Kapag pinapahalagahan mo ang isang tao, kailangan mong ipakita ang iyong nararamdaman para sa taong iyon. Maikli lamang ang buhay upang itago mo lamang kung ano ang iyong tunay na nararamdaman. Nagkasama man kayo ng maraming taon, o kaya naman, sa unang pagkakataon ay ngayon mo pa lamang sasabihin ang iyong nararamdaman, mahalaga na maging tapat ka at bukas sa iyong sarili.
Kung naguguluhan ka pa rin kung paano mo ito gagawin, baka makatulong ang ilan sa mga pamamaraang ito.
Maging sigurado ka sa iyong nararamdaman
Bago mo ipakita ang iyong nararamdaman sa iba, alamin mo muna ang mga pagtingin na iyon. Paniguraduhin mong hindi ka naguguluhan sa anumang bagay, at totoo ang iyong nararamdaman. Isipin mo kung paano niya ito ipinararamdam sa iyo. Pinapasaya ka ba niya sa tuwing magkasama kayo o kahit na wala siya? Kapag oo ang sagot mo, maaaring may pagtingin ka nga sa kaniya.
Ipadama mo ang pagtingin na iyon ng totoo. Huwag mo itong sabihin sa pamamagitan lamang ng tawag at text. Nababawasan lamang ang pagiging romantiko nito. Kung pinapahalagahan mo talaga siya, mayroon ka dapat lakas ng loob na ipakita ang iyong romantikong nararamdaman ng totoo. Mamasyal kayo o magdate. Huwag kang mahiyang magtanong sa isang lalaki kung pupwede ba kayong lumabas. Ayos lamang ito. Ipinapakita lamang nito na sapat na siya para sa iyo.
Magsalita ka ng mula sa puso
Kapag sasabihin mo ang iyong nararamdaman, magsalita ka ng tapat at mula sa puso. Ganoon din, bigyan mo siya ng pagkakataong makapagsalita. Ngunit, alalahanin mo na kapag ipinapakita mo ang iyong nararamdaman, huwag ka dapat maghangad ng anumang kapalit. Kapag mayroon din siyang romantikong pagtingin para sa iyo, mabuti. Kapag hindi naman at umaasa ka lamang na ganoon din siya sa iyo, paniguradong masasaktan ka lamang.
Isipin mo ang iyong pagkilos
Mas madaling ipares ang mga salita sa isang angkop na pagkilos. Ipakita mo ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng pagsasagawa nito. Yakapin mo siya o halikan. Lumapit ka kapag siya ay nakikipag-usap sa iyo. Ang pinakamahalaga ay panatilihin mo ang pagtingin sa kaniyang mga mata habang kayo ay nag-uusap. Ipinapakita lamang nito na interesado ka sa inyong pinag-uuspan. Kapag kung saan-saan ka tumitingin ipinapakita mo lamang na wala kang pakialam, at maaari lamang itong magpakita ng kawalang respeto.
Bigyan mo siya ng regalo
Ang pagbibigay ng regalo ay nagpapakita ng pagpapahalaga mo sa kaniya. Hindi naman kailangang maging mamahalin ito. Kailangan lamang na maging totoo ito. Ang pagsulat ng mula sa puso, isang tula, isang kanta o kahit na ang palabas na pinanuod ninyong dalawa nitong nakaraang linggo. Mas magiging espesyal ito kaysa sa mamahaling mga regalo. Ngunit, hindi naman din mali ang magbigay ng mamahaling regalo. Kapag pumipili ka, dapat lamang na iyong magugustuhan niya para mapahalagahan niya ito.
Tandaan na mas mabisa ang gawa sa salita
Sumagot ka sa kaniyang mga text o tawagan mo siya. Ipaalam mo sa kaniya kung nasaan ka at kamustahin mo rin siya sa kaniyang trabaho. Kapag kayo ay may date magpakita ka ng nasa oras, o kaya naman ay kapag sinundo ka niya, huwag mo siyang paghintayin ng matagal. Huwag mo siyang ikumpara sa ibang mga lalaki kung hindi ay palakasin mo na lamang ang kaniyang loob. Tignan mo kung ano ang makabubuti sa kaniya at irespeto mo siya. Pagaanin mo ang kaniyang loob kapag siya ay may problema. Subukan mong patawanin siya at magpunta ka kapag kailangan niya ang iyong tulong. Ipaalam mo sa kaniya na palagi kang naririyan para sa kaniya. Ang salita ay salita lamang, ngunit ang gawa ang magpapatotoo ng iyong tunay na nararamadaman.
Kailangan mong ipadama ang iyong nararamdaman sa taong iyon upang mas maging malapit kayo sa isat-isa. Ngunit tandaan na kailangan mo itong gawin ng tama at nasa panahon. Maaari lamang siyang mabigla kapag minadali mo ito.
May iba ka pa bang nalalaman upang maipakita sa isang lalaki ang iyong tunay na nararamdaman? Ibahagi lamang ito sa mga kumento sa ibaba!
Please click the link for English version: 6 Tips For Expressing Your Feelings For A Man