Para sa mga single parent, ang bumalik sa eksena ng pakikipag-date ay magulo at nakakalito. Paano ba ang magiging sistema ninyo? Paano ninyo mapaghahalo ang oras ng inyong relasyon at ang bahay ng pamilya mo? Kapag mayroon siyang anak, itatrato niya rin ba ang anak mo ng tulad ng sa kaniya? Ang kaniyang anak at ang mga anak mo na magiging palagay ang inyong relasyon.
Ang maghanap ng magiging kapareha ay hindi madali, lalo ring magiging komplikado ito kapag may bata ng kasama. Ngunit, ang magkaroon ng bagong relasyon habang parehas kayong may anak ay posible naman. Aalamain mo lang kung papaano ito pagaganahin. Para matulungan ka, narito ang ilang tips kung paano.
Ayusin ang inyong relasyon
Ito ang unang hakbang sa pagpaplano ng iyong kinabukasan ng magkasama habang tinitingnan ang estado ng inyong relasyon. Alamin kung ito ba ay seryoso at tatagal ba kayong dalawa. Responsable ba siyang magulang sa kaniyang mga anak? Tinatrato ka ba niya at iyong anak ng may respeto at ikaw sa kaniya at sa mga anak niya?
Nagkakasundo ba kayong lahat? Sa tingin mo ba magiging maayos kayo kapag nagging isa na kayong pamilya?
Alamin kung nakikita niya ang hinahanap nang magkasama kayo
Ang pag-iitindi sa pangangailangan ng isa’t-isa at alamin ang damdamin ng isa’t-isa ay susi para simulan ang hinahanap ng magkasama. Mag-usap kayo ng bukas sa lahat? At alamin kapag nakikita niya kayo at mga anak mo ng magkasama kayo. Dapat ay lumapit ang inyong usapan tungkol sa inyong relasyon at unti-unti mong tanungin siya kung paano niya nakikita ang relasyon ninyo at ang mga anak mo paglipas ng taon.
Siguraduhing alam ng anak mo ang mga nangyayari
Huwag kang magsinungaling sa mga anak mo. Parehas ninyong kausapin ang inyong mga anak at sabihin lahat ng tungkol sa inyong relasyon, ngunit maghintay ng tamang oras para dito. Hindi pwedeng ibagsak mo ang pinaplano at tanungin mo sila ng kanilang opinyon. Kapag binigyan ka nila ng plano, tanggapin mo ito. Ang importante, ipadama mo sa iyong anak na komportable na ang kanilang magulang ay nasa bagong relasyon, ngunit hindi ibig sabihin nito ay dapat mo silang patahimikin. Kapag pinursigi mo pa sila, matutunan din nilang tanggapin ang inyong sitwasyon.
Gumawa ng palatuntunin
Gumawa ng mga palatuntunin sa pagitan mo at siya. Halimbawa, magtala ng panahon kung kailan siya pupwedeng pumunta sa inyo at ikaw sa kanila. Alalahanin pa rin ang inyong mga anak kasama sila sa inyong plano at ipaalam sa kanila kung ano ang inyong napagkasunduan. Kapag magkasama na kayo sa iisang bubuong, gumawa pa rin ng mga palatuntunin para magkasundo kayong parehas. Importanteng malaman ng inyong mga anak na ang mga palatuntunin na ito ay para maiwasan ang gulo.
Maglaan ng oras bilang pamilya
Dahil dalawa na nga kayong may anak, importante na maglaan kayo ng oras nang magkasama para makabuo kayo ng samahan at pagiging isang pamilya.Ang paggawa ng mga aktibidad ng magkasama ay mag-papaganda ng inyong relasyon, siguraduhin lang na ang inyong anak ay komportable sa mga ganitong bagay.
Kapag ang mga anak ninyo ay gusto ng isports, huwag mong ipapasok sa iisang programa ang anak mo. Maaring hindi nila ito magustuhan sa umpisa kaya huwag mo silang pipilitin. Hayaan mo silang kilalanin ang isa’t-isa para malaman nila kung ano ba ang parehas nilang interes. Iyon ang unang hakbang upang maging totoo kayong pamilya.
Huwag matakot na pumasok ulit sa panibagong relasyon. Kapag naghintay ka pa ng mas mahabang panahon, maaaring makaligtaan mo na ang taong nagmamahal sa iyo at sa anak mo ng walang kapalit. Ngunit huwag mong papasukin ang pag-ibig dahil lang nalulungkot ka. Manigurado ka muna na parehas kayong may potensyal na maging mabuting magulang sa inyong mga anak.
Ano pa ang inyong opinyon sa pakikipag-date bilang single parent? Ibahagi ang inyong naiisip sa mga komento sa ibaba.
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: How To Make A Relationship Work For Single Parent