Marami-rami na ring social networks at dating site ang umusbong sa mga nagdaang panahon. Tinulungan nitong bumuo ng koneksyon at makahanap ng potensyal na magiging syota mo sa mas madaling paraan. Ngunit, may maling komunikasyon pa rin ang nagaganap at may mga mensaheng nagkaroon ng iba’t-ibang interpretasyon pagkagaling sa internet.
Maari mong tanungin ang sarili mo: ito bang lalaki na ito ay totoong interasado sa akin o sadyang nagpaparami lang siya ng kaibigan sa internet. Minsan, nagiging pagsubok na rin ang alamin kung ano ba ang laman ng kaniyang isipan gayong nagkakilala lang naman kayo online.
Bantayan mo ang mga palatandaang ito upang matulungan kang maintindihan kung may landian na bang nagaganap sa iyo at sa online guy mo.
Binabati ka niya kapag nakita ka na niyang online
Kapag nakapag-log in ka na sa messenger mo, binabati ka na niya agad at siya pa ang nag-uumpisa ng inyong usapan. Para bang hinihintay ka niyang mag-online. Kapag ginagawa niya ito, nangangahulugan lamang na gustong-gusto niya ngang makipag-usap sa iyo. At ayun nga, nakikipaglandian talaga siya sa iyo. Magpapadala siya sa iyo ng mga nakakindat na emoji at mga poke. Kadalasan, ang nakakindat na emoji ay nakokonekta sa pagkindat ng isang tao sa tunay na buhay. Kapag nakikipag-chat ka sa kanya at panay ang pagpapadala niya sa’yo ng ganoong emoji at pokes sa Facebook, Malaki ang posibilidad na may gusto siya sa iyo. Kapag interesado ka rin sa kaniya ay pwede mo ring ibalik ang mga ginagawa niya sa iyo at tingnan kung ano ba ang kahihinatnan ninyong dalawa.
Ang pag-follow niya sa mga social media accounts mo
Kung gusto ka talaga ng isang lalaki, susubukan niyang malaman ang lahat ng sa iyo kahit pa i-follow niya ang lahat ng social media accounts mo- Facebook, Twitter, Instagram at iba pang mayroon ka. Kung ang lalaking iyon ay ginawa ang mga ito, pwedeng palatandaan na ito na interesado nga talaga siya sa iyo.
Lagi siyang nagla-like at nagco-comment sa mga post mo
Ang lalaking gusto ka ay sadyang magpapapansin para malaman mong nandyan ang presensya niya. Kapag lagi niyang nila-like o ‘di kaya naman ay nagco-comment siya sa mga litrato mo o mga status updates mo, may tiyansang gusto ka nga niya. Tandaan mong may mga taong mahilig mag-like at mag-comment sa mga status ng iba kaya obserabahan mo rin kung paano ang galawan niya pagdating sa iyo at sa mga kaibigan niya. Pero kung hindi naman siya mahilig mag-online at parang pinaglalaanan pa niya ng oras ang mga post mo at mag-iiwan pa ng comment, malamang, kinukuha niya ang iyong atensyon.
Nagbibigay siya ng mga papuri
Kung normal ang makatanggap ng mga papuri sa ibang tao, lalo na sa mga kaibigan at mga kapamilya mo, ang isang lalaki na nilalandi ka online ay magbibigay ng magbibigay ng papuri sa iyo. Ang mga comment niya sa litrato mo tungkol sa magagandang bagay sa iyo tulad ng mata, buhok o ng labi mo o di kaya naman iyong mga aspeto ng pagmumukha mo na nakuha ang pagtingin niya.
Nagtatanong siya ng mga payo sa iyo
Nakilala mo lang naman siya online pero heto siya at nanghihingi sa iyo ng payo. Kapag ganito na ang sistema, maaaring maging palatandaan na ito na gusto ka nga niya. Pwede naman kasi siyang magtanong sa mga kaibigan niya sa personal o ‘di kaya ay sa iba pa niyang kaibigan online pero ikaw pa rin ang pinili niya. Kaya kapag hiningi niya ang payo mo o ang masugid mong suporta, isang palatandaan na may tiwala siya sa iyo at gusto ka niya.
Iniimbitahan ka niya sa mga pagdiriwang
Naging mas madali na ang pag-aya ng isang tao sa pamamagitan ng internet. Kaya parang normal na kung ang isang lalaki ay aayain ka sa chat. Ngunit kapag nakatangap ka ng maraming imbitasyon sa mga lugar na malapit lang sa lugar mo, ibig sabihin lang no’n ay interesado siyang makasama ka sa mga events na ganoon. Bago ka mag-oo sa mga imbitasyon, siguraduhin mo munang mapagkakatiwalaan siya. Hindi mo naman siguro gugustuhing makipagkita sa dating mamamatay tao, ‘di ba? Kaligtasan pa rin ang dapat na unahin kapag makikipagkita ka sa taong nakilala mo lang online.
Sa paglalahat ng iyon
Masaya at nakakapanabik ang pakikipag-date online ngunit kailangan mo rin maging maingat. Marami ang nagi-scam at mga delikadong tao riyan. Kilalanin mo muna ng mabuti ang isang tao bago ka pumayag na makipagkita sa kanila. At bilang panghuli, ibigay mo lang ang impormasyon mo sa mga taong mapagkakatiwalaan.
Ano pa bang mga paraan ang kailangan malaman kung ang isang tao nga ay nakikipaglandian sa iyo? Malaya kang magbahagi ng mga nasa isipan mo sa ibaba!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: Ways To Know If A Guy Is Flirting With You Online