Ang pagpasok sa isang relasyon ay nakapagbibigay sa iyo ng lubos na kaligayahan, ngunit kung ang isang lalaki ay kumikilos na para bang siya ay may karelasyon ng iba, mayroong ilang mga senyales na kailangan mong alamin. Gayunpaman, para maiwasan ang ganitong komplikasyon sa inyong relasyon, kailangan mo siyang kausapin at linawin ang lahat ng mga bagay na ito bago ka makipagdate sa kaniya.
Ngunit kung nagsisismula ka ng makipagdate sa lalaking ito, tingnan mo ang mga senyales na ito.
Hindi niya sinasagot ang iyong mga tawag
Kung hindi sinasagot ng iyong bagong karelasyon ang iyong mga tawag at tanging sa text lamang siya sumasagot, kahit na alam mong wala na man siya sa trabaho o hindi naman niya kasama ang kaniyang mga kaibigan, mayroong posibilidad na may kasama siyang iba na ayaw niyang ipaalam dito ang tungkol sa iyo. Kung madalas itong nangyayari at nagsisimula ka nang magduda, tanungin mo ang iyong sarili kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito. O ang mas maganda ay tanungin mo siya!
Kapag nakakuha ka na ng pagkakataon, alamin mo rin kung nakalagay ba ang iyong numero sa kaniyang telepono. Kung mayroon, nakapangalan ba ito sa iyo o mayroon lamang gamit na alias?
Hindi ka niya ipinapakilala sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya
Kung ang isang tao ay nagkakaroon ng bagong relasyon, karaniwang ipinapakilala niya ang kaniyang bagong karelasyon sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya.
Kapag halos isang buwan ka nang nakikipagdate sa kaniya at hindi ka man lang niya ipinapakilala sa kahit na sino, ang tiyansa ay itinatago ka niya sa kanila, o itinatago sila sa iyo. Kung patuloy ka niyang dinadala sa ibang mga lugar na kung saan ay nakasisiguro siyang walang ibang nakakakilala sa kaniya, ito ang paniguradong senyales. Namomroblema ba siya na may makakakita na kasama ka niya?
Subukan mong magplano ng inyong mga dates sa mga espesyal na okasyon, tulad ng Araw ng mga Puso. Kung tapat siya sa iyo, sasamahan ka niya rito. Kung gumagawa siya ng mga dahilan, maaaring ipinagdiriwang niya ito sa iba.
Nakikipagkita siya sa iyo sa mga hindi inaasahang oras
Kung ang isang lalaki ay tapat sa iyo, naririyan siya palagi kapag kailangan mo siya, hindi lamang kung kailan siya maaari. Ang isang lalaki na kung saan ay may kinakasama na ay palaging hindi pupwede sa lahat ng oras. Kung karaniwan ka niyang inaayang makipagkita sa kaniya sa hindi inaasahang oras, kailangan mong tanungin ang iyong sarili kung bakit.Kung nagpapakita siya sa harap ng iyong bahay pagkatapos ng kaniyang trabaho, malaki ang tiyansa na gumagawa lamang siya ng dahilan sa kaniyang asawa o girlfriend na late na siyang pinapauwi sa kaniyang trabaho. Kung karaniwan siyang pumupunta sa iyo na nakasuot ng panggym na damit, maaaring nagpapanggap lamang siya na nasa gym, kahit na ang totoo ay nakikipagkita siya sa iyo.
Subukan mong tanungin siya na samahan ka niya na kumain ng hapunan, at sabihan mo siya kung anong klase ng damit ang dapat niyang suotin. Kung kumikilos siya ng kakaiba o kaya naman ay nagsasabi siya na magpapalit na lamang siya ng damit kapag naroroon na siya sa inyong tagpuan, kung magkagayon ito na ang isang malaking senyales na nagpapakita sa iyong harapan.
Hindi ka niya iniinmbitahan sa kanilang lugar
Kung palagi kang nakikipagkita sa kaniya sa mga kainan, bars, hotels, o sa iyong bahay, sabihan mo siya na siguro ito na ang panahon para siya naman ang magimbita sa iyo sa kanilang lugar. Kung tumanggi siya, maaaring ayaw niyang naroroon ka sa kanilang lugar sa ilang mga dahilan.
May kinakasama ba siyang iba? May kasama ba siya sa kaniyang bahay o ang kaniyang mga magulang, mayroon dapat na dahilam kung bakit hindi ka niya inaaya sa kanila.
Kung wala ka man lamang alam kung saan siya nakatira dahil tumatanggi siyang ibigay ang kaniyang address, kung magkagayon mayroong malaking posibilidad na ayaw niyang mapahamak sa biglaang pagbisita mo sa kaniya.
Sa pagbubuod
Pagdating sa pakikipagdate, sundin mo ang iyong puso ngunit pagkatiwalaan mo ang iyong naiisip. Kung may nagsasabi sa iyo na para bang may mali, maaaring mayroon nga. Ang pinakamabuting bagay na iyong gawin ay komprontahin mo siya. Gayunpaman, mayroong malaking posibilidad na itanggi niya lamang ito.
Kaya bago mo ipagpatuloy ang inyong relasyon sa isang panibagong yugto, magsagawa ka muna ng isang matapat na imbestigasyon upang makapanigurado na hindi ka niya pangalawa.
Mayroon ka pa bang ibang alam na paraan upang malaman kung ang isang lalaki ay mayroon ng kinakasamang iba? Mag-iwan ng iyong komento sa ibaba!
Please click the link for English version: 4 Warning signs That He's Already Taken