7 Palatandaan na Nakapag-Move On Na Ang Iyong Ex

Narinig mo na ba ang tinatawag na "three-months rule?" Maniwala ka man o sa hindi, mayroong mas magandang paraan upang malaman mo kung ano nga ba talaga ang tunay na nararamdaman ng iyong ex sa nangyaring hiwalayan ninyong dalawa ng sa gayon malaman mo kung ano nga ba ang mga susunod mong gagawin. Sadyang napakasakit ng isang paghihiwalay lalo na kung siya ang nakipaghiwalay sa iyo.

Kapag hindi ka na umaasa pang muli kayong magkakabalikan, magkakaroon ka ng mas magandang pamamaraan upang malaman kung nakapag-move on na nga ba talaga ang iyong ex o hindi pa, kapag binasa mo ang artikulong ito.

Maaaring nakapag-move on na siya ng mas mabilis kaysa sa iyo, ngunit ang pag-alam dito hanggat maaga pa ay isa sa pinakamabuting paraan upang maibalik mo ang iyong sarili sa dating ikaw na masiyahin noong wala pa ang iyong ex.

Hindi ka na kinokontak ng iyong ex

Ang isang malaking palatandaan na nakapag-move on na ang iyong ex ay kapag hindi na siya gumagawa pa ng paraan upang makontak ka. Maaaring upang makaiwas lang siya sa tuluyang pagtatapos ng inyong relasyon o kaya naman ay tumatanggi lamang siya na makipag-usap sa iyo, ngunit may malaki pa ring posibilidad na nakapag-move on na talaga siya sa inyong relasyon.

Hindi na niya gustong makipag-usap sa iyo

Patuloy pa rin bang tumutunog ang kaniyang telepono sa tuwing ikaw ay tumatawag ngunit hindi niya naman ito sinasagot? Siguro ito na ang oras upang mapatunayan na kailangan mo na talagang mag-move on. Sa hindi niya pagsagot sa iyong tawag, isa itong malinaw na palatandaan na hindi niya na nais pang makipag-usap sa iyo.

In-unfriend ka na ng ex mo

Paniguradong may social media account ang iyong ex at kapag nakita mong inalis ka na niya sa kaniyang friends list, maaaring nakapag-move on na talaga siya sa iyo. Maaari mo ring i-double check sa pamamagitan ng pagtingin sa isang mutual friend's list niyo. Kapag ikaw at ang iyong ex ay nakalagay pa rin bilang mutual friends sa kaibigan mong iyon, marahil paniguradong tinanggal ka na niya sa kaniyang listahan.

Hindi ka in-unfriend ng iyong ex ngunit...

Habang pinapanatili ka pa rin ng iyong ex sa kaniyang friends list, maaaring tinanggal ka naman niya sa kaniyang "relationship status." Kapag nakikita mo pa rin ang ex mo sa iyong feed ngunit ang palagian namang nakalagay doon ay ang paglabas nila ng kaniyang mga barkada at nagpopost siya ng mga larawan ng iba niyang nakakadate, paniguradong nakapag-move on na talaga siya.

Ang mga nakadokumentaryong pagbabago sa social media ay isa rin sa mga senyales ng kagustuhang makapag-move on, kaya tingnan mo kung nagpopost ba ang iyong ex ng mga aktibidad na hindi niyo naman karaniwang ginagawa noon.

Nagsisimula ng makipag-date muli ang iyong ex

Nalaman mo sa isa mong ka mutual friend na ang iyong ex ay nagsisimula ng makipag-date muli sa iba. Kapag nakompirma mong totoo ito, paniguradong nakapag-move on na nga talaga ang iyong ex. Kung hindi naman, huwag kang masyadong umasa lalo na kung ang kaniyang mga ginagawa ay kapareho pa rin ng mga nakalagay sa unahan.

Tuluyan na siyang naging malamig sa iyo

Kung patuloy ka pa ring nakikipag-usap sa iyong ex, ngunit nakikipag-usap siya na para bang kaibigan ka na lamang niya. Kung nginitian mo siya ngunit iniwasan ka naman niya, sa gayon isa itong malinaw na senyales.

Hindi kaaya-ayang pagkilos

Ang bawat kilos ng katawan ay nakagagawa ng komunikasyon, maging sa mga sinaryong hindi naman talaga kayo nagdidate. Kapag nakikipag-usap ka sa iyong ex tungkol sa mga interesanteng bagay, ngunit umiiwas siya at binabago ang galaw ng kaniyang katawan papalayo sa iyo, kung magkagayun tuluyan na siyang nagmomove on. Ang iba pang senyales ay ang pagsigaw, katamaran, o pagpapakita niya ng kawalan ng gana.

Sa huli

Sadyang napakasakit ng isang hiwalayan, ngunit ang ex na kung saan ay mas mabilis na nakapag-move on kaysa sa iyo ay sadya ring nakakainis. Ngunit alam mo? Magiging maayos din ang lahat. Kung ang ikinikilos ng iyong ex ay pareho sa mga nakalagay sa unahan, kung magkagayun oras na siguro para magmove on ka na rin. Sa bawat hindi matagumpay na relasyon, mayroong isang posibilidad na maghahatid sa iyo patungo sa isang panghabang-buhay na kasiyahan, kaya lumabas ka at magkaroon ng kasiyan. Ang FOMO ay isang bagay, at ang oportunidad ay isa rin.

Paano ipinakita sa iyo ng iyong ex na nakapag-move on na siya? Malaya kang makapagsasabi ng iyong kumento sa ibaba.

Please click the link for English version: 7 Signs That Your Ex Has Moved On

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?