5 Sikreto Para Mapag-usapan Ang Inyong Nararamdaman

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?



 

Habang ang ibang babae ay nahanap na ang perpektong lalaki para sa kanila, isang tao na may pakialam sa nararamdaman ng isang babae at bukas naman na ibahagi ang sa kanya, hindi makatotohanan na umasang ang kasalukuyan mong kasama ay eksperto sa pagpapahayag ng kanyang emosyon. Bagkus, gawin mong mas madali para sa kanya na mag-sabi ng kanyang nararamdaman.

Ang malusog na relasyon ay kinakailangan ng magandang komunikasyon, at malaking bahagi nito ang pagsasabi ng inyong mga nararamdaman. Kaya mas magandang sundin mo ang mga hakbang na ito upang makapagsalita sa lenggwahe ng mga lalaki.

Maghintay sa isang oportunidad

Ang iyong pag-alala ay sadyang hindi makapag-hihintay, ngunit kapag ito ay pinag-usapan niyo sa maling oras, maaaring hindi niya ito agad makuha. Huwag kang magsisimula sa "Kailangan nating mag-usap", dahil baka akalain niyang may nagawa siyang mali at nasa isang gulo siya.

Bagkus, hayaan mo siyang huminga ng maayos at kuhain ang atensyon niya kapag hindi siya abala. Huwag mo siyang lalapitan kapag nalilito siya sa pagpili ng mananalo sa paborito niyang grupo sa panonood ng isports, o kaya kapag nasa gitna siya ng paglalaro online. Hintayin mo siyang matapos at magsimula ng usapan kapag siya ay hindi na okupado.

Hindi naman imposible na makausap siya matapos ang mahirap na araw, siguraduhin lamang na matutulungan mo siyang mag-relax at malimutan ang kanyang stress bago magsalita. Masahihin ang kanyang paa o leeg at tsaka magsimula ng seryosong usapan kapag nakita mong relax na siya.

Ihanda na ang iyong mga punto

Alamin na ang iyong sasabihin at ihayag ito ng maayos. Mag-ensayo na kung paano ka magsisimula at pakinggan ang tono mo habang nagsasalita. Ang pagiging maikli ay ang susi sa pakikipag-usap sa isang lalaki. Ang pagbibigay ng maraming detalye ay nakakapag-pawala ng kanyang atensyon o hindi niya mapansin ang mga punto na ginagawa mo.

Maging direcho

Maging tapat, malinaw at direkta. Kapag nasaktan niya ang iyong damdamin, sabihin mo! Kapag mahal mo siya, sabihin mo rin! Iwasang bigyan siya ng malabong mensahe. Gusto ng mga lalaki ang mabilis na matapos, kaya huwag siyang pilitin na magbasa pa sa pagitan ng mga linya o ma-disappoint pa siya.

Kapag may gusto kang sabihin, sabihin ito ng plain. Ang pagsasalita sa ibang lenggwahe ay hindi rin nila agad maiintindihan kaya pwedeng hindi na siya makinig sa'yo.

Huwag na isama ang iyong nakaraan

Huwag na huwag kang magbabanggit ng tungkol sa mga nakaraan mong relasyon kapag nagsasabi ka ng iyong nararamdaman. Ang pagkukumpara ay epektibong paraan para masabi ang punto mo ngunit hindi kapag tungkol na sa iyong boyfriend at mga ex mo. Maaari niyang isipin na hindi siya sapat sa'yo at hindi ka pa nakakapag-move on sa nakaraan mo.

Sa paghahanda mo sa pagbibigay ng puntos, mga personal mong kaalaman lamang ang iyong sabihin para hindi mo na ito maikumpara sa nakaraan mo.

Huwag mo itong itago

Kaya namang magbahagi ng kanilang nararamdaman ang mga lalaki kung ganoon ka rin sa kanila, kaya maging magandang halimbawa at ipakita sa kanya na ligtas nga siya sa'yo. Sabihin ang iyong nararamdaman ng walang halong duda. Sabihin na " Pakiramdam ko'y malungkot ako at hindi mo na pinapansin" sa halip na "Masyado ka ng nagtatrabaho at nakakalimutan mo na ako".

Ang mga salita ay ang susi rito. Sabihin ang iyong nararamdaman bilang resulta ng isang bagay sa halip na mag-turo ng kanyang kamalian. Gawin ito at masisiyahan siyang pakinggan ang mga problema mo.

Ang pinto sa nararamdaman ng mga lalaki ay buksan ang vault na may tamang kombinasyon ng numero, at makukuha mong mag-bukas siya sa'yo. Ang pagbabahagi ng nararamdaman sa isa't-isa ay susi sa masayang relasyon, kaya maging handa at umakto ng tama at paniguradong nasa tamang daan ka. Good luck!

Paano mo napa-amin ang iyong kabiyak? Ibahagi ito sa amin sa komento sa ibaba!

Please click the link for English version: 5 Secrets To Talking About Feelings With Your Man

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?