdahan-dahan ka lamang at panatilihin mong maging maayos ang lahat. Maaaring mabigo ka ngunit huwag mo naman kaagad tapusin sa pamamagitan ng pagsasabi tungkol sa hinaharap ninyong dalawa.
Kung kayo ay mabuting magkapares, darating din sa tamang panahon para mapag-usapan ninyo ang inyong magiging hinaharap. Ang unang pagdidate ay isang mahalagang elemento para sa paghahanap ng kasintahan, kaya panatilihin itong maging masaya at maayos. Sabihin mo sa iyong kadate na mayroon kang masayang buhay, at makadaragdag ito para maging kayo sa huli.
Maraming mga bagay na pumapalpak sa unang pakikipagdate, ngunit kung iiwasan mo ang ganitong mga pagkakamali, makakakuha ka ng magandang pagkakataon para maidate siyang muli.
Mayroon ka bang first date horror stories? Handa kaming makinig, ibahagi lamang ito sa kumento sa ibaba!
Please click the link for English version: 5 First Date Mistakes You Should Avoid Like A Plague