Ang edad ay numero lamang. Kung ikaw man ay dalaga o binata o 'di kaya naman ay matanda na, pwede kang magkaroon ng maayos na relasyon kapag nilagyan mo ito ng pagsisikap para lumago. Hindi na bale kung gaano pa kayo katagal ng magkasama o gaano na katanda ang mga taong nasa relasyon, ang pagtugon sa mga problema ng maayos, at mahinahon na paraan ay ang tanging paraan para magkaroon ng mas matagal na pagsasama. Madaling magsimula ng isang relasyon ngunit ang patagalin ito ay isang malaking hamon.
Manatili sa parehong pahina
Linawin ang intensyon niyo para sa isa't-isa. Umupo at tukuyin ang inyong relasyon ng mas maaga para parehas ninyong malaman kung ano ang dapat asahan sa hinaharap. Matapos na makipag-date ng ilang linggo, dapat lang na alam mo na kung paano ipapaliwanag sa isa't-isa kung ano ba ang hinahanap mo sa isang romantikong kapareha. Kapag parehas kayo ng gusto, maganda. Makakatulong itong magpalago ng inyong relasyon. Ngunit kung hindi, sapat na ito para malaman kung ano ang gusto niyo para sa isa't-isa.
Isipin ang isa't-isa
Habang madali na lang ang magpadala ng mga notes at texts ng ilang beses sa isang araw, mahalaga na unahin ninyo na magkaroon ng oras na magkita kayo. Ang pag-aaral at pagtatrabaho ay pwedeng maging lubhang abala, ngunit ang paglalaan ng oras at pagpapanatili sa ganitong sistema ay daan para mapatibay ang relasyon. Ang patulog-tulog sa nakalaang oras para sa inyo ay maituturing na walang kwenta. Kapag naging abala na ang mga araw, kausapin siya sa cellphone sa halip na text lamang. Ipapakita nito ang pag-aalala mo sa kanya at bibigyan ka ng mahalagang oras para magkaroon kayo ng koneksiyon kahit na masakit pa sa ulo ang trabaho.
Balansehin niyo ang inyong buhay
Ang pagsasayang ng oras ng magkahiwalay ay kasing importante ng pagbibigay ng oras sa isa't-isa. Ang paglaan ng oras sa sarili mong hobby at pagkakaibigan ay magandang paraan para makabuo ng pamumuhay sa labas ng inyong relasyon. Magbibigay ito ng pakiramdam ng pag-iisa na magpapatakbo ng inyong relasyon sa mas magandang paraan. Kaya huwag ka na mag-atubili na ilaan ang oras sa mga kaibigan mo.
Makipag-komunika
Kapag umaangat na ang problema, pag-usapan ito kaagad sa mas maagang panahon. Ang alamin kung ano ang nakakasakit at makapagpapalago sa inyong relasyon ay makakatulong sa inyo para malaman kung ano ang nararamdam ng iyong kapareha. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung anong pag-uugali ang dapat mong panatilihin at kailangan ng iwanan.
Pagkatiwalaan ang isa't-isa
Ang isang relasyon ay wala ring kwenta kung walang katotohanan. Ito ay isa sa mga mahahalagang pag-uugali sa isang adult relationship at maaaring buohin o sirain nito ang inyong ugnayan. Kapag mayroong malinaw na rason para hindi siya pagkatiwalaan o pagselosan, makakatulong ang kumuha ng tagapayo para makuha ulit ang tiwala na nawala.
Makipag-usap ng maayos
Ang tunay na relasyon ay palaging may ayaw. Kung paano ang relasyon ay lalago ay malalaman sa kung paano niyo hinahawakan ang inyong problema. Respetuhin ang opinyon ng isa't-isa at bigyan ng oras ang bawat isa kapag nagpapaliwanag ng kanilang hinaing. Huwag babastusin ang isa't-isa sa pag-iistorbo habang siya ay nagsasalita o ang pagmamaliit ng ideya ng iyong kapareha. Hanggang maaari, maghanap ng middle ground na parehas kayong pwedeng maging kalmado at huwag ding matakot na amining tama siya.
Matutong maging "adult"
Ang maging kapaki-pakinabang at sarili lamang ang sinasandalan ay posibleng makatulong sa inyong kapareha na irespeto ka bilang isang indibidwal. Kapag nakatira na kayo sa iisang bahay ngunit hindi kayang mag-uwi ng sweldo dahil siya ay walang trabaho o siya ay mag-aaral pa lamang, gawin mo ang lahat ng makakayanan mo para mapababa ang sakit sa ulo ng iyong kapareha. Tumulong aa mga gawaing bahay o gumawa ng oras ng pagrerelax ng magkasama.
Kapag parehas kayong walang 'maturity', ang inyong relasyon ay magiging napakalaking gulo lamang. Maging kalmado sa pagharap ng problema at gawin ang makakaya mo para hindi pa humantong sa mas malalang bagay para sa inyong dalawa. Sa ganitong paraan, nasa iyo na ang napakagandang pagkakataon para magkaroon ng mas maayos na relasyon.
Paano ba lumalago ang kasalukuyan mong relasyon? Kapag sa tingin mo ay may nakaligtaan kaming importanteng punto, maging malaya na ipaalam ito sa amin sa mga komento sa ibaba!
Please click the link for English version: Here's How to Have an Adult Relationship with the One you Love