Mas madalas nakikipagkasundo ka sa mas mahirap na paraan lalo na kapag nagustuhan mo ang kapatid ng iyong kaibigan. Habang hindi naman imposible ang ganitong relasyon, marami pa ring mga bagay ang maaaring mauwi sa mali.
Ang ganitong uri ng relasyon ay maituturing na isang tagumpay, ngunit mayroon itong panganib at kailangan mong maging maingat kung gusto mong mabuo ito sa isang malusog na relasyon. Ang pagmamahal ay maaring maging isang mapanganib na laro lalo na kapag nilaro mo ito sa ganitong paraan, kaya kung pinapahalagahan mo ang inyong pagkakaibigan kailangan mong maglaro ng may mga alintuntunin o itataya mo na mawala ang iyong kaibigan at ang iyong minamahal.
Magtanong ka para sa opinyon ng iyong kaibigan at irespeto mo ito
Bago mo pa simulang kausapin ang babae, kailangan mo munang siguraduhin ang basbas ng kaniyang kapatid. Panigurado isa itong mahirap na sitwasyon, ngunit gagana ang lahat ng ito sa oras na pumayag ang iyong kaibigan. Maaari siyang maging tagapagligtas at ilakad ka sa kanilang mga magulang.
Panigurado, may iba na sumusunod sa iginuhit nilang linya para sa mga taong nakapaligid sa kanila kaya kapag nalaman ng kaibigan mo ang tungkol sa hangarin mo sa kaniyang kapatid, kung magkagayun kailangan mong irespeto ang limitasyon na iyon o itataya mo na mawala ang iyong kaibigan.
Habang ang iyong kaibigan ay tutol sa pakikipagdate mo sa kaniyang kapatid, posible naman na mapapayag mo sila upang gumawa ng kumpletong #### Kung wala talagang pag-asa para magbago ang isip ng iyong kaibigan, respetuhin mo na lamang ito at magmove on na lang.
Tratuhin mo ng may paggalang ang kapatid ng iyong kaibigan
Maging kapaki-pakinabang! Ang pagpapakita mo ng iyong sarili ay sadyang mahalaga. Sa anumang paraan respetuhin mo ang babae at maging magalang sa kaniya. Ang ibig sabihin nito ay ang hindi mo pagpunta sa mga club kasama ang barkada, walang anumang malanding aktibidad lalo na kapag naririyan ang iyong kaibigan at hindi dapat lumabas ang pagiging “player” mo.
Balansihen ang iyong tungkulin
Kung nakakuha ka na ng pahintulot mula sa kaniyang kapatid at mga magulang, importante na mabalanse mo ang iyong tungkulin sa pagiging isang boyfriend at kaibigan. Pahalagahan mo na ayos lamang sa iyong kaibigan na idate mo ang kaniyang kapatid basta itrato mo siya ng tama kapag magkasama kayong dalawa, maging ang pagiging isang mabuting kaibigan lalo na kapag kasama ninyo ang kaniyang kapatid.
Tandaan na karamihan sa mga tao ay mas gusto na ang makadate ng kanilang kapatid ay ang taong kilala na nila kaysa sa hindi, kaya gawin mo ang pinaka sa pamamagitan ng pagpapanatili ng magandang balanse sa iyong tungkulin.
Pag-isipang mabuti
Tanungin mo ang iyong sarili, “Siya na nga ba talaga?” Kung sa tingin mo ay may ibang babae na nagpapasaya sa iyo, mas mabuti ng hindi tumaya sa pakikipagdate sa kapatid ng iyong kaibigan at mauwi sa wala ang magandang pagkakaibigan ninyong dalawa.
Alamin ang maaaring maging panganib
Maaaring makuha mo ito, ang pahintulot mula sa kaniyang mga kapatid at magulang at dalawang buwan na kayong nagsisimulang magdate ngunit kung kayo ay magkahiwalay, maaari itong mauwi sa hindi inaasahang kabayaran.
Kung kayo ay mula sa parehong grupo ng magkakaibigan, mapupwersa ang iba niyo pang mga kaibigan na pumili sa inyong dalawa. Kung mahalaga ito para sa iyo, huwag ka ng makipagdate sa kaniya. Maaaring ayos lamang sa kaibigan mo na idate ang kaniyang kapatid dahil ang kaniyang kapatid ay nagkaroon na dati ng isang hindi ideyal na karelasyon at napatunayan mo namang desente ka. Gayunpaman, kung iniisip mo na pansamantala lamang ito kung magkagayun dapat na humanap ka na ng mas magandang paraan na hindi makakasira sa pagkakaibigan ninyo ng kaniyang kapatid.
May ilang mga tao na natatanggap nila na makipagdate ang kanilang mga kaibigan sa kanilang mga kapatid, ngunit may iba naman na pinapayagan lamang na gawin ito ng kanilang matalik na kaibigan. Sa huli, gusto pa rin nila kung ano ang mas makabubuti para sa kanilang kapatid, kaya nasasaiyo na kung mapunta ka sa isang mahirap na sitwasyon kung sa tingin mo naman ay sapat na siya.
Nakapagdate ka na ba ng kapatid ng iyong kaibigan? Ibahagi ang iyong kwento sa mga kumento sa ibaba!
Please click the link for English version: A Guide to Dating Your Friend's Sister