Ang ideya ba ng pagpapakita ng iyong pagmamahal para sa isang tao ay iniiwan kang walang masabi at kinakabahan? Madalas ka bang nabubulol kapag sinasabi mo ang iyong tunay na nararamdaman para sa taong pinakamamahal mo? Kung magkagayun, maaari mong subukan ang pagsusulat ng love letter.
Sa love letters, hinahayaan ka nitong ipadama ang iyong mga romantikong nararamdaman para sa isang tao ng mas epektibo. Dito mo sasabihin sa isang tao na nag-aalala ka sa kaniya at kung gaano mo siya kamahal, na sadyang pinapahalagahan mo ang pagdating niya sa buhay mo, gamit ang mga salitang magbibigay ng init at tuwa sa kaniyang puso. Dito mo maaaring sabihin ang mga bagay na takot kang sabihin ng personal.
Kung ang love letter ba ay para sa pagsasabi ng iyong tunay na nararamdaman sa unang pagkakataon, isang regalo para sa isang espesyal na okasyon, o gusto mo lamang gumawa ng mga matatamis na bagay sa kabila ng kalungkutan, ang pag-alam ng mga paraan kung papaano ito gawing higit na mas espesyal ay sadyang makatutulong sa iyo.
Ito ang ilan sa mga paraan upang mas maging espesyal ang iyong love letter.
Personalize your love letter
Magdagdag ka ng ikaw mismo sa love letter. Hayaan mong hanap-hanapin ka niya at mas isipin ka pa niya sa tuwing babasahin niya ang iyong liham. Wisikan mo ng kaunting pabango ang papel. Kapag iniisip ka niya at kung ikaw ay malayo, maaamoy niya ito at maaalala ang mga mahahalagang sandaling pinagsamahan ninyong dalawa.
Dagdagan mo ito ng surpresa
Itago mo ang iyong love letter sa kung saan ay may kaugnayan sa kaniyang mga pang-araw-araw na mga aktibidad. Maaari mo itong ilagay sa upuan, sa loob ng kaniyang bag, sa ilalim ng kaniyang unan, sa gilid ng kaniyang lamesa, sa kaniyang damitan, o maging sa loob ng refrigerator na nababalutan ng Ziploc bag! Sa mas hindi inaasahang lokasyon, mas higit ang surpresa para sa kaniya.
Pang-araw-araw na liham
Sulatan mo siya ng liham araw-araw, lalo na kung kayo ay nasa long-distance relationship. Dahil sa hindi kayo gaanong nakagagawa ng mga bagay kapag kayo ay malayo sa isat-isa, pumunta ka sa mas malayo sa pamamagitan ng pagpapadala sa kaniya ng romantikong mga liham araw-araw. Sumulat ka ng liham tuwing gabi at ipadala mo ito sa araw. Maliit na effort lamang ito ngunit mahaba ang mararating. Dahil paniguradong mapapahalagahan niya ang matamis na gawaing ito.
Gamitin mo ang iyong boses
Para sa mga malalayo sa isat-isa, maaari mong maipadama sa kaniya ang init ng iyong pagmamahal sa pamamagitan ng pagdadala ng audio letter. Sabihin mo ang iyong mga dapat sabihin at ikopya mo ito sa CD. Ipadala mo ito sa kaniya at maaari siyang makinig dito sa tuwing hinahanap ka niya.
Gayunpaman, ang paraang ito ay hindi limitado para lang sa mga nasa long-distance relationship. Maaari mo pa rin itong gawin kahit na magkapitbahay lamang kayo, o magkasama na kayo sa iisang bahay. Ang paglalaan ng effort ang mas mahalaga.
Humanap ka ng inspirasyon sa love songs
Ang isa sa pinakamagandang paraan para mapangiti at mapakilig mo siya, ay ang paglalagay ng liriko ng kanta sa iyong liham. Sa ganitong paraan, kapag maririnig niya ang mga kantang ito, maaalala ka niya mula rito.
Maaari mo ring gamitin ang liriko ng kanta na mayroong malalim na pakahulugan sa inyong dalawa, tulad ng unang kantang napakinggan ninyo noong una kayong magkakilala, o ang kantang inyong sinayaw sa una ninyong anibersaryo. Maging malikhain.
Isantabi mo ang papel
Oo, maaari kang magsulat ng love letter ng walang gamit na papel. Paano? Maaari mo siyang surpresahin sa pamamagitan ng isang matamis na mensahe sa salamin ng banyo gamit ang marker. Maaari mo siyang padalhan ng kaniyang paboritong pizza at sabihin mo sa panadero na lagyan ito ng matamis na mensahe sa ibabaw gamit ang ketchup. Maaari mo rin siyang bigyan ng ibat-ibang tape na naglalaman ng lahat ng mga kantang may kinalaman sa inyong relasyon o sa kung ano ang iyong nararamdaman para sa kaniya. Marami ang maaari mong gawin.
Muli nating ibalik ang love letters. Hindi lang ito dapat maging bagay ng nakaraan dahil mas higit na romantiko ang love letters kaysa sa mga text messages na may maraming emojis. Kaya, simulan mong magsulat ng love letters mula sa iyong puso at hayaan mong lumabas ang iyong nararamdaman dito.
Gayunpaman, hindi ito kinakailangang maging perpekto. Kung kakayanin mong magbigay ng tamang mensahe sa kaniya, ito ay sapat na. Huwag mong isipin kung magugustuhan niya ito o hindi. Baliw na lamang ang hindi magkakagusto sa ideya ng pagpapadala ng love letter!
Ano pa ang ibang mga paraan upang mas maging romantiko ang paggawa ng love letter? Maaari mong ibahagi ang iyong mga ideya sa komento sa ibaba!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: How To Make Love Letters Extra Special