5 Pamamaraan Upang Masabing Nagsisisi Ka Na

5 Malikhaing Pamamaraan Upang Masabing Nagsisisi Ka Na
Ang pagsasabi ng patawad ay kailanman hindi naging madali, lalo na kung nakagawa ka ng bagay na nakasakit sa damdamin ng isang tao. Ngunit kapag nakaisip ka ng isang malikhaing pamamaraan sa paghingi ng patawad, magiging epektibo ito para mapatawad ka kaagad ng taong iyon.

Ang paghingi ng tawad ay hindi lang dapat sa pamamagitan ng mga salita. Kailangan mong maipakita na nagsisisi ka na talaga. Gumawa ka ng kaunting effort at pagkilos na nagpapakita ng iyong katapatan at pagsisisi. Kung mas malikhain ito, mas magiging memorable at epektibo ito.

Gumamit ng mga larawan

Kumuha ka ng ilang litrato mo na nagpapakita ng iyong pagsisisi habang may hawak na papel na nagsasabing “patawad.” Maaari mong lagyan ng dekorasyon ang papel. Ilagay mo ang larawan na ito sa kaniyang computer at gawin mong desktop background. At sa susunod na gagamit siya ng computer, ang paghingi mo ng tawad ang una niyang makikita. Maaari ka ring magpaprint ng iba pang kopya ng kaparehong larawan at iwan ito sa lugar na maaari niyang makita, tulad sa pinto ng ref o sa kaniyang lamesa.

Gumawa ng mix-tape

Okay, hindi talaga bagay ang mix-tapes ngunit mayroon pa ring mga taong nagpapatugtog ng CD lalo na kung galing ito sa isang espesyal na tao. Kaya gumawa ka ng mix-CD na kung saan ay nakalagay ang paghingi mo ng tawad na inirecord mo mula sa iyong cellphone o computer, at dagdagan mo ng mga kantang gusto niya o mga kantang bagay sa iyong sitwasyon. Maaari mo itong ilagay sa kaniyang bahay o ipadala mo ito. Isa itong magandang ideya na paniguradong magugustuhan niya.

Mayroon ding mga serbisyo tulad ng Deezer; kaya ang mix-tapes ay maaari na ring magkaroon ng mga larawan.

Pagkain

Ang daan tungo sa puso ng isang lalaki ganoon din sa isang babae ay sa pamamagitan ng kanilang mga tiyan. Gamitin mo ang kapangyarihan ng pagkain sa paghingi mo ng tawad. Maaari kang magbake ng cake at isulat ang salitang “patawad” sa ibabaw nito gamit ang makulay na frosting, o kaya naman ay magbake ka ng maraming cupcakes na may tig-isang letra na nakalagay sa ibabaw nito na naka-spell ang salitang “sorry.” Maaari ka ring umorder ng pizza at sabihin sa panadero na ayusin ang topings na mabubuo ang salitang “sorry.” O maaari mo ring dalhin ang taong ito sa isang picnic at dalhin mo lahat ng kaniyang paboritong pagkain.

Humingi ka ng tawad sa pamamagitan ng video

Kumuha ka ng video ng iyong sarili na humihingi ng tawad. Hindi kailangang sa pamamagitan ng isang pangpropesyunal na kamera. Maaari kang gumamit ng cellphone para rito. Maaari kang tumula o kumanta na kaugnay sa iyong nararamdaman at sa mensaheng nais mong iparating. Iedit mo ang video sa iyong computer at dagdagan mo itong ng special effects hanggat maaari. Pwede ka ring magdagdag ng mga larawan na magkasama kayong dalawa.

Kung ito ay tapos na ilagay mo ito sa DVD at ipadala sa tao na nais mong hingan ng tawad sa pamamagitan ng sulat. Kung madalas na nanunuod ng movies ang taong ito sa kaniyang bahay, maaari mo ring pasikretong ilagay ang tape sa kaniyang DVD player kaya kapag binuksan niya ang TV, makikita niya ang video ng paghingi mo ng tawad. Ang ganitong paraan ng pagsurpresa ay gumagana sa maraming tao. Huwag mo nga lang itong ilagay sa YouTube at isapubliko.

Hayaan mong ang iyong aso ang magdala ng sulat

Magsulat ng mensahe na nagpapakita kung gaano ka nagsisisi. Ilagay mo ito sa collar ng iyong alaga sa pamamagitan ng paggamit ng cute na ribbon at kapag nakita ito ng taong iyon ay paniguradong magdadala ito ng ngiti sa kaniyang mukha.

Mas magandang ipakita ang paghingi ng tawad sa pamamagitan ng gawa. Mas mapapahalagan ito sa pamamagitan ng tamang pagkilos. Kaya, hayaan mong patawarin ka ng taong iyon sa pamamagitan ng pagpapakita sa kaniya kung gaano ka talaga nagsisisi, kaysa sa sasabihin mo lamang ito. Gamitin mo ang iyong ganda at pagpapatawa, at paniguradong magiging maaayos ulit ang lahat.

Nakasubok ka na ba ng iba pang malikhaing pamamaraan ng paghingi ng tawad? Ibahagi mo ito sa kumento sa ibaba!

Please click the link for English version: 5 Creative Ways To Say You're Sorry

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?