Sa edad na 20, mabuti ang pakikipagtalik. Kung ikaw ay masuwerte higit pa ito sa iyong inaasahan, ngunit may mga bagay ka pang gustong malaman. Basahin mo ito upang malaman mo kung ano ang ipinagkaiba ng pakikipagtalik sa edad na 20 at 30 at sa mga bagay na dapat mo pang asahan.
Alam mo ang iyong katawan
Paniguradong nabuhay tayong may katawan ngunit kakailanganin ng mahabang panahon at effort upang mas makilala mo pa ito. Alalahanin ang unang beses na nagkaroon ka ng oragasm? May mga pagkakataon na kakailanganin mo ng buong pagtitiyaga, o naging sobrang suwerte ka lamang. Ito ang dahilan kung bakit ang karamihan sa mga kababaihan ay nagkaroon ng kanilang unang oragasm sa pamamagitan ng masterbation, kapag wala tayong dapat ipagmadali o asahan.
Karamihan sa mga kababaihan sa edad na 20 ay nagkukulang ng tiwala lalo na sa kanilang pangangatawan. Nasa ilalim sila ng impluwensya ng media, lalaki at ng kanilang mga sarili at para bang minamadali na tayo ng panahon na hanapin na ang lalaking magugustuhan natin habang kaya pa. Malaki ang magiging bahagi ng kawalan ng kapanatagan na ito sa pagkakaron ng pakikipagtalik na gugustuhin mo. Kapag namomroblema ka kung gaano kagalaw ang iyong tiyan kapag siya ay nakabaon na, hindi ka siguradong magkakaroon ng kasiyahan.
Kontra sa kung ano ang ipinapakita ng porno at sa mainiping malibog na pakikipagtalik sa edad na 20, na ipinapapaniwala ka na wala kang makikitang magic button. Ang pag-alam sa iyong katawan ay makatutulong upang magkaroon ka ng mas maayos na pakikipagtalik at kailangan nito ng panahon. Ang karanasan ay makatutulong sa maayos na pakikipagtalik, ganoon din ang tiwala sa sarili. At sa huli, ang pag-alam sa kung ano ang pag-ibig o sa kahit ang isang totoong emosyunal na koneksyon ay makatutulong din sa isang maayos na pakikipagtalik. Tungkol sa mga porno...
Naibibigay ng porno ang kanilang gusto ngunit hindi ito ang katotohanan
Magugulat ka kapag nalaman mo kung paanong hindi ito naiisip ng karamihan at sinasayang ang malaking bahagi ng kanilang buhay sa pag-asam na gayahin ang pekeng kasiyahan na ipinapakita ng mga bayaring aktor. Karamihan sa atin, una na tayong nakapanood ng porno noong tayo ay bata pa lamang, sa inaasahan tulad ng maraming bagay sa ating buhay, ang kahulugan at layunin ng porno ay patuloy na nagbabago mula pa noon. Isang tunay na kahihiyan ang papel ng porno sa pagkontrol ng isipan ng mga kabataan sa pagpapaalam na dapat na maging ganito ang paraan ng pakikipagtalik.
Huwag mo akong maliin dahil ang porno ay pupwedeng gayahin at makasabik at madalas na nakakapagbigay din ito sa atin ng magagandang ideya ngunit ang pinakamahalagang bahagi nito ay impraktikal at ginagawang negatibo ang emosyunal na bumubuo sa pakikipagtalik. Sa tutuusin ang porno ay isa pa ring negosyong pangkasiyahan na denisenyo upang bigyan tayo ng mas madaliang kasiyahan ngunit ang tunay na pakikipagtalik ay hindi naman kinakailangan na magkaroon ng orgasm sa loob ng 3 minuto at kapag ito ay tapos na karaniwan ito ay one-sided at sinusundan ng mas marami pang pagkabigo kaysa kaligayahan.
Alamin ang iyong limitasyon at huwag mahiyang sabihin ito
Habang nalalaman mo kung ano ang maganda sa pakiramdam, malalaman mo na rin kung ano ang hindi. Ang iba’t-ibang karanasan sa pakikitagtalik ay nag-iiba depende sa iyong kapareha, iyan ang sigurado, ngunit may mga bagay din na malalaman mong hindi gumagana para sa iyo.
Muli maaaring magbago ito, ngunit kapag hindi ka komportable sa isang bagay, pisikal man o emosyunal, hindi ito matatapos ng maayos para sa iyo at sa iyong kapareha. Ang pinakamagandang paraan para maiwasan ang malungkot na pagtatapos ay ang pagsasalita. Kapag mature na ang iyong kapareha at may tiwala siya sa sarili, tulad mo, malaki ang tyansa na sa pamamagitan ng pagsasabi nito ay ma-turn on siya dahil alam mo kung ano ang gusto mo at handa pa siyang mag-bago ng naaayon sa iyo.
Paano sa edad na 40 at 50… at sa susunod pa?
Marami ang sumasang-ayon na ang rurok ng pakikipag-talik ay dumadating sa magkakaibang panahon at ito ay hindi lagi dahil sa bayolohikal, karamihan dito ay nasa ilalim pa rin ng kontrol. Dahil sa mas gumaganda ang pakikipagtalik sa edad na 30, hindi ibig sabihin nito na hihina na ito pagkatapos no’n. Ang karanasan natin ay hindi na makukuha pa ng iba at hanggat patuloy tayong nakikinig at tumutugon sa ating katawan, dapat nating ipagpatuloy ang ating karanasan na magkaroon ng positibong paglago sa ating pakikipag-talik.
Please click the link for English version: Why and How Sex Gets Better In Your 30's