Ang pakikipag-date ay isang napaka-komplikadong laro. Lalo na kung wala ka pang karanasan dito, maaari ka pang mahirapan. Para sa mga “geek”, ang pakikipag-date ay isang malaking hamon. Ngunit kung ang kabilang partida ay hindi napapantay sa iisang lebel, makakabuo ito ng isang napakalaking hindi pagkakaintindihan at hiyaan.
Isa ka bang aminadong geek na malapit sa walang-wala talagang karanasan sa pakikipag-date? Kung oo, ang palatuntunang ito ay makakatulong upang galing sa walang alam sa romantiko, ikaw ay magiging isang Casanova.
Huwag kang matakot na ipakita ang tunay na ikaw
Maging tunay ka sa sarili mo. Huwag kang matakot na ipakita ang totoong ikaw kahit na iniisip mong may kaibahan ka sa ibang tao. Sabihin na natin ang unang papasok sa isip mo ay dapat na maging kaaya-aya ang iyong itsura na ipapakita sa kanya, lalabas lang na kailangan mo pang magkunwari sa bagay na hindi naman ikaw.
Ang pagiging tapat ay pinaka-importanteng bagay sa pakikipag-date. Huwag kang gagawa ng mga pagsisinungaling na sa tingin mo ay maipapalabas sa’yo ng pagiging “cool” mo. Tanggapin mo ang iyong iyong sarili at magtiwala sa iyong sarili. Mas magandang ipakita sa iba ang tunay mong kulay kaysa naman sila pa ang makakakita nito sa paglipas ng panahon. Sa totoo lang, gusto mo ng kapareha na gusto kahit na ako pa man, hindi ba?
Huwag kang maging mayabang
Maaaring marami ka ng nagawang bagay sa buhay mo kung ikukumpara sa iyong date, ngunit hindi naman na kailangang ipagmayabang mo ito. Pwedeng matalino ka pero huwag mo siyang bibigyan ng isang leksyon dahil lang magkaiba kayo ng perspektibo.
Okay lang naman na magbahagi ka ng mga natapos mo para lumalim ang pagkakaalam niyo sa isa’t-isa ngunit huwag mo namang paikutin ang pag-uusap sa’yo at kung gaano ka ba katalino, ka-talentado o kung ano ba ang mga kasanayan mo. Kung ang pagiging mayabang ay ayos lang pero kung ito naman ay nasobrahan, aba, isa na itong turn-off. Huwag mong ipaparamdam sa iyong date na ‘mas’ sa kanya dahil hindi magandang nang-mamaliit ka ng ibang tao.
Magtanong, makinig at sumagot
Maaaring matalino ka at maraming alam sa mga bagay-bagay, ngunit maganda ring tanungin mo ang mga opinion niya. Hayaan mong ang usapan ay dumaloy sa inyong dalawa. Magtanong, makinig sa mga sagot niya at sumagot ka rin ng maayos.
Kahit na alam mo na ang mga sinasabi niya, huwag na huwag mo siyang puputulin sa pagsasalita. Makinig ka lang at sabihin mo lamang ang iyong saloobin pagkatapos niyang magsalita. Ipakita mong interesado ka sa mga sinasabi niya. Pagsalitain mo rin siya ng mga tungkol sa kanya; maaari ka pang makahanap ng interes na parehas kayo.
Huwag mong lunurin ang iyong date sa mga papuri
Ang pagbibigay ng mga papuri sa iyong date, isa o dalawa man, ay okay lang. Ngunit kapag dumami na ang mga papuri mo sa kanya, tutunog lang na napaka-desperado mo na sa kanya.
Gusto ng mga babae ang bigyan ng mga papuri ngunit madali rin silang mairita kapag nagiging masyado na itong marami. Obserbahan mo kung napaparami na ba ang mga sinasabi ngunit siguraduhin mong ang mga ito ay bukal sa iyong puso. Tingnan mo siya sa kanyang mata at bigyan siya ng mainit na ngiti.
Tigilan mo na ang sobrang pag-iisip
Tigilan mo ang sobrang pag-iisip sa mga scenario ng mga date na magpapalala lamang ng iyong mga problema. Magiging nerbyos ka lamang at pwede ring malungkot habang kayo ay nagda-date. Hindi rin makakatulong ang pagpaplano kung saan kayo pupunta o kung ano man ang gusto mong sabihin. Mahahalatang masyado mong pinaghandaan ang pagda-date ninyo. Subukan mong maging kalmado ngunit maging alerto. Maging responsible ka sa mga ginagawa mo at tigilan ang pag-aalala. Makikita ito sa mga galaw mo na pwedeng hindi maganda ang magiging kalalabasan.
Huwag kang mag-alala kung ikaw ay nakikipag-date sa isang tao na hindi gano’n ka-talino tulad mo. Minsan, ang magkaiba ay nagkakagustuhan din. At hanggang sa binibigyan niyo ng respeto ang isa’t-isa, kahit na kayo ay magkaiba, baka mag-work din kayo.
Ano pa ba ang ibang tips na maibibigay mo sa inyong mga geek na kaibigan? Maging malaya ka na ibahagi ang iyong ma ideya sa mga komento sa ibaba!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: The Dating Guide For Geeks