Kung ang iyong propesyon man ay pumipigil na magkaroon ka ng seryosong relasyon o nagkakaroon ka nga ng mga lalaki ngunit kailangan mo namang lumipat ng siyudad oras-oras, dapat na magkaroon ka ng magandang paraan para mapanitili ang malusog na relasyon.
Maraming tao ang sinusubok na paganahin ang mga relasyon habang sila ay magkakalayo at habang may mga boses sa iyong isipan na hindi naman ito sulit, may mga bagay na pwede mong gawin para mapa-ibig ang isang lalaki kahit na malayo pa kayo sa isa't-isa.
Ipresenta ang iyong sarili ng maayos
Kapag gusto mo talaga siya, maglaan ng oras para ayusin ang iyong itsura. Linisin ang profile mo sa social media at alisin ang mga bagay na magpapa-pangit ng iyong imahe. Habang nakakatukso na ilagay ang mga bagay na tungkol sa'yo sa publiko, nilalagay mo lang na available ka pa rin sa ibang tao. Alalahanin mong may tsansa na naghahanap siya ng taong makakasama niya sa buhay, hindi lang ka-one night stand. Kaya, ipakita na ang best mo.
Magsalita
Madalas na magsalita, ng walang alinlangan. Ito ang pinakamagandamg paraan para sa inyong dalawa habang magkasama kayo matapos ang isang araw ng pagtatrabaho (o kahit ng gabi). Sulatan siya ng mga liham o email para patuloy pa rin kayong may komunikasyon. Sa panahon ngayon, mas madali na ang makipag-komunikasyon sa pamamagitan ng internet. Kuhain lamang ang iyong smartphone at magsimula na ng video call kahit kailan mo gusto. Napapalitan nito ang pakikipag-usap sa call o text dahil nakikita mo ang mga reaksyon niya. Bukod sa pagiging cute o pakikipag-landian sa kanya, maaari niyo ring pag-usapan ang malalalim na paksa tulad ng iyong goal o kagustuhan. Makakatulong ito na maipakita sa inyo kung bagay ba talaga kayo. Ang pagiging taos-puso mo ay pwedeng maging dahilan para mapa-ibig mo siya.
Chill lang
Pwedeng maging problemado ka sa susunod niyang pag-tawag at para bang tinadhana na ang inyong relasyon ay dumedepende sa inyong dalawa. Relax. Hindi naman laging ganoon ang nangyayari, at pwedeng ang iyong kabiyak ay tingnan ito bilang kaakit-akit na kaya mong dalahin ang mga sitwasyon na hindi naman planado. Ang atraksyon niya sa'yo ay magiging totoo kapag hindi ka naapektuhan ng stress. Magtiwala sa sarili, maging ikaw at sumabay lang sa daloy.
Panatilihin itong masaya
Hindi naman kailangang mag-babad kayo sa telepono kaka-usap tungkol sa nararamdaman niyo para sa isa't-isa. Maglaro sa online, magbahagi ng mga nakakatwang litrato sa internet o magpalitan ng litrato mo noong bata pa kayo. Ang mga gawaing ito ay magpapatibay ng inyong samahan at magpapa-komportable pa sa inyo kapag nagkita na kayo. Makakatulong rin ito na makapag-hanap ng mamasayang ideya para sa inyong date kapag nagkita na kayo. Gusto ng mga lalaki ng mga babaeng gusto ang magsaya na alam kung kailan ito ilalabas.
Sulitin niyo ang bawat oras
Mas maraming kakailanganin para maging pulido ang isang long-distance relationship kaysa sa mga tradisyunal na relasyon. Nakakatuwa mang isipin, ngunit may mga pagkakataon na lumalabas ang mga problema ng magkasintahan dahil magkalapit lang sila, na hindi naman problema ng mga long-distance relationship. Hindi mo sasayangin ang minuto sa pag-aaway sa telepono na magiging dahilan para lumago pa ang mas malalim na koneksyon niyong dalawa. Ngunit, huwag kang mag-alala dahil darating din kayo sa puntong iyon.
Ang magkalayong relasyon ay hindi magandang klase ng paraan para may mapa-ibig ka ngunit posible ito kapag nasa tama ang iyong mindset. Huminga ka lang, maging ikaw at ang lahay ay aayon na kapag bagay nga kayo. Huwag itong pilitin.
Eksperto ka na ba sa isang long distance relationship? Maging malaya na ibahagi ang iyong iniisip sa mga komento sa ibaba!
Please click the link for English version: 5 Ways To Get Him To Fall For You Over Long-Distance