Kapag ginulangan mo ang taong kinikita mo at pinagsisisihan naman ito, maaari kang umani ng kaunting karamdaman ng matinding pagkakasala. Maaaring tama ito sa panahong ito, ngunit ang pang-gugulang ay maaaring sanhi ng pangmatagal na pinsalang emosyonal sa iyo at sa biktima mo. Ang tanging paraan para makapag-move-on ay ang yakapin ang katotohanan at gumawa ng konkretong pagsisikap na magkasundo ka at ng taong nasaktan mo.
Para matulungan ka, narito ang ilang paraan para pakitunguhan ang guilt na nanggaling sa iyong pang-gugulang.
Angkinin mo ang sisi
Ang una mong magiging reaksyon ay ang gumawa ng palusot o 'di kaya naman ay itanggi ito. Mas madali ngang itago ito ngunit ang 'guilt' ay unti-unti kang kakainin hanggang sa ikaw ay masira. Aminin sa iyong sarili ng paunti-unti ang iyong ginawa at pag-isipan ito kapag mag-isa ka. Makakatulong ito para makapag-ipon ka ng tapang para gawin kung ano ang tama.
Umamin
Kapag hindi mo pa ito nagagawa, dapat ka ng umamin sa taong ginulangan mo. Isang pangunahing sanhi ng matinding pagkakasala ay ang katotohanang itinago mong matagal at natatakot ka sa magiging resulta nito. Mas maaga na umamin ka, mas maaga ring mapag-iisipan ng iyong kapareha kung ano man ang ginawa mo at baka patawarin ka pa. Malaking kabawasan din ito sa iyong dala-dala kahit na magbibigay pa ito ng matinding emosyon sa iyong kapareha.
Matuto
Ang bawat pagkakamali ay isang karanasang may matuntunan kaya kahit na hindi na ito gumana sa inying relasyon, maging sigurado na hindi mo na uulitin ang pagkakamaling ito. Tuklasin kung ano ang mga naging salik bakit ba humantong sa ganoong sitwasyon at alamin kung ano ba ang dapat baguhin. Pag-aralan ang pagkakasunod-sunod ng iyong aksyon na humantong sa pagkakaroon ng masamang desisyon at isipin kung ano ba ang dapat mong ginawa para maiwasan ito.
Makatutulong rin itong maisip kung ano ba ang dahilan kung bakit mo ito napabayaang mangyari. Ang malaman ang mga sagot ay magpapabuti ng pagtingin mo sa iyong sarili at magiging daan mo para maintindihan ang buong sitwasyon.
Maghanap ng tulong
Hindi naman kailangan na manggaling pa ito sa mga propesyonal. Magkaroong pag-uusap sa lider ng isang relihiyon, taga-payo o isang mabuting kaibigan. Pag-usapan ang mga rason sa likod ng iyong pang-gugulang at siguraduhing ipaliwanag ang guilt na nararamdaman mo.
Nakikipagpag-usap ka sa kanila hindi para ipaliwanag ang iyong mga aksyon ngunit para tulungan kang magabayan sa mga motibo mo para ikaw ay mang-gulang. Ang magkaroon ng isang tao na hindi ka hinahatulan ay maganda sa ganitong paraan.
Iwasan ang isa pang 'lover'
Kapag ang isa pang 'lover' na kasama mo sa pang-gugulang ay patuloy na may contact sa'yo, alisin mo na siya sa iyong buhay ng mas maaga. Ang pagsisisi sa iyong ginawa ay isa na at ang pagpapakita sa iyong kapareha na gumagawa ka ng mga aksyon para mapatunayan ito ay isang paraan para sabihin sa kanyang kaya mo ngang magbago.
Patawarin ang iyong sarili
Habang ang iyong kapareha ay hindi ka kayang patawarin ng agaran, maganda itong simula ng proseso ng pagpapatawad ng iyong sarili sa kaloob-looban. Nakagawa ka ng matinding pagkakamali sa paghatol, hindi mo naman ito maiiwasan. Magkakaroon ng oras na kailangan mo ng tigilan ang iyong sarili sa pagkakamali mo. Ang pagpapatuloy na masamain ang iyong sarili ay hindi rin makakatulong sa inyo ng iyong kapareha.
Kahit na ang pinakamabait na tao ay pwedeng magkamali. Hindi na bale kung ito man ay intensiyon o hindi, ang gulangan ka ay isa sa mga bagay na nakakasira sa isang tao. Makakayanan naman ngunit hindi lahat ay pwedeng patawarin. Hayaan mo lang ang iyong kapareha na angkinin ang oras na kakailangan nila para makayanan ito. Good luck.
Kapag ikaw ay isa sa mga nagulangan, narito ang aming mga puso. Paano mo ito nakayanan? Gumana ba ito sa pagitan mo at ng inyong partner? Ibahagi ninyo ang inyong istorya sa mga komento sa ibaba.
Please click the link for English version: Heres How To Deal With Guilt From Cheating