Ang kahalagahan ng pagpapakita ng pagmamahal sa isat-isa sa isang relasyon ay sadyang hindi maikakaila. Pinapanatili at sinisigurado nito ang tibay at init sa inyong pagsasama. Kadalasan, gayunpaman, nagiging abala tayo at nalilimutan ng magpakita ng pagmamahal. Tandaan na walang halaga kahit na maresolba niyo pa ang inyong mga problema kung wala namang pagmamahal sa inyong relasyon, kaya subukan mo ang ilan sa mga pamamaraang ito upang maipakita na pinapahalagahan mo ang iyong minamahal.
Pagbibigay pansin
Kung binibigyan mo ng sapat na pansin ang iyong minamahal, malalaman mo kung ano ang kaniyang mga paborito. Tulad ng simpleng pagluluto na kaniyang paboritong ulam at inihanda mo na ito bago pa siya makauwi ng bahay mula sa kaniyang trabaho ay sadyang makaaantig ng kaniyang puso.
Kung siya naman ay abala sa garahian, dalhan mo siya ng mga bagay na makapagpapagaan ng kaniyang loob ng sa gayon ay mapanatili ang pagkakaroon niya ng maayos na pag-iisip at magandang motibasyon. O kaya naman ay pagsamahin ang ilan sa mga paborito niyang merienda at dalhin ito sa kaniya lalo na sa araw na mayroon siyang buwanang dalaw at kinakailangan niya ng aaliw sa kaniya.
Halikan mo siya sa publiko
Huwag kang mag-atubiling magsagawa ng kahit na kaunting PDA. Bukod sa nakapagpapabilis ito sa daloy ng dugo, maipapaalam din nito sa iyong kapareha na ipinagmamalaki mo siya at handa ka na ipagsigawan siya sa buong mundo.
Isang tabi muna ang paghaharutan
Walang ibang mas magandang paraan kung hindi ang maglaan ng oras ng magkasama kayong dalawa kaysa sa magharutan. Mas magaan sa pakiramdam ang magkaroon ng isang tao kung saan ay magkapagbibigay sa iyo ng init at pagmamahal na makakasama mo sa kama o sofa. Makipaglambingan ka muna sa iyong kapareha bago kayo matulog sa gabi at ulitin ito pagkagising ninyo sa umaga bago pa man ninyo simulan ang inyong araw. Sinong nakakaalam, maaaring mapunta pa ito sa mas maganda pang bagay.
Maging sensitibo
Pag-aralan mong matutunan ang mga senyales ng pagkabalisa o ang pagkakaroon ng alalahanin. Maaaring ayaw ng iyong kapareha na pag-usapan ang kahit na anumang bagay na nakababahala sa kaniya, kaya subukan mong tumingin sa kaniyang mukha o sa kaniyang ginagawang pagkilos para sa mga senyales. Ipaalam mo sa kaniya na ayaw mong makialam, ngunit naririyan ka at handang makinig sa kaniya kapag gusto niyang sabihin ang kaniyang mga problema. Mas madalas sa hindi, ang pagkakaroon ng isang mapagmahal na kapareha na palaging nasa iyong tabi para aliwin ka ay sapat na upang malagpasan mo ang iyong mga problema.
Hawakan ang isat-isa
Hindi maikakaila ang naibibigay na benepisyo ng isang mapagmahal na paghawak at matamis na pag-aalaga. Ang pag-aalala sa bawat isa ay pinapanatili ang koneksyon at kapaniguraduhan sa inyong dalawa. Subukan ninyong panatilihin ang init sa inyong pagsasama sa pamamagitan ng palagiang paghawak sa isat-isa. Hindi ito kinakailangang maging sobra. Ang simpleng pagpapakita ng pag-aalaga sa pamamagitan ng paghalik sa kaniyang pisngi o ang paghawak sa kaniyang mga kamay pagkatapos niyong magyakap ay sapat na.
Maghawak kamay
Parehong nagpapakita ng pagmamahal at pagiging romantiko ang paghawak ng kamay. Hawakan ninyo ang isat-isa habang kayo ay nanunuod ng telebisyon o kaya naman ay habang naglalakad. Wala ng tatamis pa sa pamamagitan ng pagpapaalam sa iyong kapareha ng gusto mo siyang palaging makasama.
Ang hindi inaasahang pagyakap sa kaniya mula ka kaniyang likod ay maganda rin. Yakapin mo ang iyong asawa habang siya ay nagluluto o kaya naman ay habang naghuhugas siya ng inyong pinagkainan. Maging maingat sa pagbibigay ng isang surpresang pagyakap; maaari itong mauwi sa gulo kapag nabitawan niya ang plato kung saan nakalagay ang pagkaing inihanda niya para sa inyong dalawa.
Ayusan ang isat-isa
Ang pag-aayos sa isat-isa ay hindi lamang aktibidad na para lang sa mga unggoy. Ito rin ay isang magandang aktibidad na nagpapakita ng pag-aalaga at katapatan mo sa iyong kapareha.
Suklayin mo ang kaniyang buhok makailang-ulit sa gabi, o kaya naman ay linisan mo siya ng kuko kapag nagkaroon siya ng hindi magandang araw mula sa kaniyang trabaho. Kuskusin ninyo ang likod ng bawat isa at kung possible ay hilutin ninyo ang bawat isa, o kaya ay bigyan ninyo ng pansin ang pangangailangan ng bawat isa ng sa gayon ay pareho kayong makapag-sisimula ng isang panibagong araw.
Mayroong ibat-ibang paraan upang maipakita sa iyong kapareha ang iyong pagmamahal, at ito ay sa pamamagitan lamang ng pag-oobserba. Pag-aralan mo ang personalidad ng iyong kapareha at alamin mo kung ano ang mga bagay na nakapagpapasaya at nakapagpapakuntento sa kaniya.
Ano ang iyong paboritong paraan sa pagtanggap ng pagmamahal? Magbahagi lamang sa kumento sa ibaba!
Please click the link for English version:8 Tips for Keeping the Sparks Flying in Your Relationship