Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin sa Speed Dating

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?



 

Ang mabilisang pakikipagdate, na ipinakilala ni Rabbi Yaacov Deyo, ay isang kawili-wili at mabisang paraan upang makakilala ng ibat-ibang tao sa loob lamang ng kakaunting oras. Kahit na sabihin pang napalitan na ng online dating ang speed dating, mas nakapagbibigay pa rin ito ng higit na kasiyahan dahil tunay na makakatagpo ka ng bagong potensyal na kapareha ng harap-harapan.

Ngunit sa kakaunting oras na ito na iyong ibibigay, kailangan mong “ipakita sa kanila ang lahat ng mabuti”, ganoon din sa pakikipag-usap at ibig-sabihin nito ang paggamit ng mga stratehiya sa event na ito ay makatutulong upang mahanap mo ang taong ninanais mong makadate.

Narito ang tips at mga katanungang iyong sasabihin kapag sumali sa isang speed dating event.

Ano ang HINDI dapat GAWIN:

Pag-inom

May mga dahilan kung bakit hindi ka maaaring magdala ng mabibigat na kagamitan at mga kasangkapan kung ikaw ay nakainom na. Makasisira lamang ito sa iyong pandama at maaaring mapalitan ang event ng isang nakakahiyang gulo para sa iyo.

Ang pagkalasing ay magreresulta sa pautal-utal na pagsasalita at pagkawala ng focus, na kung saan ay hindi magandang ideya lalo na kung ikaw dadalo sa isang mabilisang event kung saan ang unang impresyon ay higit na mahalaga kaysa sa iba. Gayundin, ang sobrang pagkalango ay nakaka-turn off para sa maraming tao, kaya huwag mong sayangin ang iyong pagkakataon. Iwasang uminom ng alak bago ang pagdalo, kahit na sa tingin mo ay kakayanin mo ito.

Dumalo sa isang speed dating event na ginaganap sa kung saan madalas ka

Lubha ng nakakastress ang makipagkilala sa bagong mga tao at magpakita ng magagandang impresyon, ngunit higit pa kung makikita ka ng iyong kaibigan na dumalo rin sa kaparehong lugar. Ang iyong pinakamagandang pagkakataon ay kung saan walang nakakakilala sa iyo.

Ang pagkanerbyos ay isang senyales ng pagkabalisa, kaya maaaring mabalisa rin ang iyong kapareho kapag mapansin niyang hindi ka komportable sa kaniya dahil nakakita ka ng ilan sa iyong mga kaibigan sa speed dating event.

Mag-usap tungkol sa ordinaryong mga bagay

Mayroon ka lamang #### mga minuto upang makipag-usap sa bawat tao kaya naman ang boring na mga usapin ay hindi na dapat pang itanong. Simulan mo ang inyong pag-uusap sa kung ano ang iyong kinahihiligan at kung bakit sa tingin mo ikaw ay kagiliw-giliw.

Ibinebenta mo ang iyong sarili na kung saan ay hindi magmumukhang ikaw. Mag-usap tungkol sa inyong mga libangan at kinahihiligan at iwasan ang mga negatibong usapin tungkol sa inyong mga ex.

Pagpapakita ng larawan ng iyong mga anak

Kung ikaw ay komportable para rito, maaari mong ipaalam sa iyong kadate na mayroon ka nang mga anak. Ngunit hindi ito nangangahulugang maaari mong ipakita sa iyong kadate ang litrato ng iyong mga anak. Masyado pang maaga!

Pagtingin sa iyong cellphone habang ikaw ay nasa speed dating

Ilagay mo ang iyong telepono sa silent mode, ilagay mo ito sa iyong bulsa at huwag kang titingin dito habang hindi pa tapos ang iyong mabilisang pakikipag-date. Ang pagtingin sa iyong cellphone sa kalagitnaan ng pakikipag-date ay magmumukhang hindi ka interesado at hindi ka kagalang-galang. Magfocus ka sa iyong kadate dahil iyan ang dahilan kung bakit kayo naroroon.

Ano ang DAPAT GAWIN:

Look nice

Ang iyong pag-aayos sa pinaka ay sadyang napakahalaga sa speed dating. Gustuhin mo man o hindi, ang iyong pisikal ng kaanyuan ay ang unang bagay na mapapansin sa iyo ng iyong kadate, kaya siguraduhin mong magmukha kang maayos at mabango. Ang mabilisang pakikipag-date ay ang pagpapakita ng iyong mga pinaka na katangian sa loob ng maikling oras, kaya siguraduhin mong maging maingat sa pagpili ng iyong isusuot.

Pumili ng tamang accesories.

Magsuot ng angkop na dami ng alahas na nagpapakita sa iyong pagkatao. Ito ay makakatulong sa iyong kadate upang masukat kung kayo ay magkatulad ng panlasa.

Magtanong ng tama

Maghanda ng listahan ng mga itatanong. Ito ay maaaring tungkol sa kanilang mga libangan, ang gusto nilang pagkain o ang kuwento tungkol sa kanilang huling bakasyon. Ito ang magpapakilala sa iyo sa pagkatao ng iyong kadate.

Sa Pagbubuod

Ang mabilisang pakikipag-date ay masaya kung ikaw ay lubusang handa para rito. Huwag kang mabahala kung sa pagtatapos ng event ay hindi ka nakahanap ng potensyal na makakapareha. Sa kabilang banda, ay maaaring makakatagpo ka ng mga bagong tao na magiging potensyal mong kaibigan o kasosyo sa hinaharap.

Nasubukan mo na ba ang speed dating? Paano ka naghanda para rito, at paano ito naganap? Ibahagi mo ang iyong kuwento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English Version: The Do's And Don'ts of Speed Dating

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?