6 Na Paraan Para Maitrato Siya Ng May Respeto

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?



 

Ang isang maganda at mature na relasyon ay ang pagkakaroon ng respeto sa isa't isa. Habang idinidikta ng kultura na dapat sa mga naunang linggo ng panliligaw ang mga lalaki ang magbabayad ng mga bayarin, bubuksan ang pintuan ng kotse para sa mga babae o hilaan siya ng upuan, marapat ding bigyan ng mga kababaihan ang mga lalaki.

Ang mga masasayang relasyon ay palaging may bigayan at pag-kuha, kaya ang magpalitan ng karespe-respetong galaw sa iyong kasintahan ay makapagpapalago ng inyong relasyon upang maging maayos na mayroong pagkakapantay, pag-iisa at pagmamahal.

Kaya paano mo maipapakita sa kanya ang iyong respeto? Nasa ibaba ang ilang paraan.

Humingi ng tulong ngunit huwag mamilit

Karaniwang lalaki ang umaayos sa mga problema sa bahay kaya kapag pinaayos mo sa kanya ang inyong dryer, huwag mo siyang mamasamain kapag hindi niya pa ito nagagawa. May mga pagkakataon na tinitingnan niya pa kung ano ba ang makakaya niyang gawin dito o puno na ang isipan niya sa iba pang mas mahalagang bagay.

Kapag matagal ng hindi niya pa ito nagagawa, maayos mong itanong ulit sa kanya imbis na galitin pa siya. Pwede ring ayusin mo na lang ito ng mag-isa kapag kaya mo naman at may tsansang isipin niya na hindi niya nagampanan ang dapat dahil napangunahan mo na siya.

Kapag may pinapagawa ka sa kanya, huwag mong asahan na titigilan niya ang kanyang ginagawa para lang doon, pwera na lang kung kailangan na talaga ito.

Huwag maging mahigpit

Pinahahalagahan ng mga lalaki ang kanilang pagiging malaya, kaya kahit naisip mong maging kaya mo ng gawin lahat, hindi naman kailangan na maging dominante ka. Iwasan na kontrolin siya kapag may itinatanong ka sa kanya na pinagkakatiwalaan mo kung anong gusto niya at nirerespeto mo ang mga paraan niya kahit hindi naman talaga.

Kapag ikaw na ang naglalaboy sa aso niyo no'ng sumula pa lang at sinusubukan niya kung kaya niya ba, hayaan mo lang na matuto siya ng mag-isa imbis na bigyan siya ng listahan kung ano ba ang dapat at hindi dapat gawin, pwera na lang kung nagtatanong siya.

Bigyan siya ng oras sa pag-iisa

Ang oras para sa sarili ay mahalaga sa mga lalaki. Kahit na gusto ka niyang kasama, maganda na bibigyan mo siya ng oras kasama ang mga kaibigan niya. Magbibigay ito ng oportunidad na makahinga o makapag-labas ng init ng ulo kasama sila. Kapag ikaw naman ang naging mag-isa, pwede mo ring tawagan ang mga kaibigan mong babae at kayo naman ang magsama. Parehas lang din kayong panalo.

Irespeto ang pribado niyang buhay

Nasa iisa nga kayong relasyon ngunit hindi naman ibig sabihin no'n ay pagmamay-ari mo na siya. Huwag mong sisilipin ang mga social media account niya kapag naiwan itong nakabukas sa laptop at huwag mong babasahin ang mga text niya. Kung totoong pinahahalagahan niya ang inyong relasyon, kaya mong magtiwala na wala siyang gagawing kalokohan kahit na hindi naman kayo magkasama.

Magpakita ng interes sa mga paborito niyang gawain

Habang hindi mo naman kailangan na sumali sa mga paborito niyang gawain, makatutulong na makinig ka sa kanya kung saan ba siya interesado. Tumaas na ba ang level ng warlock character niya sa paborito niyang online game? Sino sa tingin mo ang mananalo ngayong season's playoffs? Ipakita mo sa kanya na nakikinig ka sa pagbibigag ng komento sa mga interes niya sa susunod na kailan nito.

Palaging maging kalma

Palagi naman talagang mag away, ngunit ang kalmadong pag-hawak nito ay magpapakita sa kanya na nandiyan ka hindi lang para magalit sa kanya. Dapat kalmado mong ipaliwanag sa kanya kung ano ba ang kinagagalit mo.

Habang hindi niyo pa kayang iresolba ang inyong problema ng agaran, tinutulungan nito ang relasyon na makapili ka ng tamang paraan na mah dignidad at respeto sa kanya.

Gusto man ng lalaki na magmukhang macho, mas gugutuhin nila kung bibigyan mo sila ng respeto. Kaya palaging tandaan ang mga hakbang na ito kapag magkasama kayo at makapag-paganda pa ito ng pagkalalaki niya.

Paano ka ba nagpapakita ng respeto sa iyong lalaki? Ipakita sa amin kung paano sa mga komento sa ibaba.

Please click the link for English version: 6 Ways To Treat Him With Respect

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?