Mga Aktibidad kasama ang iyong boyfriend na hindi kailangang gumastos

Ang mga relasyon ay para sumaya ka. Para mapalakas ang ugnayan mo at ng boyfriend mo, kailangan niyong bumuo ng magagandang alala ng magkasama. Gumawa ng effort para madadagdagan ang saya at sabik sa mga oras na magkasama kayo.

Ang pagkakaroon ng oras kasama ang iyong kasintahan ay hindi naman kailangang maglabas ka ng pera palagi. Pwede pa rin kayong magkaroon ng magandang pagsasama kahit wala kayong pera. Sa ibaba ang ibang suhestiyon ng nga gawain na pwede mong gawin at ng boyfriend mo.

Magkaroon ng picnic

Hindi na kailangang pumunta pa kayo sa pamilihan bago kayo pumunta sa isang picnic. Bagkus, tingnan niyo na lang ang inyong refridgerator para sa mga natirang pagkain. Dalahin ito sa parke at kainin ang mga pagkaing iyon habang nagsasaya sa magandang tanawin. Kapag ayaw mo namang lumayo sa inyong bahay, maglatag na lang ng kumot sa labas niyo, o kahit sa loob, at magkaroon ng picnic doon.

Lakbayin ang kapaligiran sa labas ng bahay

(Karamihan ng) magaganda sa labas ay hindi na kailangan ng bayad. Sulitin ang mga libreng bagay na ibinibigay ng Inang kalikasan. Magpunta sa isang hike at kumuha ng mga litrato. Ilaan ang tahimik na araw sa isang lawa. Panoorin ang pagbaba ng araw o hintayin ang paglabas nito. Mangisda, lumangoy, mag-camp at stargazing. Maraming bagay ay pwede niyong gawin na hindi naman kailangan ng pera.

Magkaroon ng workout sa bahay ng magkasama

Kapag hindi niyo kayang magbayad para maging miyembro sa isang gym, pwede ka namang mag-work out sa bahay. Tumingin lang sa internet para sa mga work out videos, lalo na 'yong para sa mag-kasintahan, na pwede niyong gamitin para maging gabay. Magkakasiyahan kayo at tutulungan ang bawat isa na maging malusog.

Ipasyal ang inyong aso

Ipasyal ang inyong aso ng magkasama. Hindi niyo lang nailalakad ang inyong aso sa paligid at makipag-socialize, nakakakuha rin kayo ng magandang ehersisyo. Pwede mo ring dalahin ang aso mo sa parke, hayaan siyang tumakbo ng walang tali at maglaro ng fetch.

Subukan ang mga DIY art projects

Ang gawaing ito ay magpapalabas ng pagiging malikhain ninyo. Tuminginbsa internet para sa mga madadaling DIY art projects na pwede niyong gawin. Halukayin ang mga gamit ninyo para lumikha ng sining at alamin kung ano ang magagamit ninyo. Magugulat ka sa mga bagay na akala mo ay wala ng kwenta na maaari pa palang magawa sa isa pang bagay na bago, kakaiba at may pakinabang.

Maglaro ng video games

Karamihan ng mga lalaki ay gusto ang maglaro ng video games, at kapag isa ang boyfriend mo rito, magugustuhan niya kapag sinamahan mo siya sa mga bagay na nagugustuhan niya. Hindi naman kailangang maging hard-core gamer ka para makapaglaro ng video games. Pwede kang magpaturo sa kanya. Ang magandang bagag kapag naglalaro ng video game ng magkasama ay hinahayaan nitong magkaroon ng kasiyahan at kompetisyon sa pagitan niyong dalawa.

Mag-movie marathon

Halukayin ang koleksyon niyo ng DVD at pumili ng mga palabas na papanoorin niyo ng buong araw. Huwag mo lang piliin ang iyong paborito. Hayaan mong tumulong din siya sa pagpili. Maaari niyong mapag-desisyonan na magkaroon ng iisang tema o ng iba't-ibang genre sa iisang araw.

Mag-boluntaryo

Gawin ang mga boluntaryong gawain bilang bonding niyo ng iyong boyfriend. Kapag magkasama, pwede niyong gawin ang mundo na maging "mas" at masayang lugar. Sumali sa mga gawaing pang-boluntaryo tuwing bakante niyong oras. Tumulong sa pagluluto ng soup sa kusina, mag-bigay ng alalay sa mga lokal na kabahayan, o sumali sa mga pag-lilinis ng inyong komunidad.

Masaya na magkaroon kayo ng indibidwal na mga narating ngunit ang matapos ang mga gawain ng magkasama ay mas maganda. Matutulungan din niyong palaguin ang isa't-isa.

Maglaro sa mga snow

(wag gawin kung walang snow sa lugar niyo ^_^)

Kapag ang panahon naman ay taglamig at hindi mo na kailangang gumawa ng maraming gawain, bakit hindi mo na lang sulitin ang mga bagay na marami ngayon: ang snow! Gumawa ng mga snowman at gawin ito ng mas malaki hanggang maaari. Kapag ang lahat ay pumalya, magkaroon ng snowball fight at ilabas ang puso niyong bata at tumakbo na parang wala ng bukas.

Kahit na ang mga gawaing ito ay hindi na kailangang gumastos pa, hindi naman nito mababawasan ang sayang maidudulot nito sa iyong boyfriend. Kaya bago magkaroon ng mga mamahaling date, pwede mo namang bigyan muna ng konsiderasyon ang mga bagay na ito.

Ano pa ang ibang suhestiyon niyo sa mga aktibidad na walang bayad para sa inyo ng iyong boyfriend? Hayaan mong malaman ito sa mga komento sa ibaba!

Please click the link for English version: Cost-Free Activities To Do With Your Boyfriend

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?