Mga Sikreto Upang Maiwasan ang First-Date Awkwardness

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?



 

Ikaw ba ay nagkaroon na ng pawisang kamay, pagkabara sa iyong lalamunan at pangangatog sa unang pakikipag-date? Hindi ka nag-iisa. Habang may mga ilang nakakaasiwang sandali na mahirap talagang maiwasan, maaari kang pumili ng mga salita at kilos ng maingat upang mapanatili ang daloy ng mga pangyayari.

Pag-aralang mabawasan o maiwasan ang nakakaasiwang mga sandaling ito habang kayo ay magkasama sa pamamagitan ng ilang mga paraang ito ng sa gayon ay lakas loob kang makapagsasabi ng isa pang panibagong date.

Iwasan ang maiinit na usapin

Hanggat maaari, iwasan mong makipag-usap tungkol sa politikal at kontrobersyal na mga usapin kung nais mong makapagsimula ng maayos sa iyong bagong kadate.

Ang iyong pagtingin sa ilang mga bagay tulad ng mga kandidato sa politika o mga paniniwala sa relihiyon ay hindi mahalaga sa unang pakikipag-date. Maaari kang magkaroon ng malaking pagsalungat tungkol sa maiinit na usaping ito kaya naman ang pag-uusap tungkol dito sa unang date ay isang sangkap ng kabiguan. Sa halip, mag-usap kayo tungkol sa simpleng mga bagay. Tanungin mo ang iyong kadate ng mga personal na katanungan upang mas makilala mo siya. Ito ang mas angkop na paraan para sa isang nakakanerbyos na mga pangyayari tulad ng unang pakikipag-date habang tumutulong ito na mapagaan ang lahat para sa mas malaking usapin sa pakikipag-date.

Mas madaling dalhin ang maiinit na usapin kapag naiintindihan mo ang taong humahawak ng mga opinyong maaari o hindi mo maaaring sang-ayunan.

Tingnan bago ka gumawa ng hakbang

Ang pagpaplano ay isang mahabang paraan sa kahit anumang pakikipag-date, ngunit mas higit pa sa unang pagkakataon. Hindi mo gustong palagpasin ito dahil ang unang pakikipag-date ang pagkakataon upang magpakita ng magandang hangarin. Karagdagan pa, mas nakakaasiwa kung tatayo ka lamang at iisipin kung ano ang mga gagawin.

Planuhin ang mga maaaring mangyari bago ang inyong date. Isipin mo kung hahatiin mo ba ang gastusin o hindi. Ganoon din, pag-usapan ninyo kung kailan magtatapos ang inyong pagdidate. Magkusa ka lamang kung maayos na nagaganap ang inyong date ngunit huwag mo siyang biglain tulad ng pagsasabi sa kaniya na sagutin ang mga gastusin ng hindi man lang ipinapaalam bago ang nakatakdang pagdidate.

Gumawa ng magagandang jokes

Paniguradong nakakita ka na sa isang pelikula kung saan ang isang babae ay gumawa ng pilit na pagpapatawa sa unang pakikipag-date, kasunod ang kaniyang pilit na pagtawa sa nakakailang na pagtitig sa kaniya ng lalaki. Huwag maging ganoon. Kung ang pag-uusap ay nawawalan na ng saysay o nakagawa ka na ng isang maling hakbang, ito ay maaaring mapalitan sa isang magandang joke.

Kung natapon mo ang iyong inumin, bigyan mo ito ng atensyon sa pamamagitan ng pagjojoke tungkol sa iyong butterfingers. Ito ay nagpapakita na hindi mo gaanong sineseryoso ang iyong sarili. Ang paggawa nito ay maaaring mag-udyok sa kaniya upang gumawa ng kaprehong bagay at maaaring mas mapagaan ang mga pangyayari.

Magtanong ka

Gusto ng lahat ang pagkukwento tungkol sa kanilang mga sarili kaya bigyan mo ang iyong ka date ng mapag-uusapan sa pamamagitan ng pagtatanong sa kaniya ng mga kapaki-pakinabang na mga tanong. Magtanong tungkol sa kaniyang pamilya, trabaho, interes, o anumang maaaring magdala sa kaniya ng pagkagusto sa iyo. Subukan mong hindi ito magmukhang isang interview. Tumugon sa paraan kung saan ay magsisimula rin siyang magtanong ng tungkol sa iyo. Ito ang magdadala sa inyong date sa mas maayos at natural na mga pangyayari. Ang iyong layunin ay upang mas makilala mo ang iyong kadate, kaya magfocus ka sa kaniya at siya ay rin maaaring gumawa ng kaparehong mga tanong.

Umiwas sa unang halik

Maliban kung kayo ay parehong may malinaw na pagnanais sa isat-isa, ipagpaliban ang goodnight kiss. Ang pagpipilit dito ay maaaring mag-uuwi lamang sa inyo sa isang mahirap na konklusyon sa unang pagdidate, at ang pagpapaliban dito ay maaaring magdagdag sa kapirasong pagnanais.

Ganoon din, kapag hindi ito gumana ng maayos sa unang pagkakataon, maaari mong asahan ang kaparehong bagay sa pangalawang pagkakataon, Ang mabuting paraan upang sukatin ang kagustuhan ng iyong kadate para sa isang goodnight smooch ay ang pagtingin sa kaniyang mga ikinikilos. Kapag tumutingin siya ng malalim sa iyong mga mata o nagsisimulang kalikutin ang kaniyang mga susi, ito ay isang magandang indikasyon na naghahangad siya para sa isang kaunting halik. Magpunta ka at bigyan mo siya ng isang halik. Kapag iniwasan niya ang iyong pagtitig o niyakap ka lang niya, mas makabubuti na huwag ng magpilit pa ng kung anuman. Sa halip, maghintay sa isang tawag o text na nagsasabi ng kaniyang nararamdaman tungkol sa inyong pagdidate at magtungo ka roon. Ang unang mga halik ay sadyang nakakaasiwa, kaya iwasang magpumilit kung wala naman talagang matibay na namamagitan sa inyong dalawa.

Ang pagkaasiwa sa unang pakikipag-date ay pangkaraniwan lamang ngunit kung ipapakita mo na maaari mo itong mabawasan o maiwasan dahil sa tiwala mo sa iyong sarili ay mapapahalagahan ito ng iyong kadate sa kakayahan mong magdala sa ilang mga nakakaasiwang sandaling ito.

Paano dadalhin ang pagkaasiwa sa unang pakikipag-date? Ibahagi ang iyong opinyon sa mga komento!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: The Secrets To Avoiding That First Date Awkwardness

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?