Ang pakikipag-date sa isang matalinong tao ay tunay ngang nakakasakit ng ulo sa ibang tao, lalo na kung nag-uumpisa pa lang ang kanilang relasyon. Sa pagtatangkang mapahanga sila habang inoobserbahan ang kanilang mga katangian ay isa ng pagsubok.
Kapag napapansin mo ang sarili mong naaakit na sa isang matalinong tao, nagiging mahirap kung paano kayo makakahanap ng parehas niyong gugustuhing bagay. Paano ka nga ba makikipag-usap sa kanya gayong wala naman kayong pagkaka-parehas?
Gayunpaman, hindi pa rin ito dapat maging dahilan para matakot ka sa isang tulad niya. Maaaring mapabuti ka pa dito. Ang kagandahan ng pakikipag-date sa isang matalino ay mapapalawak pa nito ang kaalaman mo at ang mga perspektibo kung paano mo titingnan ang isang bagay.
Kaya, nakikipag-date ka ba sa kanila? Sa artikulong ito, magbabahagi kami ng kaunting tip kung paano nga ba gawin iyon.
Pumunta sa lugar kung saan madalas ang matatalino
Madalas na makikita mo sila sa mga tindahan ng libro, mga silid-aklatan o kaya sa mga museo. Ang mga lugar na ito kung saan karaniwan kang makakakita ng mga taong may interest sa kaalaman at sakto ito upang makapagsimula ng isang usapin.
Ano ba ang hawak niyang libro? Anong pasilo ng dyanra mo ba sila nakita? Anong canvas ba ang tinitingnan niya? Magtanong ka sa mga ito at paniguradong kakausapin ka nila. Maaari ka ring pumasok sa isang kurso sa isang unibersidad, kung saan makakahanap ka ng ibang tao na kapareha mo ng interes.
Lumabas kayo at uminom ng kape
Sa oras na magkaroon na kayo ng usapan ng napupusuan mong matalinong tao, kailangan na magtuloy-tuloy ito sa iba pang lugar, katulad na lang ng katabing coffee shop. Karamihan ng matatalino ay gusto ang kape. Nagiging gasolina ito ng pagkagusto nila, nakakapagpatalas ng kanilang isipan ngunit pinapahinga ang kanilang pakiramdam nang sabay-sabay. Sina Benjamin Franklin, Teddy Roosevelt at Johann Sebastian Bach ay ilan lamang sa mga mahihilig sa kape. Dagdag pa rito, ang coffee shop ay isang komportableng lugar na pwedeng malaman niyo ang isa't-isa.
Habang nag-uusap kayo, pansinin niyo kung sila ay pala-tanong, interesado o 'di kaya naman ay nabuburyo. Base sa mga pag-aaral, ang mga matatalinong tao na hindi pala-tanong ay hindi tunay na intelektwal.
Magpakita ng interes
Ipakita mo sa kaniya na interesado ka sa kaniyang mga nagugustuhan sa pamamagitan ng pagtatanong. Makinig ka ng maigi at dalasan ang pag-tango. Ipakita mo rin ang iba mo pang ideya at tanungin mo kung ano ang sa kanila. Obserbahan din ng kanyang mga galaw. Kapag sumasandal siya palayo kapag nagsasalita ka, tinitingnan ang kanilang cellphone o tumitingin sa paligid, maaaring hindi sila interesado sa'yo. Kapag gano'n na ang pinapakita ng isang tao sa'yo, na hindi sila interesado, huwag ka ng magsayang ng oras at mas mabuti ng umuwi na lang kayo.
Hamunin ang intelektwal
Kapag pumunta ka na sa isang date kasama ang isang matalinong tao, hamunin mo sila sa pamamagitan ng pagdala sa kanila sa lugar na bago o pag-aayos ng mga aktibidad na labas sa kanilang komportableng pamumuhay. Karaniwang di agad sila sumusuko dahil gustong-gusto nila ang mga hamon at gumalugad ng bagong bagay. Maaari ring pumasok sa mga opinyonadong usapan at kapag hindi siya sumang-ayon, patunayan ang punto mo sa maayos na paraan. Gayunpaman, depensahan ang iyong mga ideya kapag ikaw ay sigurado sa mga ito. Ipakita sa kanila na mayroon ka ring maiihain sa hapag! Huwag kang masisindak sa kanila.
Gamitin ang talas ng iyong isip at kakayahang magpatawa
Kapag sinusubukan mong magpahanga sa isang intelektwal, iisipin mong ito ang tamang paraan para makipag-usap sa mga matatalinong usapan. Ngunit, magiging walang kulay lang ang inyong usapan kahit na sobrang talino pa ng kausap mo. Nabuburyo din ang mga matatalinong tao. Kaya dapat matalas ang iyong isipan at magsingit ng katatawan sa inyong usapan. Ang magawang mapatawa ang isa't-isa ay isang tanda ng umuusbong na relasyon, dahil nagiging komportable na kayo sa isa't-isa.
Ang mga taong matatalino ay maaaring maraming alam kung ikukumpara sa iba, ngunit hindi ibig sabihin nito ay ang relasyon sa pagitan ng isang matalinong tao at sa hindi naman gaano ay napaka-imposibleng mangyari. Kinakailangan nito ng pagsisikap, tiyaga at determinasyon para matutong mapagana ang ganitong klase ng relasyon.
Ano ang mga opinyon mo ukol sa pakikipagdate sa isang intelektwal? Mag-iwan kayo ng mga kumento sa ibaba!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: Tips On Dating An Intellectual Person