Masaya ang makipagdate ng grupo. Sasali ka sa mga aktibidad na ikaw at ang iyong kapareha, at mga kaibigan mo ay magkakaroon ng kasiyahan. Hindi na bale pa kung saan man mayroon.
Importante rin na mapagplanuhan ng mas maaga kung ano ang inyong gustong gawin. Dapat din na ang pipiliin mong aktibidad ay gusto ng lahat ng sa gayon, kayong lahat ay magsasaya.
Narito ang ilang ideya kung ano ang mga masayang gawin sa group date!
Mag-camp
Kapag kayo at ng kaibigan niyo ay bakante sa sabado at linggo, bakit hindi niyo ito ilaan sa pagka-camp? Lakbayin ang kalikasan, tumambay sa harap ng apoy, mag-kwentuhan, kumanta, mag-ihaw ng marshmallow at uminom ng beer. Maghanap ng magandang lugar na pwedeng mag-camp sa inyong lugar at magplano na puntahan ito ng mas maaga para malaman ninyo kung ano ba ang mga bagay na dapat ninyong dalhin.
Kumain at maglaro
Maghanap ka ng lugar kung saan pwede kayong maglaro at kumain ng sabay. May mga kainan na mayroong video game, pool table at iba pang larong lahat kayo ay sasali. Magiging maganda itong lugar para sa inyo.
Ngunit kung wala naman kayong mahanap na lugar na ganito, pwede na rin itong gawin sa bahay ninyo. Maghanda ng mga pagkaing madali lang kainin at ng mga video game na tiyak na magugustuhan nila. Magandang ideya ang Wii at K'nect tournament. Kung wala ka namang mahanap, bumalik na lamang kayo sa nakasanayan- Twister, Monopoly, Jenga, o cards! Ang date niyo na nasa bahay lang ay komportable para ang lahat ay hindi na magkahiyaan pa.
Miniature golf
Masaya ito at mura para magsaya sa isang group date. Makakapaglaro ka ng golf at makakakain pa ng pizza. Hatiin niyo ang inyong grupo para magkaroon ng kompetisyon sa pagitan ninyo. Mag-book na ng schedule ng ilang linggo na mas maaga. May ibang kurso na nagbibigay ng discount kapag mas maaga niyo itong pinlano. Sulitin ito at gamitin ang iba niyong budget sa pagkain at inumin.
Bowling
Ang bowling nga ay totoong kasiya-siyang gawin para gamitin ang inyong oras kasama ang inyong kaibigan. Ang maganda rito, gagastos ka lamang ng $##, kasama na ang nirentahang sapatos. Karamihan din ng mga bowling center ay nagbibigay ng mga package na may ilang oras ng bowling at pagkain.
May mga lugar rin na nagbibigay ng discount depende kung gaano kalaki ang inyong grupo. Mas malaki ang grupo, mas malaki ang magiging discount. Kaya magplano na ng mini bowling tournament. Hatiin ang inyong grupo at maglagay ng mga bagay na gagawin ng mga natalo. Magiging masaya ito!
Gabi ng pag-karaoke
Hindi naman kailangan na maging ka-boses mo si Adele para masiyahan sa gabi ng karaoke. Kahit na ikaw ay sintunado, ikaw at ang mga kaibigan mo ay paniguradong magsasaya. Maging malaya, kumanta ng may puso at magsaya. Pwede ring haluan ito ng kaunting pag-sayaw!
Picnic
Maghanap ng magandang pwesto na may magandang tanawin, mas maganda kapag kaunti lang ang tao roon. Imbitahan ang inyong kaibigan na pumunta na sa pamilihan para bilihin na ang inyong mga gamit at pagkain na kakailanganin ninyo. Sa ganitong paraan, pipiliin ng bawat isa ang kanilang paborito. Kapag mayroon pang palengke, mas maganda! Makakuha ka ng mga sariwang sangkap para sa inyong kakainin sa picnic. Maghanda na rin kayo ng pagkain nang magkakasama.
Amusement park
Sinong may sabing ang mga amusement park ay para lamang sa mga bata? Pumunta kayo sa pinakamalapit na amusement park ng inyong mga kaibigan at ilaan ang inyong tanghali sa pag-punta sa iba't-ibang ride at sa pagkain na rin dito. Kumuha ng mga litrato para may matitingnan kayo kapag gugustuhin niyong alalahanin ito. At sulitin ang araw na para bang ikaw ay bata.
Ang kasiyahan ang kaluluwa ng bawat group date. Hindi na bale kung nasaan man kayo hangga't kayo ay nasisiyahan sa inyong ginagawa. Kaya, siguraduhin lang na iwan ang inyong iniisip at magsaya muna.
Ano pa ang iba pang masaya at malikhaing bagay ang pwedeng gawin sa group date? Maging malaya na magbahagi ng ideya sa komento sa ibaba.
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: Fun Things To Do On Group Dates