Ang Iyong Gabay Sa Pakikipag-date Sa Isang Drama Queen

Isang bagay lamang ang panigurado: ang pakikipag-date sa isang drama queen ay magdadala sa iyo sa isang emosyonal na roller coaster. Karaniwan ay mayroon silang emosyonal na ups and downs. Labis silang nanabik sa atensyon na kadalasan sila mismo ang nagsisimula ng kadramahan sa kanilang mga buhay: maaaring sa kanilang mga pamilya, mga kaibigan, mga pinagtatrabahuan at maging sa romantikong mga relasyon. Hindi lahat ay makakaintindi sa maladramatikong mga pagkakataon ng isang drama queen. Ikaw kaya mo?

Kung ikaw ay nakikipag-date sa isang drama queen, kailangan mong magkaroon ng isang malinaw at parehong pag-unawa sa mga hindi inaasahang kadramahan na hindi dapat tanggapin at hayaan.

Ito ang ilan sa mga tips na maaaring makatulong sa iyo:

Maglagay ng malinaw na hangganan

Gaano kalalim na kadramahan ang kaya mong panghawakan? Paniguraduhing naglagay ka ng mga hangganan at alam niya kung ano ang mga iyon. Kung ikaw ay pupunta sa ibat-ibang uri ng kadramahan araw-araw at masyado na itong mahirap panghawakan, paniguraduhin mo na ipaalam at ipaunawa sa kaniya kung bakit hindi mo ito nagugustuhan. Kapag tumanggi siyang makisama, sabihin mo sa kaniya na maaaring hindi magtagal ang inyong relasyon kung magpapatuloy siya sa kaniyang kadramahan.

Pakinggan mo siya

Ang kaniyang mga kadramahan ay maaaring nakakainis ngunit kailangan mong making kapag mayroon siyang dinaramdam. Maaari na ang iyong partisipasyon at paalala ay hindi na kinakailangan, ang iyong presensya ay sapat na. Kailangan lang ng mga Drama queen ng isang taong handang makinig sa kanila kapag mayroon silang mabigat na pinagdadaanan. Kaya, kung gusto mong tumagal ang iyong relasyon sa isang drama queen maging handa ka sa pakikinig sa lahat ng kaniyang mga problema, gaano man kawalang kwenta ang ilan sa mga ito.

Maging tapat ngunit magalang

Kapag siya ay wala sa katwiran, maging lalaki ka na handang sabihin sa kaniya ang totoo na siya ay ganoon nga, na kung minsan ay wala na sa katwiran. Maging matapat, ngunit huwag kang maging bastos. Maaari mo itong gawin sa isang patawa o mapang-asar na pamamaraan. Huwag mo lamang itong palalain. Oo, sa kababanggit pa lamang, kailangan mong makinig sa kaniya ngunit dapat na ipaalam mo rin kung ang kaniyang mga kadramahan ay wala na sa katwiran. Kailangan niyang malaman kung kailan siya dapat tumigil.

Panatilihing maging mahinahon kung siya ay hindi

Kung siya ay nagiging madrama, trabaho mong magpanatili ng balanse. Kailan mong maging mahinahon dahil kapag ikaw ay naging emosyonal din tulad niya, maaaring mas lumala lamang ang sitwasyon kaysa sa iyong inaasahan.Kaya kapag sinigawan ka niya, maging mapagpasensya ka na lamang at panatilihing maging mahinahon. Malilimutan niya rin ito kalaunan.

Dalhin mo siya sa ibang usapin kapag umiiral ang kaniyang kadramahan.

Kapag siya ay nasa kaniyang mga pagkakataon na naman, ibahin mo kaagad ang usapan upang makalimutan niya kung ano ang kaniyang ikinagagalit at ikinaiinis. Subukan mong gawing magaan ang lahat. Huwag mong gatungan ang galit niya sa pamamagitan ng pagdadahilan sa kaniyang mga sinasabi o kaya naman ay dadalhin mo ito sa iba pang pagkakataon.

Kapag ito ay hindi nakapagpapasaya sa iyo, hindi ito ang nararapat.

Kapag iyong napag-isip na ang relasyon mo sa isang drama queen ay hindi na nakapagpapasaya sa iyo, huwag kang matakot na tapusin ito. Kung napuno ka na sa kaniyang mga kalokahan, umalis ka. Marapat na makipagdate siya sa isang tao na kayang intindihin ang lahat ng kaniyang mga kadramahan. At sa iyo, sa susunod subukan mong makipag-date sa isang taong hindi masyadong madrama.

Sa kabuuhan

Maging maingat ka sa pagpili ng iyong ididate at gumawa ka ng desisyon kapag ang kaniyang mga kadramahan ay sumusobra na. Humanap ka ng mga palatandaan at tingnan kung ang bagong babaeng ito ay isang drama queen o hindi. Kaagad mo itong masasabi sa pamamagitan lamang ng pakikipag-usap sa kaniya o sa pagtatanong.

Ano ang inyong mga opinyon sa pakikipagdate sa isang drama queen? Sa iyong tingin ito ba ay may halaga? Huwag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: Your Guide To Dating A Drama Queen

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?