Apat Na Hakbang Para Yayain Siya Gamit Ang Telephono
Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?
Ang yayain ang isang tao sa isang date ay sadyang nakakapang-hina ng loob, lalo na kung gusto mo talaga siya ngunit hindi ka sigurado kung ano ba ang nararamdaman niya para sa'yo. Habang mas maayos na ayain siya sa personal, minsan, may mga bagay talagang hindi tumutugma kaya mas magandang tanungin na lang siya sa cellphone. Kaya kung napag-desisyunan mo ng yayain siya sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone, importante na alam mo kung paano mo ito maisasagawa ng maayos. Unang-una, kailangan mong malaman ang kanyang numero kapag gusto mo siyang tawagan. Tanungin ang kanyang numero at gawin ito sa magalang at may respetong paraan. Siguro, pwede kang magsimula ng isang usapan bago mo kunin ang kanyang numero. Pagtapos, sabihin mong tatawag ka at siguraduhing tuparin ito. Kapag gusto ka niya, may tsansa na hihintayin niya ang tawag mo. Iwasan na makuha ang kanyang numero galing sa iba, kahit na sa kanyang mga kaibigan. Habang tinitingnan ito ng ibang babae bilang maliit na pag-galaw, ang iba'y katatakutan ito. Gawin ang lahat ng iyong makakaya para makuha ang kanyang numero sa pamamagitan ng iyong sarili lamang. Magkaroon ng tiwala sa sarili! Maaaring maging hamon sa isang tao na makilala ang nagugustuhan niya kapag kausap niya lamang siya sa cellphone. Walang galaw ng katawan o ekspresyon ng mukha ang makapagsasabi kung nagugustuhan ka ba niya. Mahirap ding ipahayag ang iyong interes sa isang tao sa pagtawag sa telepono. Kaya, hayaan mong malaman niyang interesado ka sa kanya sa pagtatanong. Tanungin mo siya tungkol sa kanyang araw, mga paborito niyang gawain, mga paborito niyang bagay maski na ang mga bagay na kinaaayawan niya. Kapag nakukuha niya ang pakiramdam na gusto mo siyang makilala, magiging komportable siya na magkwento pa. Sa ganitong paraan, hindi ka na mahihirapan pang maghanap ng mga paksa sa susunod na mag-uusap kayo. Kapag madami na kayong alam sa isa't-isa, ito na ang tamang panahon para ayain siya sa isang date. Mula sa mga naging usapan niyo, alam mo na ang mga gusto niya, hindi ba? Kaya, subukan siyang ayain sa isang date na umiikot sa mga bagay na interesado siya. Kapag gusto niya ang mga tula, imbitahan siya sa pagbasa ng mga tula sa lokal na silid-aklatan. Kapag gusto naman niya ang mga litrato, gumayak sa isang photo walk. Walang kahit na ano ang makapipigil sa inyo! Ngunit kung wala ka pang masyadong alam sa kanya, mag-ayos ng isang date sa isang coffee shop kung saan kaya niyong magpalipas ng oras para makilala ang isa't-isa. Ang importante, malinaw na isang date ang habol mo hindi ang simpleng pag-tambay lamang. Huwag basta-bastang ibaba ang iyong telepono kapag pumayag na siyang lumabas kasama ka. Tapusin ang usapan sa magalang na paraan. Kapag um-oo na siya sa iyong imbitasyon, planuhin kung kailan at saan ito gaganapin. Siguraduhin na sang-ayon ito sa parehas niyong schedule. Ngunit kapag humindi naman siya, huwag mong ipakitang nalulungkot ka dahil dito. Huwag personalin ang kanyang pag-tanggi. Maging magalang at pasalamatan na lang siya sa kanyang oras. Kaya kung gusto mo talaga na makipag-date sa kanya, subukang tanungin kung may oras pa siya sa susunod para naman matuloy kayo. Ngunit, kapag tinanggihan niya ang iyong imbitasyon dahil siya ay nasa isang committment na, maganda ng umiwas ka na. Sa dami ng mga paraan dahil sa komunikasyong digital ngayon, ang pag-aya sa isang tao ng hindi personal ay parang hindi galing sa puso. Kaya kailangang doblehin ang effort mo para lang maiparamdam sa kanya na dapat siyang maging komportable sa'yo at para malaman niyang totoo kang interesado sa kanya kapag inaya mo na siya sa pamamagitan ng iyong cellphone. Ano pa ang iba mong naiisip kapag nag-aaya ka sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono? Hayaan mong malaman ito sa mga komento sa ibaba! Please click the link for English version: Ask Her Out Over The Phone In 4 Steps Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?Hakbang #1: Kunin ang kanyang numero
Hakbang #2: Magtanong ka
Hakbang #3: Imbitahan siya sa isang date
Hakbang #4: Tapusin ng maayos ang inyong usapan