Mga Paraan Upang Makuha ang Atensyon ng Isang Babae

Kung madalas kang nagpupunta sa mga club upang makahanap ng kadate, may mga posibilidad na mayroon ding ibang mga lalaki diyan na mayroong kaparehas na hangarin ng tulad ng sa iyo. Kaya naman kailangan mong matutunan kung paano nga ba makukuha ang pansin ng isang babae. Sa dagat ng mga kalalakihan, kailangan mong matutunan kung paano mangibabaw. Ito ang ilan sa mga paraan kung paano mo eksaktong magagawa ang tulad nito.

Look your best.

Ang iyong hitsura ang unang bagay na kaniyang nakikita kaya paniguraduhin mo na magmukhang kaakit-akit. Maligo ka, ayusin mo ang iyong buhok, at ahitin mo ang iyong balbas kung ito ay mahaba na. Kung nagmumukha kang maayos na may kaunting balbas, panatilihin mo ito. Mag-opt para sa isang maganda at malinis na damit at panatalon, at iwasan ang pagsusuot ng T-shirt at maong. Kung nagsumikap ka upang magmukhang maayos, gagawa rin siya ng paraan upang tumingin sa iyong kinatatayuan.

Magtiwala sa Sarili

Palakasin ang tiwala sa sarili, ngunit huwag maging bastos. Panatilihin ang tuwid na pustura, na palabas ang balikat at dibdid, at ang tiyan naman ay paloob. Maglakad ka ng tulad ng isang lalaki, hindi tulad ng isang tamad na teenage boy. Nakatayo ka man o nakaupo huwag kang magaslaw. Gayon din, huwag mong kalimutang ngumiti.

Ipakita mo ang iyong sarili

Huwag kang magtago sa isang sulok habang tumitingin ka sa isang babae sa club, o saan mang lugar. Naroroon ka upang makuha ang kaniyang atensyon hindi upang sundan mo lamang siya. Kapag nakita ka ng ibang tao sa isang sulok na nakatingin sa isang babae maaaring magkaroon sila ng negatibong pagtingin sa iyo. Kaya naman, manatili ka sa isang lugar kung saan makikita ka niya at may posibilidad na mapansin ka niya. Alisin mo ang iyong sarili mula doon at magpakita ka.

Tingnan mo siya sa kaniyang mga mata

Kapag nahanap mo na ang babaeng nagustuhan mo kaysa sa lahat, makipag-eye contact ka sa kaniya. Sa ganitong paraan malalaman niyang interesado ka sa kaniya. Kung kumikilos ka na para bang nahihiya at iniiwasan mo ang kaniyang pagtingin, hindi niya malalaman na sinusubukan mong kuhanin ang kaniyang atensyon at maaaring pumunta na lamang siya sa ibang lalaki kung saan ay sumusubok din na mapansin niya. Kaya naman tingnan mo ang kaniyang mga mata at ngumiti. Kapag ngumiti rin siya sa iyo, maaari itong maging senyales na maaari mo na siyang kausapin.

Pag-aralan mo ang iyong mga sasabihin

Ang pakikipag-usap sa isang babae sa unang pagkakataon ay nakakanerbyos. Minsan, maaari kang iwang walang masabi. Kaya naman pag-aralan mo muna ang iyong mga sasabihin bago mo siya kausapin. Kung kayo ay nasa club, subukan mong itanong kung ano ang kaniyang iniinom. Maaari kang magsabi sa kaniya na bibilhan mo pa siya ng isa. Gayunpaman, hindi mo gugustuhing magmukhang kabisote. Kumilos ka ng natural!

Makipag-usap ka sa kaniya

Kung nakuha mo na ang kaniyang atensyon, magtungo ka at kausapin mo siya. Tandaan mong maging magalang at kagalang-galang. Magpakita ka ng magandang pag-uugali at huwag kang magsasabi ng anumang maaaring makasakit sa kaniyang damdamin, tulad ng pagiging sexist at racist. Makipag-eye contact ka sa kaniya kaysa hinahayaan mong lumibot ng tingin ang iyong mga mata sa loob ng silid o sa kaniyang katawan. At kung makikipag-usap ka sa kaniya, gumamit ka lamang ng simpleng mga salita. Huwag mong subukang magmukhang matalino at maging ikaw ka lamang.

Alamin mo siya

Habang sinusubukan mong magpasikat sa kaniya, huwag kang magmayabang tungkol sa iyong sarili habang kayo ay nag-uusap. Marami kang mga tagumpay na dapat ipagmalaki ngunit dapat na iwasan mong magsalita ng labis tungkol sa iyong sarili. Ang inyong pag-uusap ay dapat na maging palitan ng mga opinion at ideya.
Tanungin mo siya sa mga bagay na interesado siya. Iparamdam mo sa kaniya na gusto mo talaga siyang makilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras sa kaniya upang magsalita, pakikinig ng mabuti at pagtutuon ng pansin sa kaniya. Maaari mo ring ulitin ang ilan sa mga bagay na kaniyang sinabi upang malaman niya na nakatuon ang pansin mo sa kaniya. Huwag mong kalimutang patawanin siya.

Para makakuha ng isang babae na maglalaan ng oras sa iyo, gawin mong piliin ka niya kaysa sa iba pang mga lalaki na kung saan ay sinusubukan ding kunin ang kaniyang atensyon. Iparamdam mo sa kaniya na ikaw ang best choice. At patunayan mo ito na ikaw nga.

Mayroon ka pa bang ibang alam kung paano makukuha ang atensyon ng isang babae? Ibahagi ang iyong nalalaman sa mga komento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: Tips On Getting A Womans Attention

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?