Ang pagbuo ng isang relasyon ay hindi madaling bagay. Mas lalong mahirap kung ikaw ay may relasyon sa isang lalaki kung saan ay palaging nasa malayo, ang lalaking palaging naglalakbay. Wala siya upang damayan ka sa mga panahong mayroon kang mabigat na problema at ganoon din ikaw sa kaniya. Hindi mo siya makakasama kapag ninais mong magpunta saanman. Makakapag-usap lamang kayo sa telepono o sa internet at karaniwan itong nangyayari isang beses lamang sa isang araw.
Kaya, paano mo ito magagawa? Nasa ibaba ang ilan sa mga tip kung papaano.
Gumawa ng kasunduan at sundin ang mga ito
Dapat na magplano kayong dalawa kung kailan kayo mag-uusap sa telepono. Magkasundo kayo kung gaano kadalas magpapalitan ng mensahe sa text o sa mga email. Kapag umuuwi siya ng regular sa bahay, sabihin nating kada buwan, magplano kayo ng date ng mas maaga kung kailan at saan. Gumawa kayo ng mga kasunduan upang malaman kung ano ang aasahan.
Sa oras na magkasundo kayo, sundin lamang ang inyong mga kasunduang ginawa. Pumunta ka sa kaniya kapag kailangan ka niya at ganoon rin siya sa iyo. Magpakita ka sa tamang oras ng inyong nakatakdang date at gawin mo ang lahat sa oras na magkasama kayo. Iwasan ang pagtatalo sa maiklng oras ng mayroon lamang kayo para sa isat-isa.
Iwasang maghangad ng hindi naman kinakailangan
Iwasang maging palaasa at gumawa ng mga kahilingang hindi naman niya kayang punan. Intindihin mo na mayroon talagang mga limitasyon na ito ay maaaring ang kaniyang trabaho, oras at ang pagitan ninyo sa isat-isa. Huwag kang umasa na uuwi siya kada linggo ng sa gayon ay makapag-date kayo. Hindi lamang dahil sa ito ay hindi praktikal, makadaragdag lamang ito sa kaniyang stress.
Pahalagahan mo ang pagmamahal, suporta, at oras na ibinibigay niya sa iyo. Unawain mo na mayroon kayong magkaibang pamumuhay. At kung ito ay posible, maaari mo rin siyang supresahin sa pamamagitan ng pagbisita sa kaniya ng sa gayon ay hindi na niya kailangan pang umuwi upang makita ka. Magpasalamat ka na lamang sa kung anong mayroon kayo at pahalagahan mo ang inyong relasyon.
Igalang mo ang kaniyang mga prayoridad
Nais niyang mas bumuti sa kaniyang trabaho tulad ng sa iyo kaya naman intindihin mo na lamang na may mga oras talaga na kailangan niyang unahin ang kaniyang trabaho. Kapag inuna niya ang kaniyang trabaho, hindi ito ibig sabihin na hindi ka niya mahal. Maaaring ito ang kaniyang paraan upang paghandaan ang inyong hinaharap.
Kapag kinansela niya ang kaniyang pag-uwi, ang inyong mga date sa Skype, o ang kaniyang mga tawag dahil kailangan siya sa trabaho subukan mong maging mahinahon lamang. Kapag sinabihan siya ng kaniyang amo na magkaroon ng overtime sa trabaho dahil sa isang mahalagang gawain, tandaan na kailangan niyang sundin kung ano ang sinabi sa kaniya. Kapag umuwi siya ng late dahil sa ilang mga delay, huwag kang magalit sa kaniya dahil hindi niya iyon kasalanan. Ang pagiging mahinahon ang susi sa pagpapatuloy mo ng iyong relasyon sa isang lalaking palaging naglalakbay.
Panatilihin mong maging abala ang iyong sarili kapag siya ay malayo
Kapag wala kang ginagawa habang siya ay nasa malayo, maiinip ka lamang. At ang pagkainip ang magdadala sa iyo sa pagiging balisa. Mag-uumpisa kang mabahala kung ano ang kaniyang mga ginagawa o kung sino ang kaniyang kasama. Kapag dinala mo ito sa oras ng inyong pag-uusap, mauuwi lamang kayo sa pagtatalo.
Kaya panatilihin mong maging abala ang iyong sarili. Maglaan ka ng oras sa iyong sarili o kasama ang iyong mga kaibigan. Gumawa ka ng mga bagay na iyong kinahihiligan at magpakasaya. Ito ang mag-aalis sa iyong isipan sa lubos na pagkamiss sa kaniya. Mahalaga na mabuhay ka sa iyong sarili dahil kung ang inyong relasyon ay hindi magpatuloy sa huli, ay mayroon kang mababalikan at hindi mo mararamdaman na ikaw ay lubos na nawalan.
Sa paggawa ng mga simpleng paraan na ito, ang iyong relasyon sa isang lalaking palaging naglalakbay ay magiging maayos. Huwag kang magfocus sa kung ano ang wala sa inyong relasyon, kung hindi, magpasalamat ka na lamang sa kung ano ang mayroon kayo.
Ano ano ang iyong mga opinyon sa long distance relationship? mag-iwan ng komento sa ibaba.
Please click the link for English versionL Tips for dating a man who's always travelling