Dating 101: Ano Nga Ba Talaga Ang Pakikipagrelasyon?

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?



 

Parte na ng pagiging tao ang magkaroon ng kagustuhan na makipag-interaksyon at koneksyon sa ibang tao, na nagiging daan sa pagkakaibigan o sa mga romantikong relasyon.

Habang hindi lahat ng tao ay gusto ang makipag-relasyon, karamihan naman ng tao ay gusto na mayroon silang mababahagian ng kasiyahan at mga problema. Bagamat ang mga relasyon ay madalas na nabubuo, pagkakaibigan man o isang romantiko, ang unang pag-hakbang ay madalas na pinakamahirap na parte.

Narito ang ilang bagay na kailangan mong malaman bago magsimula ng isang relasyon.

Lahat ba ng relasyon ay pare-pareho?

Ang sagot ay hindi. Maraming klase ng relasyon ang mayroon, ngunit ang pinaka-pundamental na pagkakaiba ay nakadepende kung gaano ba ito kalalim at sa iba pang katangian.

Mayroong dalawang klase:

Monogamous, bilang isang eksklusibo at Non-monogomous na siya namang bukas at kaswal lamang na relasyon. Ang nauna ay base sa pag-ibig at katapatan samantalang ang isa naman ay para lamang punan ang kagustuhang pisikal at iba pang personal na bagay.

Ang isang relasyon na monogamous ay may mas malalim na kahulugan ngunit mas mahirap itong simulan. Ang non-monogamous naman, sa kabilang banda, ay pwedeng makuha kahit na kailan na gusto ng tao, kaya kulang ito sa lalim at kahulugan.

Ano ba ang mga benepisyo kapag nasa isang relasyon?

May mangilan-ngilang benepisyo kapag nasa isang relasyon ka. Isa na nga dito ang magkaroon ng kasama. Ang magkaroon ng taong laging makakasama sa mabuti at masamang panahon ay isa sa mga magagandang naidudulot nito.

Ang pagkagusto mo sa isang kasama ay mapupunan kapag ikaw ay nasa kahit na anong relasyon-monogamous man o non-monogamous ito. Ngunit ang monogamous ay bibigyan ka ng mas espesyal na pagsasama kasama ang isa pa.

Bukod sa pagkakaroon ng kasama, masisiyahan ka rin sa seguridad. Kaya, isipin na kung anong klaseng relasyon ba ang hinahanap mo bago ka magsimula.

Ano ba ang kahalagahan ng pagsisimula ng isang relasyon?

Depende pa rin sa klase ng relasyon na hinahanap mo, ang kahalagahan ay naiiba. Kapag gusto mo ng iisang kasama at seguridad, mas maganda na sa isang monogamous na relasyon ka mapunta.

Ngunit, kung gusto mo lamang ng kasama kapag gusto mo at gusto niya, o gusto mo lang ng taong pupuno sa kagustuhan mong pisikal, magandang piliin mo ang non-monogamous.

Kapag naman okay ka lang kapag nag-iisa ka, pag-isipan ng dalawang beses kung gusto mo ba talagang pumasok sa isang relasyon.

Ano ba ang kadalasang kamalian na tungkol sa isang relasyon?

May ibang tao na pumapasok sa isang non-monogamous na relasyon na umaasang mapupunta ito sa isang seryoso at eksklusibo.

Maraming palabas ang nagpapakita ng mga ganitong sitwasyon kung saan ang mga lalaki ay pumapasok sa isang kaswal na relasyon. Magtatampo ang babae kapag hindi tumawag ulit ang lalaki. Malalaman ng lalaki na isa siyang jerk, biglang magtatapat ng kanyang pag-ibig at makukuha uli pabalik ang babae. Tunog fairy tale eh? Ang masamang balita, ang storyang ito ay minsan lang mangyari sa totoong buhay.

Kapag gusto mo ng eksklusibong pakikipag-date, maging pranka sa simula pa lamang. Kung ang isa pang tao ay hindi sumasang-ayon, ang tsansa na maging monogamous na relasyon sa pagitan ninyo ay hindi na mangyayari.

Posible ba na dumaan ang taon na kasama siya na hindi ka makakaramdam ng boredom?

Sa totoo lang, hindi naman talaga ito maiiwasan. Ang mga relasyon ay hindi lang tungkol sa mga unicorn at bahaghari. Normal na hindi ka maging masaya sa iyong relasyon sa lahat ng oras. Magiging bored ka at mapapaisip kung ano kaya ang sitwasyon kapag iba ang kasama mo.

Sadyang makakasalubong kayo ng mga problema habang tinatahak niyo ang daan, ngunit naka-depende sa inyo kung paano niyo ito hahanapan ng paraan para maresolba. Kapag nasa isang malusog na monogamous kayong relasyon, maliit lang na problema ang pagiging bored dahil habang tinitingnan niyo ang buong relasyon ninyo, makikita mong ang lahat ng nagawa mo ay may pinatunguhan.

Ang pinaka-punto lang naman dito ay alam mo ang gusto mo at maging tapat tungkol dito. Ang hindi maging malinaw sa mga gusto mo ay malaki ang epekto sa relasyon mo sa kasalukuyan mong kapareha. At kung hindi niya kayang ibigay ang ganoong klase ng relasyon na kailangan mo, intindihin mo na na wala ng dahilan para mag-stay pa.

Ano ang iyong opinyon sa mga ekslusibong romantikong relasyon at sa mga kaswal na non-monogamous na relasyon? Ibahagi ang inyong naiisip sa mga komento sa ibaba!

Please click the link for English version: Dating 101: What Are Relationships Really Like

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?