Ang paghahangad ng pagmamahal sa ibang tao ay karaniwang nangyayari kapag nabigo kang mahalin at intindihin ng buo ang iyong sarili. Kung ang palagi mong nararamdaman ay hindi sapat ang pagmamahal na ibinibigay sa iyo ng ibang tao, kung magkagayun isa itong senyales na kailangan mo munang matutunang mahalin ang iyong sarili.
Kapag nakita mo ang iyong sarili na palaging naghahangad sa pagmahahal, kailangan mong humanap ng mga paraan upang mahinto ito habang maaga pa. Narito ang ilan sa mga paraan upang gawin ito.
Kilalanin ang mga bagay na gusto mo
Ano ang mga bagay na gustong-gusto mong gawin? Ano ang nais mong makamtan sa iyong buhay? Ang pag-alam sa mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo ay mahalaga at tinutulungan kang maiwasang maghangad ng pagmamahal. Magsulat ng mga kinahihiligan mong gawin. Ito ba ay ang pagpipinta, pagsusulat, pagbabasa, pananahi, pamamasyal o pagmemakeup? Anuman ang iyong hilig, kilalanin mo ito. Gayundin palagi kang maging bukas sa mga bagay na gusto mong subukan!
Isulat ang iyong mga positibong katangian
Suriin ang iyong sarili at hanapin ang mabuti sa iyo, hindi lang ang pisikal na katangian, ngunit kung sino ka bilang isang tao. Anong positibong katangian ang mayroon ka? Ikaw ba ay matulungin, palakaibigan, praktikal, maawain o tapat? Kung nasisiyahan kang tumulong sa ibang tao, isulat mo ito. Tandaan na isulat mo lamang ang mga positibo mong katangian.
Humanap ka ng bagay sa buhay mo na maaari mong mapabuti pa
Palaging mayroong bagay sa buhay mo na kailangang mapabuti pa, ngunit mayroon ding mga bagay na hindi mo na mababago pa. Magpokus ka sa kung ano ang maaari mong mapabuti at gawin mo ang iyong buong makakaya upang magawa mo ito. Kung hindi ka masaya sa pinansyal mong sitwasyon, humanap ka ng paraan na mas kikita ka, makakapag-ipon at mabawasan ang paggastos. Kung pakiramdam mo ay bumuo ka ng pader na nakapalibot sa iyo, pag-aralan mong papasukin ang mga taong gusto mo. Ano man ang bagay na sa tingin mo ay kailangan mong husayan.
Ipokus ang iyong sarili
Maraming mga tao ang hindi masaya dahil mas nagpopokus sila sa ibang tao, nalilimutan nila na dapat mas bigyang pansin ang kanilang mga sarili. Nauuwi sila sa pagtulungan upang mapabuti ang buhay ng ibang tao dahil naniniwala silang na ang pagbibigay ay higit na mahalaga kaysa sa pagtanggap. Habang totoo naman ito na ang pagbibigay ay mas higit kaysa sa ang tumanggap, mali naman ang kalimutan mo ang iyong sarili. Ipangako mo sa sarili mo na magpopokus ka na simula ngayon sa iyong sarili. Huwag mong subukang pasiyahin ang ibang tao bawat oras lalo na kung hindi ka naman gumagawa ng paraan upang mapasaya mo ang iyong sarili. Kaya bigyan mo ng oras ang iyong sarili, pagmamahal, at effort na kailangan mo.
Gawin mo ito “one step at a time”
Kung nailagay mo ang mga bagay na mapapabuti mo pa, pumili ka ng isa at simulan mong gawin ito. Huwag mong gawin ang lahat ng sabay-sabay dahil maaari ka lamang masobrahan. Gawin mo ito ng “one step at a time.” Magsimula sa maliliit na pagbabago at gawin ang malalaking bagay sa oras na nagkaroon na ito ng pagbabago. Halimbawa, kung gusto mong maibalik sa ayos ang iyong kalusugan, magsimula kang kumain ng masusustansya at magsagawa ng magagaan na ehersisyo, tulad ng paglalakad at pagtakbo. Bawat hakbang na ginagawa mo ay patungo sa tuluyang pagbabago ay hihikayatin ka pa upang manatili kang nakaabante, at makamit ang mga pinakamalalaking pagbabago na kailangan mo.
Enjoy
Naisulat mo na ang iyong mga kinahihiligan, tama ba? Ngayon simulan mo itong gawin at ienjoy ang iyong sarili! Pumili ka ng isa na gusto mong simulan. Ito ay maaaring dati mo nang hilig, o kaya naman ay bago na gusto mo talagang masubukan. Gawin mo ang iyong mga kinahihiligan sa tuwing may libre kang oras, lalo na kapag problemado ka. Kapag natutunan mo ng mahalin ang iyong sarili, magiging interesado ka sa kung anong saya ang mayroon ka ngayon at hindi ka na mauuhaw pa sa pagmamahal at atensyon ng iba.
Buuhin ang iyong tiwala
Kung nawala na ang iyong tiwala sa sarili, ito na ang panahon para buuhin mo itong muli. Tingnan mo ang mga positibong katangian na mayroon ka. Kapag mayroong nanyari na nakapagpawala ng tiwala mo sa iyong sarili, paalalahanan mo lang ang iyong sarili sa mga mabubuti mong katangian. Mabibigla ka na lamang na kapag mas may tiwala ka sa iyong sarili, maaakit ka na mas maging isang mabuting tao. At sa libreng oras, makapagdaragdag ka pa ng iba pang positibong katangian sa iyong listahan.
Ilabas mo ang iyong sarili
Kapag nabawi mo na ulit ang iyong lakas ng loob, wala ng makapipigil pa sa iyo upang ilabas ang iyong sarili at makipag-usap sa ibang tao, maaaring ito ay ang iyong dating mga kaibigan o panibago. Kapag mayroon ka ng tiwala sa iyong sarili, hindi mo na kailangan pang mamroblema sa kung ano ang iisipin sa iyo ng ibang tao. Maging masaya ka sa kanila at matutuwa rin sila sa iyo.
Kapag nakilala mo na at nahanap ang mga mahahalagang bagay tungkol sa iyong sarili, at sa wakas ay natutunan mo ng mabuhay para sa sarili mo, ang paghahangad mo ng pagmamahal sa ibang tao ay mawawala na lamang. Mapapaisip ka na lang na ang kasiyahan ay hindi lamang nanggagaling sa pagmamahal na maaaring ibigay sa iyo ng iba.
Sa huli, kapag binigyan mo ang iyong sarili ng pagmamahal ng kinakailangan mo, susundan ka rin ng mga tao. Ano pa ba ang ibang anyo ng pagmamahal sa sarili ang maaari mong maibigay? Ipaalam ito sa amin sa mga kumento sa ibaba!
Please click the link for English version: 8 Ways to Stop Craving for Love