Mga Gabay Sa Pakikipagkita Sa Anak Ng Iyong Boyfriend

Kung sa tingin mo ay mahirap ang makipagdate sa isang single na lalaki, subukan mong makipagdate sa isang single dad. Habang sadyang nakakahamon ang makipagdate sa isang lalaki na kung saan ay mayroon ng mga anak na dapat alagaan, mahirap din para sa mga bata ang ideya ng pagkakaroon ng panibagong babae ng kanilang ama bukod sa kanilang tunay na ina.

Panigurado na kakailanganin ng mas malaking effort upang maunawaan ito ng mga bata, ngunit sulit naman ang lahat ng paghihirap na ito lalo na kung sigurado kang siya na talaga. Isa itong mahirap na sitwasyon ngunit maaari itong makaya sa pamamagitan ng ilang pamamaraan, pagpaplano, at ng buong pagmamahal.

Maghintay

Alamin mo kung ang inyong relasyon ay mapupunta sa isang pagsasama. Ibig sabihin nito ang paghihintay hanggang sa malaman mo ang bawat sulok ng kaniyang buhay ay mahalaga.

Walang makapagsasabi kung hanggang kailang magtatagal ang inyong relasyon, ngunit ang katatagan ay maghalaga para sa mga bata kaya paniguraduhin mo na makatutulong ka sa pamamagitang ng pagbibigay ng anuman kahit na hindi pa kayo kasal ng kanilang ama.

Kahit na iniisip mo pang handa ka ng makita ang kaniyang mga anak, ang ama ang pa rin ang makapagsasabi kung kailan kaya huwag mo siyang pwersahin sa pagkikipagkita sa kaniyang mga anak.

Respetuhin mo ang mga alituntunin

Habang nararamdaman mo ito bilang isang babae, tulad ng malakas ang iyong loob na makukuha mo ang damdamin ng mga bata hanggang sa ideyang ituturing ka nila bilang kanilang pangalawang ina, mayroong mas malaking abilidad ang iyong boyfriend upang mabago ang nararamdaman ng kaniyang mga anak.

Maaaring magbigay siya ng mga alituntunin na iyong susundin tungkol sa pakikipagkita sa kaniyang mga anak, kaya paniguradihin mong isapuso ito upang magkaroon ka ng magandang oportunidad sa pakikipagkita sa kanila.

Edad

Alamin mo kung ilang taon na ang mga bata. Kung bata pa ang kaniyang mga anak mas mahirap silang makatanggap lalo na kapag nalaman nilang may bagong babae sa buhay ng kanilang ama. Ang matatanda naman ay mas mabilis na matatanggap ang ideyang ito, ngunit hindi ito nangangahulugang sapat na. Kung ang kaniyang mga anak ay bata pa, mas makabubuting maghintay ka na lamang na magkaedad sila bago ka pa makipagkita sa kanila. Nakadepende ang lahat ng ito sa kung ano ang nararamdaman ng kanilang ama.

Sa ilang mga espesyal na pagkakataon, katulad ng kung ang mga anak ng iyong boyefriend ay ni minsan ay hindi pa nakikita ang kanilang ina at nararamdaman niyang kailangan ng kaniyang mga anak ng isang ina na aalalay sa kanila. Kung ganito ang pangyayari, mas madali kang matatanggap ng mga bata.

Lugar ng tagpuan

Pag-isipan mong mabuti ang lugar ng inyong tagpuan. Mas maigi pa ring makipagkita ka sa mga bata sa pampublikong lugar, kaysa sa kanilang bahay para hindi magmukhang inaagaw mo ang lugar na kung saan ay naroroon dapat ang kanilang ina.

Subukan mong makipagkita sa parke, zoo, o kaya ay pareho, ng sa gayon ay matulungan mo silang makapagrelax at hindi magmukhang ang pinakapokus ng inyong pagtatagpo ay upang makilala ang kanilang bagong ina. Pag-usapan mo ito kasama ang iyong boyfriend at magdesisyon sa pinakamabuting lugar para sa isang malaking pagtatagpo at pagpapakilala.

Huwag itong madaliin

Habang halata na talaga ito para sa iba, hindi na problema pa kung gaano kahalaga para sa mga bata ang pagkakaroon nila ng isang maayos na lugar habang sila ay lumalaki. Ang bagong tao sa buhay ng kanilang ama ay isang malaking hakbang tungo sa isang panibagong lokasyon. Habang ang ibang bata ay madali itong maiintindihan, ang iba naman ay kailangan pa ng mas mahabang panahon bago ka nila magawang kausapin. Huwag mong ipilit ang pagiging malapit ninyo kaagad at palagi mong isaisip ang kanilang nararamdaman.

Sundan mo

Kung matagumpay ang pakikipagkita mo sa kaniyang mga anak, isama mo sila ng mas madalas sa mga aktibidad kasama ang kanilang ama. Iparamdam mo sa kanila kung gaano sila kaimportante sa iyo sa pamamagitang ng pagbibigay sa kanila ng mga regalo, paglabas sa kanila ng madalas, at pagsama sa kanila hanggat maaari.

Ang pagkikipagdate sa isang single dad ay nakakahamon, ngunit malayo ito mula sa problema. Ang pagiging malapit sa iyo ng kaniyang mga anak ay isang masarap at matagumpay na karanasan, kaya itago mo ang mga pamamaraan ito sa iyong isipan para sa mas magandang pagkakataon na makabuo ka ng relasyon sa kaniyang mga anak.

Nakapagdate ka na ba ng isang single dad? Paano mo nakuhang maging malapit sa kaniyang mga anak? Ibahagi mo ang iyong kwento sa mga kumento sa ibaba!

Please click the link for English version: A Guide to Meeting Your Boyfriend's Kids

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?