Ang mga babae ay nilikhang mas mahina kaysa sa mga lalaki. Panigurado, may mga babaeng weytlipter, sundalo, bodybuilder, astronaut, at anupaman, ngunit kahit na sinong babae ay nanaising marinig na siya ay maganda.
Habang pinupuno mo siya ng mga papuri, hindi ito ang paraan upang makuha mo ang kaniyang puso, ang pagsasabi mo ng ganito at ganiyan sa kaniya ay makatutulong upang mapalakas ang tiwala niya sa kaniyang sarili. Lalo na kung siya ay namomroblema sa isyu tungkol sa pagkakaroon niya ng tiwala sa kaniyang sarili.
Kung ikaw ay umiibig sa isang independiyenteng babae o kaya naman ay kailangan lang niya ng makapagbibigay lakas sa kaniya; importante na malaman mo kung papaano mo maipadarama sa kaniya na siya ay maganda na may tamang mga papuri.
Maging tiyak
Isa sa mga paraan upang makasiguro na mararamdaman niyang tunay ang iyong mga papuri ay ang humanap ng bagay tungkol sa kaniyang pisikal na kaanyuan at sabihing mganda siya para rito. Maaaring mawalan ng halaga ang palagiang pagsasabi sa kaniya na siya ay maganda, kaya marapat na maging tiyak sa pagbibigay ng papuri tulad ng sa kung gaano kaganda ang kaniyang mga mata, buhok, o ang nakaaakit na hubog ng kaniyang katawan, nasa sa iyo kung ano ang gusto mo.
Katulad ng kung paano inilalapat ang panulat, ang pagpili ng mga kagamitan, at ng iba pang mga elemento upang maging tunay na maestra ang isang larawan; ang ibat-iba niyang pisikal na aspeto ang makapagbibigay sa kaniya ng kagandahan gamit ang sarili niyang pamamaraan. Maging tiyak tungkol sa pagbibigay sa kaniya ng iyong mga papuri dahil kung hindi ay isisipin lamang niya na binobolo mo siya, at subukan mong magpokus sa mga bahagi na kung saan ay siya mismo ang gumawa. Maaaring ito ay ang bago niyang hairstyle, o ang kulay na gamit niya sa kaniyang kuko.
Mas palalimin mo pa
Kapag isinentro mo lamang ang iyong mga papuri sa kaniyang panlabas na kaanyuan, maaaring magduda lamang siya sa iyong katapatan. Hindi lamang ang iyong nakikita ang maaari mong makuha sa isang babae. Tingnan mo ang kaniyang pagkatao, at hanapin mo kung ano ang maganda tungkol dito at sabihin ito sa kaniya. Sabihin mo na gusto mo ang kaniyang pagiging mapagkumbaba, na siya ay isang mabuting kaibigan at ang kaniyang pagiging pasensyosa.
Maaaring hindi niya alam ang mga ganito niyang katangian at paniguradong mapapahalagahan niya ito dahil sa na napansin mo ang mga katangian niyang iyon. Ang pagpaparamdam sa kaniya na siya ay maganda ano man o saan mang anggulo ay isang mabuting paraan upang mas mapalaki mo ang tiwala niya sa kaniyang sarili at mas mapaganda ang kaniyang araw.
Pagsama-samahin ang mga ito
Pagsama-samahin mo ito at huwag mo lang siya sabihan na “Ikaw ay maganda”. Makatutulong ang pag-upo at ang pag-iisip ng lahat ng bagay na nakapagpapaganda sa kaniya at saka isulat ang mga ito. Huwag kang gumawa ng parang isang listahan lamang dahil magmumukha itong pangbobola. Sa halip, sulatan mo siya na kung saan ay nakalagay ang iyong mga papuri; ang isang magandang pagsulat ay mas mangingibabaw kaysa sa paulit-ulit na pagsasabi sa kaniya ng mga papuri.
Maging matapat
Mababalewala ang lahat ng iyong mga gawa kung malilimutan mo ang pinakapangunahing sangkap, ang katapatan. Kaya tingnan mo siya sa kaniyang mga mata, paglaanan siya ng oras, at paniguradong mararamdaman niya ang tiwala sa iyong mga papuri. Hindi ka isang artista. Naririto ka upang mapanatili mo siya, kaya sabihin mo kung ano ang iyong gusto at panindigan ito.
Huwag mo lamang sabihin kung ano ang nais niyang marinig
Habang ang mga papuri at sulat ay maaaring makagawa ng ibang mga bagay para maipadama sa kaniya na siya ay maganda, ang pagiging matapat ay siya ring susi. Magsabi kang ng mabubuting bagay na totoo tungkol sa kaniya. Ang pagsagot din niya ng mga papuri para sa iyo ay karagdagan na lamang sa iyong ikasasaya.
Salita ng paalala:
Maaaring maging mabuti ang mga papuri, ngunit ang sobra naman nito ay maaaring makasama. Ang huling bagay na nanaisin mo ay maaaring maging kasinungalingan na lamang. Ang mga babae ay madaling mabola sa mga matatamis na salita at mahirap ng makaalis dito sa oras na mahuli ka niya sa lubos na pagbibigay sa kaniya ng mga papuri. Mararamdaman niya lamang na may itinatago ka sa kaniya, o kaya naman ay nais mo lamang na mapasaiyo siya. Naririto ka para sa pangmatagalang relasyon, at mas napapahalagahan ng isang bababe ang efforts at pag-aalaga upang maipadama na siya ay espesyal at maganda.
Kaya sa susunod na magsasabi ka ng kung ano-anong papuri sa iyong kasintahan para lamang maipadama mong maganda siya, gamitin mo ang mga kaparaanang ito at paniguradong makukuha mo ang kaniyang puso.
Nakakuha ka na ba ng babaeng nakumbinsi mong talaga? Ano ang iyong mga ginawa? Ibahagi ang iyong mga karanasan sa mga kumento sa ibaba!
Please click the link for English version: 6 Ways To Make Your Girlfriend Feel Beautiful