Ang magandang relasyon ay pinagtatrabahuhan at binabahagi niyo kung anong mayroon kayo sa isa’t isa. Sa isang relasyon, kasama dito ang pagkakaroon ng maraming pasensya, dedikasyon at kooperasyon para maging maganda ang inyong relasyon. Kung nakita mo na ang iyong “the one” o kung sa tingin mo nakita mo na ang isang tao at nararamdaman mo na mabibigyan ka na niya ng magandang relasyon , mag-sakripisyo ka para sa kanya at maiwasan niyo yung mga bagay na nakakasira sa inyong dalawa.
Ang layunin ng artikulong ito ay ipakita sa inyo nang eksakto kung ano maaari mong gawin at magkaroon kayo na pagkaintindihan sa isa’t isa para sa tunay, maayos at magandang relasyon.
komunikasyon ang susi
Narinig mo na ito paulit-ulit at lahat ng iyon ay totoo. dapat may komunikasyon, ibahagi ang iyong opinyon, pighati at problema. Makakatulong ito para alamin ang komplikado mong nararamdaman lalo na may handang makinig sayo at mag-bigay ng mga payo. Mahirap ito sa mga lalaki dahil sila yung tipo na kinikimkim nila ang kanilang problema. Ito nakakaginhawa kapag alam mong may nakikinig sa mga dinadamdam mo.
Makinig
Ang magandang relasyon ay nagbibigay ng panahon at oras sa pakikipag-usap ngunit ang pakikinig ay importante din. Ang Komunikasyon ay may dalawang proseso kung gusto o hindi, ang pakikinig ay importante dahil nakikipag-usap ang iyong isip. Hayaan at respetuhin natin na ilabas nila ang gusto nilang sabihin. Wag pumatol kapag may sinabi silang hindi maganda sa kapwa nila, sagutin mo lang sila ng maayos. Magtanong at maging maingat kapag magbibigay ng opinyon lalo na kapag nag-uusap tungkol sa mga partner. Makinig mabuti at ipakita ang iyong katapatan.
Suriin ang inyong relasyon
Humingi ng balanse at “health check” sa inyong relasyon oras oras. Ito ay makakatulong sa inyong mga problema at alamin kung paano ito mapapagaan. Parang hardinero na taga-suri ng mga bulaklak kung may sintomas, ang relasyon ay may benepisyo kung sinusuri paulit-ulit.
Tanungin siya kung ano ang kaniyang nararamdaman. Kung siya ba ay masaya at kung ano kailangan baguhin at ipaliwanag kung ano ang dapat tapusin. Makakatulong ito na pagsama-samahin lahat ng damdamin. Ito ay magbibigay ng signal kung paano niyo pinaparamdam sa iba’t ibang yugto ng relasyon.
Palamig ka muna
Maaari ito maging kaakit akit sa matinding problema na lumalaki, pero sa ibang kaso mas maganda kung palamigin mo muna ang iyong ulo kapag may hindi pagkakasundo. Ang pinakamagandang paraan sa pagdiskarte at paglutas ng problema ay ang isipin mabuti. Kapag ang pag-uusap ay nag-umpisang mag-init, hindi ito marapat na ipaalam para makarating sa nakakapang-init na problema.
Sa halip, sirain ito at isipin mabuti ang mga bagay na nakakapagpasaya para hindi mawala ang mga nararamdaman. Lutasin ang mga problema sa makatwiran at tahimik na paraan para mas lalong gumanda ang inyong relasyon.
Hayaan ito lumaki
Ang pagmamahalan ay hindi static. Ito ay pangangailangan at pagbabago ng mga interes sa inyong relasyon. Hayaan ito lumaki at magbago kaysa manatili parin kayo sa dati niyong ginagawa. Maging bukas sa pagbabago at tanggapin ito kapag dumating. Kapag ang iyong kapareha ay may bagong interes, suportahan mo siya sa kanyang interes. Ito ay magandang paraan para sa inyong relasyon. Maraming paraan para maging masaya kayong dalawa
At isa pang bagay na makakapag-pabago sa balanse. Ibigay mo lahat ng iyong oras sa iyong kapareha para makatulong ito sa pagtagal ng inyong relasyon.
Tanggapin ang inyong pagkakaiba
Patatagin nyo ang inyong relasyon sa pamamagitan ng pagtanggap ng inyong pagkakaiba sa mga bagay bagay. katulad na lang na sumasayaw ka pero siya hindi. Naglalaro siya ng Xbox bago matulog, ikaw hindi. Kaya lahat tayo ay iba iba at walang masama doon.
Ang tunay na relasyon ay binibigay ang ating pangangailangan para sa koneksyon sa isa pang pagkatao. Ibigsabihin maging open tayo sa mga bagong karanasan. Kung nagtataka ka kung paano mo pananatilihin ang inyong relasyon para mas maging matatag, subukan ang mga payo na ito at tignan natin kung ano mangyayari.
May gusto ka bang idagdag? O kaya may kulang sa mga payo? Ipaalam sa amin sa comments!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for english version: 6 Easy ways to build a healthy