7 Paraan Upang Malaman Kung Nagsisinungaling Siya
Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?
Kung nalampasan niyo na ang mga unang yugto sa inyong relasyon at ngayon ay nasa bahagi na kayo na gusto niyo ng mapunta sa mas seryoso. Marahil, ito ang oras upang bumalik kayo at alamin kung ang inyo bang kapareha ay totoo sa inyo. Habang ang unang mga linggo ay puno ng kasiyahan at pagpapakikilala, ngayon na siguro ang oras para pumunta kayo sa mas malalim na bahagi nito. Bago mo ito gawin, paniguraduhin mo munang pag-aralan ang mga senyales na ito upang hindi ka mauwi sa mas malalim pang mga kasinungalingan. Ang mata ng isang tao ay tulad din ng kanilang mga bibig, kaya tignan mo kung ang mata ba ng iyong kapareha ay nakatingin sa ibang direksyon habang sinasabi niya kung bakit mas gabi na siyang nakauwi. Habang kung siya ay sanay ng magsinungaling ay kakayanin niyang tumingin sa iyong mga mata upang mapatunayang totoo ang kaniyang mga sinasabi, ngunit ang minsanang pagsisinungaling ay mahuhuli mo kaagad dahil sa pag-iwas nila ng tingin. Ang isang sinanay na mga dahilan ay sinusundan ng pag-ikot ng mata sa ibang direksyon na isang palatandaan na nagsisinungaling siya. Ang pagtingin sa kaliwa ay isa ring indikasyon ng gumagawa lamang siya ng kuwento, ngunit isa lamang ito siyentipikong pagsusuri na kailangan mong alamin mismo. Malalaman mo rin kung siya ay nagsisinungaling sa kung paano siya magsalita. Nagbabago ang pagsasalita lalo na kapag may itinatago ang isang tao, kaya pakinggan mo ang mga tunog na hindi angkop sa normal niyang pagsasalita. Minsan, ang isang pataas na tunog sa hulihan ng kaniyang pagsasalita ay isa ring indikasyon na siya ay nagsisinungaling. Minsan iniiwas ng mga tao ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang pagkilos na sumasalungat sa kanilang tunay na intensyon. Ang pagtayo ng tuwid sa harap ng isang tao ay nangangahulugang kaya mong makipag-usap sa kanila ng naharapan, kaya kung iniiwas ng iyong kapareha ang kaniyang ulo papalayo sa iyo, maaaring mayroon ng ibang nangyayari. Habang ang iba na nagsasabi talaga ng totoo ay uupong nakaharap sa iyo, ang isang sinungaling naman ay para bang nakaupo sa pamamagitan ng kanilang mga hita upang maitago ang katotohanan. Pakinggan mong mabuti ang dami ng detalye na sinasabi ng iyong kapareha kapag siya ay nagpapaliwanag. Maaari silang mahuli sa pagsisinungaling dahil sa masyado itong detalyado. Kapag masyadong maraming detalye sa isang kuwento, maaaring sinusubukan ka lamang lituhin ng iyong kapareha sa sobrang mga ipormasyon. Ang pagpili ng mga salita ay maaring maging daan upang mahuli mo kung nagsisinungaling siya. Iniiwasan nila ang pagsasalungat ng mga salita upang mas magmukhang totoo ang kanilang kuwento at gumagamit sila ng mga negatibong salita sa kanilang pagpapaliwanag. Mapapansin mo rin sa kanila ang paggamit ng kakaunting mga panghalip bilang daan ng pag-iwas nila ng kanilang sarili sa kuwento. Isa sa pinakamadaling paraan upang mahuli mo kung nagsisinungalimg siya ay ang pagsusuri sa kaniyang mga dahilan. Kung ang kanilang pagkukwento ay hindi tuloy-tuloy at pabago-bago ang mga detalye, o inuulit na lamang niya ang kwento at biglang nakaalala ng iba pang mahahalagang detalye, masasabi mo talagang nagsisisnungaling siya. Karagdagan pa, kapag binibigyan ka niya ng magulong paliwanag o hindi siya makapagbigay ng espesipikong detalye, marahil siya ay nagsisinungaling. Makakatulong din na magtanong ng hindi inaasahan. Napag-aralan na niya ang kaniyang kwento sa kaniyang isipan bago pa man kayo mag-usap, kaya ang pagkakaroon iba pang alas ay isang mabuting paraan upang mahuli siya. Ano ang makukuha ng kapareha mo sa pagsisinungaling niya sa iyo? Maaaring sinusubukan lamang niyang isalba ang iyong nararamdaman o panatilihin ang inyong pagsasama. Kung wala ng iba pang mas mahalagang motibo upang magsinungaling siya, maaaring hindi niya nga ito gusto. Ngunit kung mayroon siyang makukuha, maaaring ganoon nga talaga siya. Tandaan na hindi lahat ng kasinungalingan ay nakasasama. Maaaring gutso lamang makaiwas ng iyong kapareha sa isang biglaang kalungkutan at kabiguan, o maaari lamang na may itinatago siyang malaking surpresa. Ganoon din, base sa isang eksperto na si Paul Ekman, mas makabubuti ng panindigan ang katotohanan. Sa ganitong paraan, mas magiging maayos ang iyong buhay kaysa sa patuloy na pagsisinungaling sa iyong kapareha. Minsan sa kanilang buhay ang lahat ay nakakapagsinungaling. Paano mo malalampasan ang isa sa pinakamalaking kasinungalingan sa inyong relasyon? Ibahagi mo sa amin ang iyong kuwento sa ibaba! Please click the link for English version: 7 Great Ways To Spot A Lying Partner In Seconds Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?Tingnan mo ang kaniyang mga mata
Pakinggan mo siya
Tignan mo ang kaniyang pagkilos
Masyadong detalyado
Paggamit ng mga salita
Hindi tuwid ang pagkukwento
Kung mayroong dahilan
Sa pagbubuod