Ang pagmomove on mula sa hiwalayan ay hindi kasingdali ng tulad sa paglimot ng isang hinahangaan. Sa iyong kasalukuyang sawing sitwasyon, maaaring maging imposible ang lahat, ngunit may mga paraan upang maihanda ang iyong sarili sa muling pakikipakaibigan sa iyong ex. Naging magkaibigan na kayo noon kaya huwag mong isara ang iyong sarili sa ideyang magiging magkaibigan kayong muli.
Ilabas mo lahat
Huwag kang matakot na basain ang iyong unan ng mga luha o kaya naman ay istorbuhin ang iyong mga kapit-bahay sa lakas ng iyong pag-iyak. Ang paghihiwalay ay isang matinding emosyunal at mental na karanasan, at maiintindihan naman ito ng mga nakapaligid sa iyo hangga’t hindi ka naman umiiyak ng buong linggo. Hayaan mong lumabas ang iyong galit, kalungkutan, at kabiguan sa iyong mga kaibigang babae o sa pamamagitan ng pagsusulat nito sa isang dyornal. Gayundin, huwag kang mamroblemang bumalik sa dati mong mga gawain. Maaaring hindi mo magustuhan ang paglilinis o ang pagluluto ngunit ayos lamang ito. Minsan paglaanan mo ng oras ang kalungkutan, ngunit alisin mo ang iyong sarili sa inyong bahay ng sa gayun ay makagawa ka ng mga bagay na makapagpapagaan sa iyong kalooban tulad na lamang ng pagpunta sa spa o ang pag-inom sa labas ng mainit na tsaa.
Pigilan ang iyong sarili
Sadyang nakakaakit ang pagstalk sa iyong ex sa social media, ngunit ang paggawa nito ay lalo lamang makapagpapalala sa sitwasyon. Maaaring masurpresa ka kung siya ay madali ng nakamove on sa iyo, kaya subukan mong pigilan ang iyong sarili sa pagtingin sa kaniya. Habang kaya mo pang makaubos ng tatlong lata ng sorbetes, subukan mong humanap ng malusog na alternatibong paraan na makapagaalis sa kaniya sa iyong isipan. Iwasan mo rin ang pag-iisip ng pagkakaroon ng “friends-with-benefits,” maaari lamang itong makapagpawala sa bagay na inyo ng nasimulan.
Iwasan ang mga hindi kanais-nais na pagkilos at paghihiganti. Ang pang-aakit sa kaniyang matalik na kaibigan ay hindi rin maganda; mababawasan lamang nito ang mga tiyansang magiging magkaibigan kayong muli sa hinaharap, at ang maaaring kahinatnan nito ay wala na talaga ang lahat.
Magpokus ka sa ikabubuti ng iyong buhay tulad ng pagdalo sa mga yoga classes, o higit pang pagtatrabaho, paglabas kasama ng mga mahal sa buhay, pagbabasa ng libro, o ang pagsisimula ng mga bagong kahihiligan.
Ibalik ang iyong sarili
Ibalik mo ang iyong sarili sa mga gawaing ginagawa ninyo noon ng magkasama. Dahil sa mas marami ka ng hawak na oras, maaari ka ng magpokus sa paglilinis ng inyong bahay o ang paggawa ng mas maraming aktidad kasama ang iyong mga kaibigan.
Labanan ang tukso sa pamamagitan ng paghiga sa iyong kama upang muling gumaan ang iyong pakiramdam. Gumising ng maaga, maglakad-lakad sa labas pagkatapos ng mga gawin, o tapusin ang iyong ginagawang nobela. Dahil sa mas marami ka ng libreng araw, maaari mo nang punuin ang iyong buong linggo ng mas masasayang gawain kasama ang iyong mga kaibigan at kapamilya. Ang pamilyar na gawain na ito ay makatutulong upang maalis ang sakit na sanhi ng paghihiwalay ninyo.
Muli kang makisama sa kaniya
Kapag naiahon mo na ang iyong sarili mula sa pagkakabaon nito, maaari ka ng muling makipagkita sa kaniya. Kapag nagkakasama kayo dahil sa mga parehong taong nakapaligid sa inyo, maaari kayong muling sumali sa pang grupong mga aktibidad. Ang pagkakaraoke ay mabuti rin para sa inyo, at maaari ninyong punan muli ang mga naiwan ninyo sa pamamagitan pakikipagkita sa inyong mga kaibigan.
Kapag nagkikita kayo ng kayo na lamang dalawa, panatilihin mong maging malinaw ang lahat. Oo, maaari ninyong pag-usapan ang inyong naging paghihiwalay ngunit paniguraduhin ninyong mayroon pa ring namamagitan at gawing mas malinaw ang lahat sa pamamagitan ng pagsasabi sa kaniya na hindi na ka na umaasa pa na muli kayong magkakabalikan.
Sa pagbubuod
Huwag mong hayaang pangunahan ka ng iyong nararamdaman at palagi mong paalalahanan ang iyong sarili na maging ikaw. Ang pagiging magkaibigan sa kabila ng mga nangyari sa inyo ay maaaring makamit muli, ngunit posible lamang ito kung kayong dalawa mismo ang gumagawa ng paraan para makapagmove on.
Tandan na pangalagaan ang iyong sarili sa mga panahong iyon, ayusin ang iyong pag-iisip at panatilihing magmukhang malinis. Dahil maaaring makita mo ang iyong sarili sa bar kasama ng iyong mga kaibigan, kaya iwasan mo ang pagtawag at patetext sa kaniya habang ikaw ay nakainom. Maaari mo lamang itong pagsisihan sa umaga. At higit sa lahat, gawin mo lamang madali ang lahat. Nakasuporta kami sa iyo.
Paano kayo naging magkaibigan muli ng iyong ex? Nasasabik kaming marinig ang iyong mga payo sa mga kumento sa ibaba!
Please click the link for English version: Had A Painful Break Up Here's How To Be Friends With Him Again