Kailan Dapat Magsagawa ng Pakikipag-Eye Contact sa Isang Babae

Ang mata ay hindi lamang ginagamit upang makakita. Ang kahanga-hangang bahagi ng katawang ito ay may kakayahan ding magbigay mensahe. Kung ikaw ay makikipag-usap sa isang babae na kung saan ay mayroon kang romantikong nararamdaman para sa kaniya, ang pakikipag-eye contact ay maaaring lubos na makaapekto sa sitwasyon. Mabibigyang halaga kaya niya ang interes mo para sa kaniya? O iisipin niya lamang na nasisiraan ka lang.

Ito ang ilan sa mga angkop na paraan upang magsagawa ng pakikipag-eye contact.

Pang-aakit

Sabayan mo ang kaniyang pagtitig sa loob ng dalawang segundo

Kapag nahanap mo na ang isang babaeng interesado ka, iposisyon mo ang iyong sarili ilang paang layo mula sa kaniya ngunit humanap ka ng pwesto na kung saan ay madali kaniyang makikita. Kapag tumingin siya sa kinatatayuan mo, sabayan mo lamang ang kaniyang pagtitig ng mga dalawang segundo. Kung gumawa rin siya ng pakikipag-eye contact sa iyo, mayroong pagkakataong interesado rin siya sa iyo at gusto niyang batiin mo siya. Gayunpaman, kung siya ay tumingin papalayo at hindi siya nagbigay ng pangalawang pagtingin, malinaw na ang ibig nito ay hindi siya interesado sa iyo. Makabubuti na maghanap ka na lamang ng iba.

Panatilihin ang pakikipag-eye contact kapag binabati mo siya

Lumakad ka papunta sa kaniya ng may buong lakas ng loob kahit na hindi ka nakasisiguro kung gusto ka ba niya o hindi. Huwag mong hayaan ang iyong utak na makipag-usap sa iyo papalayo sa mga ito. Batiin mo siya na ipinagpapalagay na maaaring siya rin ay maging interesado. Ngunit huwag kang masyadong magpakasiguro. Tandaan na ipinagpapalagay mo lamang ang puntong ito. Panatilihin mo ang pakikipag-eye contact habang lumalakad papalapit sa kaniya. Tumayo ka ng tuwid na kung saan ang dibdib ay nasa labas at sa likod naman ang mga balikat. Iwasan ang pagiging magalaw bilang ginagawa ka lamang nitong hindi kaaki-akit.

Tignan mo siya sa kaniyang mga mata habang ikaw ay nakikipag-usap sa kaniya

Makipag-eye contact ka habang nakikipag palitan ng pagbati. Kung unang beses pa lamang ng inyong pagkikita, tanungin mo ang kaniyang pangalan. Pagkatapos ay makapagsisimula ka ng isang pag-uusap at makakahanap ng kaparehong interes. Itanong mo kung bakit siya naroroon o kung ano ang madalas niyang ginagawa para sa kasiyahan.

Kapag nakita mo na ang inyong pagkakapareho, dapat na magpatuloy lamang ang inyong pag-uusap. Tignan mo siya sa mata habang siya ay nagsasalita ngunit sa ilang mga segundo lamang. Ito ang nagpapakita na nakikinig ka sa kaniya. Dahil kung madalas kang makipag-eye contact sa kaniya maaaring matakot mo siya.

Muli mong tignan ang kaniyang mga mata bago ka umalis

Kapag kailangan niyo ng umalis, gumawa ka muli ng malalim na pakikipag-eye contact sa kaniya. Sabihin mo na nagustuhan mo ang inyong pag-uusap at hilingin mo ang kaniyang numero. Ito ang magiging paraan upang mas mabilis mo siyang mayayang lumabas dahil may ugnayan ka na sa kaniya anumang oras.

Pakikipag-date

Gumawa ka ng pakikipag-eye contact kapag binabati mo siya

Kung sa wakas ay nagsisimula ka ng makipag-date sa isang babae, paniguraduhin mong mapanatili ang wastong pakikipag-eye contact. Kapag binabati mo siya, makipag-eye contact ka sa kaniya at bigyan mo siya ng papuri tungkol sa kaniyang suot. Mahihiya siya.

Sa tabi niya

Habang papalapit ka sa lugar ng inyong date, lumakad ka sa tabi niya at tignan mo ang paraan ng kaniyang pakikipag-usap upang malaman niya na nakikinig ka sa kaniya. Ngunit gawin mo ito kada isang beses lamang o maaaring mapahiya ka lamang.

Maging isang maginoo

Patunayan mo sa kaniya na ang pagiging maginoo ay hindi pa patay. Kapag kayo ay pumunta sa isang restaurant at malapit ng maupo, hilain mo ang kaniyang upuan. Sa pagkakataong iyon ay maaari ka ng maupo. Mabibigyang halaga niya ang kilos na iyon na madalang na lamang makita sa panahon ngayon.

Gumawa ka ng isang pag-uusap habang naghihintay kayo inyong pagkain at tumingin ka sa kaniyang mga mata habang nakikipag-usap siya sa iyo. Hayaan mong malaman niya na binibigyan mo siyang pansin sa pamamagitan ng pakikipag-eye contact at pagtango.

Maraming pagkakataon upang maipakita ang hangarin mo sa pamamagitan ng pakikipag-eye contact kapag kayo ay magkabilaang nakaupo sa isat-isa.

Isang makapangyarihang bagay ang pakikipag-eye contact. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong nakapagpapanatili ng pakikipag-eye contact ay tinitignan bilang malambing, kaibig-big, mapagkakatiwalaan, taos-puso, malakas ang loob, at matatag ang loob. Kaya kapag ikaw ay nakikipag-eye contact gawin mo ito sa tamang paraan at tamang oras.

Ano sa palagay mo ang pakikipag-eye contact bilang isang epektibong paraan sa pagpapahayag ng damdamin ng isang tao? Ibahagi mo ang iyong opinion sa mga komento sa ibaba.

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: When To Make Eye-Contact With A Woman

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?