Sa panahon natin ngayon, nagiging abala na rin ang mga tao tuwing Sabado at Linggo. Lumipas na ang mga oras na hindi mo na kailangang magtrabaho sa mga araw na iyon. At dahil nga minsan ang trabaho ay nagiging sagabal na sa inyong relasyon, dapat lang na gugulin ang mga panahong iyon sa tama.
Para patuloy na nakasasabik ang inyong relasyon, kailangan ninyong subukan ang iba't-ibang aktibidad ng magkasama.
Lakbayin ang labas ng mundo mo
Magbabad sa araw at damhin ang simoy ng hangin. Kung parehas niyong gusto ang lumabas, maglaboy kayo at magsaya. Maglaan ng araw sa dalampasigan, umakyat sa tuktok ng bundok, mag-piknik sa parke, mag-kayak sa lawa, mag-snowboard kapag tag-niyebe o kahit ano na magiging masaya kayong dalawa. Kapag naglaan kayo ng oras sa lugar na komportable kayo, mas magiging masaya kayo at magiging sariwa sa isa't-isa. Hindi rin magtatagal, mawawala ang stress sa pagtatapos ng Linggo.
Pumunta kayo sa isang romantikong date
Kung wala namang enerhiya para sa mga gawaing pang-labas, isang romantikong date ay magiging magandang ideya. Hindi na kailangan pang sa mamahaling kainan. Kaya niyo na itong gawin sa inyong bahay. Magluto ng masarap na pagkain at mag-ayos ng isang lamesa para mas romantiko ang dating. Maaari ka ring maglagay ng alak sa isang fire place, bigyan ang isa't-isa ng masahe sa likod at mag-usap hanggang lumitaw na ang araw. Wala na ring halaga kung nasaan kayo, basta magkasama kayo at masaya kapiling ang isa't-isa.
Pumunta sa lugar na hindi niyo pa napupuntahan
Nakakasabik naman talaga kapag may bago kang pupuntahang lugar sa unang pagkakataon. Sumakay ng tren, bus, bangka o 'di kaya naman ay mag-book ng flight sa inyong pupuntahan. Maglaboy at tingnan kung ano ba ang kayang ibigay sa'yo ng mga lugar na iyon. Bumisita sa madalas na puntahan, zoo, mga gallery o museo. Makipagtalastasan sa mga nakatira doon at alamin ang kanilang kultura.
Habang kayo ay namamasyal, matututo kayo ng mga bagong bagay ng magkasama. Pwede pa nga kayong maghanap ng mga multo kung parehas niyong gusto ito. Isang araw, babalikan niyo na lang ang mga alaalang ito kabilang sa marami pa ninyong mga alaala.
Pumunta sa isang road trip
Normal na sa mga tao ang hindi alam ang bawat sulok ng kanilang tinitirahang bayan, lalo na kapag ito ay may kalakihan. Kung lagi mong ginugusto na malaman ang mga detalye ng lugar ninyo, aba, ngayon na ang oras na iyon! Pumunta kayo sa isang road trip kasama ang iyong partner, magdala ng kamera at tingnan kung ano nga ba ang mayroon sa inyong bayan. Maaari ka pang makatagpo ng bagong lugar na pwede mong matambayan.
Mag-boluntaryo nang magkasama
Ang iyong weekend na magkasama ay hindi dapat makulong sa inyong dalawa lang. Magbigay ng mga biyaya sa iba at magboluntaryo sa isang trabaho ng magkasama. Kung parehas kayong may puso sa isang bagay, katulad ng mga hayop, magboluntaryo sa isang lokal na pamamahay ng hayop. Kung parehas naman ninyong mahal ang kalikasan, pwede kayong maki-lahok sa mga aktibidad tulad ng paglilinis o magtanim ng puno. Maaari rin kayong tumulong sa pagluluto ng pagkain kapag mayroon sa inyong lugar. Hindi lang kayo nagkasama, nakatulong pa kayo sa inyong komunidad at nakapagpasaya pa kayo ng ibang tao.
Marami pang pwedeng gawin ng magkasama tuwing weekend. Ang importante lang naman ay hindi niyo ito malilimutan ang bawat weekend na nilalaan niyo sa isa't-isa.
Ano pa bang mga ideya ang pwedeng gawin tuwing weekend ang nasa isip mo? Malaya kang magbahagi ng iyong mga naiisip sa mga comments!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: Weekend Getaway Ideas For You And Your Partner