Ang pagkakaroon ng romantikong relasyon ay makapagbibigay sa'yo ng kaligayahan at kapananabikan. Habang maraming isda ang nasa dagat, hindi mo naman masasabi kung kanino ka ba maaakit.
Maraming paraan para makahanap ka ng lalaki na pwede mong maka-date, ngunit ang pananatili sa isa at kung karapat-dapat ba siya sa iyong oras ay ang hamon dito. Kapag gusto mo ang tao, mahirap ng makita ang mga hindi magandang bagay tungkol sa kanya.
Na-meet mo man siya sa internet, sa club, sa coffee shop o sa kaparehas niyong kaibigan, manigurado na bantayan ang mga senyales na ito. Ito ang mga pulang bandila na nagsasabing hindi siya boyfriend material.
Bastos siya
Mabait siya sa'yo ngunit pagdating sa ibang tao, siya ay bastos, may tsansa na bastos talaga siya ngunit nagpapanggap na mabait. Kapag hindi siya nagpapakita ng respeto sa ibang tao, lalo na sa matanda o sa mga nasa trabaho, hindi nga siya mabuting tao.
Kapag madalas siyang nagbibigay ng opensibo, racist o sexist na komento, hindi man ito direkta para sa'yo, balaan ka na. Kapag naging komporyable siya sa'yo, ipapamalas niya rin sa'yo ang ugaling binibigay niya sa ibang tao.
Kapag ikaw ang pinagbabayad niya sa lahat ng inyong date
Hindi naman kailangan na ikaw lagi ang maglabas ng pera. Pwera na lang kung siya ay walang bahay, walang trabaho o wala talagang pera, siya dapat ang may responsibilidad na magbayad sa mga kinakain niya. Kapag lagi siyang nagpapalusot at ikaw lagi ang nagbabayad sa lahat ng inyong nagastos, mag-isip na kung bakit ka ba nakikipag-date sa kanya.
Ang isang relasyon ay kailangan ng bigayan at pagtanggap. Kaya kapag ikaw ang laging nagbibigay pero wala namang nakukuha na kahit ano sa kanya, malaki ang tsansa na ginagamit ka lang niya.
Sumasama pa siya sa ibang babae
Hindi mo siya mapagkakatiwalaan kapag sumasama pa siya sa iba't-ibang babae kada linggo. Kapag matagal na kayong nag-dadate, ngunit sumasama, tumatawag o nagte-text pa siya sa ibang babae ng madalas, maging babala na ito sa'yo.
Kahit na sabihin pa niyang ang mga babaeng iyon ay kaibigan niya lamang, mag-ingat. Ang lalaking kuntento na sa'yo ay hindi na magbibigay pa ng oras sa ibang babae. Kung ang pagiging eksklusibo ang hanap mo, hindi ka kukuha ng ganitong klase ng lalaki. Kapag gusto mong manatili sa isang lalaki, hindi siya dapat ang piliin mo. Ilayo na ang sarili mo sa wasak na puso at maghanap ng lalaking tapat at may integridad.
Palagi siyang late at parang wala sa sarili
Importante ang pagiging maaga, pwera na lang kung may sobrang importanteng bagay ang magpapa-late sa kanya. Kapag lagi siyang huli sa planadong pagkikita niyo, isa itong senyales na hindi siya seryoso sa'yo. Hindi niya pinahahalagahan ang oras mo at effort.
Kapag wala siyang ginawa para mabago ito, sabihin ito ng harapan sa kanya. Kapag nagbago siya, maganda. Ngunit kapag nagpatuloy pa siya, tigilan ng mag-laan ng oras sa taong hindi ka naman binibigyan nito.
Binalaan ka na ng ibang tao sa kanya
Habang pinaniniwalaan mong siya na si Mr.Right para sa'yo ngunit marami ang may negatibong komento sa kanya, maaaring tama sila. Hindi ka nila binabalaan ng walang dahilan. Kaya maging matalo at huwag agad mahulog sa patibong.
Kapag pinapakita niya ang mga senyales na ito, dapat mong malaman na mas magandang ilaan na lamang sa iba ang oras mo. Kung hindi ka niya kayang itago, wala ng dahilan para sumama pa sa kanya.
Ano ang paraan mo para malaman kung siya ay boyfriend material? Ibahagi ang inyong naiisip sa mga komento sa ibaba.
Please click the link for English version: 5 Signs He's Not Boyfriend Material