Bago pa man maimbento ang pagsulat, ang pag-ibig ay buhay na buhay na. Ito ang malawakang dokumentadong emosyon na makikita natin sa mga gawa ng Literatura at maging sa mga sikat na kasabihan na magpapabilis ng tibok ng iyong puso, kahit na daang taon na ang nakalipas nang maisulat ito.
Ang mga kasabihan na ito ay galing sa mga tula, ballad, dula, kanta at sa mga pelikula. Wala naming masama na matutunan ang iba sa mga ito para makaligtaan ang sakit na dulot ng paghihiwalay niyo o ‘di kaya naman ay para mapanalunan ang puso ng isang tao.
Maging kaibig-ibig
Nakatagpo ka na ba ng isang tao na kapantay ng iyong lebel? Maaaring ang “You had me at hello” galing sa pelikula ni Jerry Maguire ang eksaktong makakakuha ng mga nararamdaman mo. Sa dula ni Oscar Wilde, ang “A Woman of No Importance”, ay tunay na makapaglalarawan ng ano ba ang katumbas ng pag-ibig, na susuportahan naman ng kasabihang, “Who, being loved, is poor?”
Kapag nakakita ka ng isang tao na agad na makakakuha ng iyong atensyon sa loob ng isang silid, ang kwento sa iyong isipan ay nagsisimula na sa “He stepped down, trying not to look long at her, as if she were the sun, yet he saw her, like the sun, even without looking” na nanggaling sa Anna Karenina ni Leo Tolstoy. Pagkatapos naman ng unang halik, ang kasabihang ito na galing sa Doctor Zhivago, gawa ni Boris Pasternak, ay maaari mo ring gamitin, “You and I, it’s as though we have been taught to kiss in heaven and sent down to earth together, to see if we know what we were taught.”
Ang Mawala
“Love begins with a smile, grows with a kiss and ends up with teardrops” ay isang kasabihang nagsasabing ang buhay ng pag-ibig ay isang malinis at malungkot na bagahe. Pwede ring narinig mo na ang “Tis better to have loved and lost than never to have loved at all” ni Lord Alfred Tennyson, o ang isang daang taong kasabihan galing kay Socrates na “The hottest love has the coldest end.”
Magaan lamang
Hindi lahat ng romantikong kasabihan ay seryoso o ‘di kaya naman ay malungkot, may mga linyang tulad ng “Before marry a person, you should first make them use a computer with slow internet service to know who they really are” ni Will Ferrell. Ang mga komedyante ang may pinakamalaking pagtingin sa pag-ibig kaya kung ikaw ay naghahanap ng taong kaya kang patawanin at paiyakin ng sabay, ‘di ka nagkakamali.
Binuod ni Chelsea Peretti ang hirap ng kasalukayang pagda-date sa mga linyang ito, “If you text “I love you” to a person and the person writes back an emoji—no matter what the emoji is, they don’t love you back.”
Gusto mo ba ng magaang katatawanan? “My best birth control now is just to leave the lights on” ni Joan Rivers ay nakakaloka, kahit na hindi naman ito eksaktong kahulugan nito. Ang ibang mapag-ngutnya diyan ay paniguradaing magugustuhan ang kasabihan ni Richard Pyor, “Marriage is really tough because you have to deal with feelings and lawyers”.
Hindi lang mga komedyante ang may mga nakakatawa at nakakalokong linya, mantakin mong galing kay Oscar Wilde ang “Women are meant to be loved, not to be understood”, maging ang cartoonist na si Scott Adams ay nagsulat ng “I love you like a fat kid loves cake”. Pati na rin ang manunulat ng isang kantang jazz na si Billie Holiday ay nagsabing “Love is like a faucet, it turns off and on.”
Ang mga gawa ni Shakespear
Kahit sinning nakakakilala kay Shakespear ay makakaintindi na maraming kwento ng pag-ibig ang nanggaling sa kanya. Sa pinakasikat niyang gawa na Romeo and Juliet, “Parting is such a sweet sorrow” ang makakakuha ng kalungkutan ng paghihiwalay, ngunit ang pagkasabik naman sa susunod pa niniyong pagkikita. “Love looks not with eyes, but with the mind,” at “The course of true love never did run smooth” na parehas na nanggaling sa A Midsummer Night’s Dream ay maibubuod ang mga karanasan ng tunay na pag-ibig sa loob lamang ng iilang linya. Ang pag-ibig ay maraming hugis at si Shakespear ay paniguradong nasulat ang lahat ng ito.
Kung kasama sa plano mo ang pagkakabisado at pagbigkas ng mga romantikong kasabihan o di kaya naman ay natutuwa kang maka-alam ng mga magkapareha, dapat lamang na magbasa ka. Kaya maghanap ka ng mga sikat na manunulat ay paniguradong may mahahanap kang kasabihan tungkol sa pag-ibig na kanilang nasulat.
Ano ang paborito mong kasabihan tungkol sa pag-ibig? Ibahagi mo ito sa mga komento sa ibaba!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: Romantic Quotes To Get Your Heart Racing