Narito Ang Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin Kapag “Nakikipagkita Ka Na”

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?



 

Walang dudang tinangka mo ng manligaw pero nalaman mong mayroon na siyang tinatagpo. Huwag kang mag-alala! Marami pang tao riyan ang handang lumabas kasama ka. Kaya kapag napaisip ka kung ano ang tunay na kahulugan ng katagang “nakikipagkita na ako sa iba,” kakailanganin pa ng oras para maintindihan mo ito.

Minsan kasi ito ang sinasabi ng mga tao sa mga kaibigan at pamilya nila kapag tinatanong sila kung ano na ba ang lagay ng relasyon nila. Ngunit hanggang saan nga ba ang limitasyon nito? Heto ang mga palatandaan na maaaring makatulong sa iyo para malaman kung ano nga ba ang ibig-sabihin ng isang tao kapag sinabi nilang nakikipagkita na sila sa iba.

Lumalagong Romansa

Kapag ang isang tao ay makikipagkita na, ginagamit nila ang katagang iyo upang iparating na may pinaglalaanan na siya ng kaniyang interes. Tinutulungan nitong tumatag ang ideyang hindi na sila bukas sa pakikipagdate at isinasara na nila ang kanilang pintuan sa mga interesado pang manliligaw.

Hindi man awtomatikong matatawag mo silang “magkasintahan,” palatandaan lamang ito na papunta na rin sila doon. Dagdag pa nito ang lumalagong pagkagusto sa isa’t-isa sa tuwing magkikita sila habang kinikilala ang bawat isa.

Pisikal na Relasyon

Ang modernong kultura ukol sa pakikipagdate ay hindi na masyadong nabibigyan ng pansin ang malalimang pisikal na relasyon bagkus ang kasiyahang emosyonal ang mas ginugusto. Kaya kapag nasabi na naman sa iyo ang katagang iyon, kasama na sa kanila ang pagbibigay sa isa’t-isa ng pangkatawan na relasyon. Ngunit kahit may mga ganitong pisikalang nagaganap ay hindi ibig sabihin na talagang sila na. Maaaring maging daan lamang ito upang mas mapalapit ang pagiging magkasintahan nila.

“Pakikipagkita” tulad ng pakikipag-date

Kapag ginamit na nga nila ang katagang iyon, malamang ay nagde-date na sila. Madalas silang nagpaplanong pumunta sa mga konsiyerto, palabas, pagkain ng tanghalian at mga party; tulad ng mga gawain ng tunay na magkasintahan. Ang punto ng pagkikipagkita ay madalas na pagkikita, dalawang beses kada linggo o di kaya ay mas madalas pa.

Pagiging Eksklusibo

Hanggang sa ang pakikipagkita ng dalawa ay nagpatuloy, hindi na rin tatagal ay magiging ganap na silang mag-on. Ang mga katagang iyon ay nagpaparating din na sila ay nasa kalagayan kung saan sinusubok nila ang kanilang relasyon kung bagay ba talaga sila. Ngunit nagbibigay din ito ng pagiging eksklusibo, kaya isang usapan na lang nila ay magiging sila na. Kaya makikita natin na ang “pakikipagkita sa isang tao” ay nangangahulugang ang parehas na partida ay sinusubok ang tubig kung ang kanilang pagiging isa ay may patutunguhang positibo. Marami ang nagsasabing maaaring maging daan ito sa emosyonal o malaswang pagkalito, na totoo naman.

Habang maganda at madaling intindihin ang pagpapaliwanag sa itaas, nakakalito pa ring isipin ang limitasyon niyo sa isa’t-isa. May ibang nagsasabing maaari mo siyang halikan pero kailangan mo itong iwasan. Pwede mo pa ring piliin kung ipagpapatuloy mo ang pagbrowse sa online profile ng iba para sa iba pang potensyal. Pwede ka pa bang makipag-date sa iba? Oo, pero kailangan mo itong iwasan.

Kung nalilito ka kung kaya mo ang mga ito o hindi, tanungin mo na ang iyong sarili kung gusto mo ba talaga ang taong kinikita mo. Kung ang sagot mo ay isang umaatikabong “Oo,” aba, dapat mo ng i-deactivate ang mga account mo sa mga dating sites! Para maiwasan pa ang ibang potensiyal na makakapagpalito sa iyo.

Bigyan din ng diin ang inyong komunikasyon lalo pa at hindi pa malinaw kung ano kayo. Matapos ang masayang gabi ng sayawan, inuman, o pagkain sa labas, umupo ka at maging malinaw sa mga tanong mo. Maaaring magulantang ka sa magiging sagot pero kung ano man ito, sulitin mo na lang muna ang kasiyahan ninyo.

Tanungin mo ang mga kaibigan mo kung ano ang ibig sabihin nito at magsimula ng diskusyon. Bakit hindi mo na lang gawin dito? I-post mo ang iyong interpretasyon sa mga comment sa ibaba. Malay mo, makakuha ka pa ng mga kaibigan dito.

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version

Here's what you can and cannot do when you're seeing someone

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?