Walang perpektong relasyon. Sa kalaunan, ang bawat relasyon ay nakakaranas ng kasinungalingan sa daan nito. Ngunit, hindi lahat ng kasinungalingan ay kasama ng pangangaliwa. Kahit na ang maliliit na puting kasinungalingan ay isa ng anyo ng hindi pagiging matapat.
Sinisira ng kasingungalingan ang esensya ng kapatapatan sa inyong relasyon. Kung kayo ay may itinatago sa isat-isa o nagsisinungaling tungkol sa inyong mga pangsariling intensyon, maaari lamang itong makasira sa inyong relasyon. Ang pagharap sa kasinungalingan ay hindi madali, ngunit dapat na tanggapin ng magkapareha kung ano ang nangyari na, at humanap ng solusyon upang masagip ang inyong relasyon.
Ang mga sumusunod na paraan ay makatutulong sa iyo upang maharap ang hindi pagiging matapat sa isang relasyon.
Mag-usap tungkol sa iyong mga alalahanin
Kausapin mo ang iyong kapareha tungkol sa kasinungalingan na nasa inyong relasyon. Kung ito ba ay tungkol sa bagong impormasyon na iyong natuklasan, tulad ng lihim na pakikipagrelasyon o mga hindi pa bayad na gastusin, sabihan mo ang iyong kapareha na ipaliwanag sa iyo ng mabuti ang bawat detalye, at itanong mo kung bakit niya ito nilihim. Kung ikaw na man ang siyang hindi naging tapat, ipaliwanag mo sa kaniya kung bakit mo ito nagawa.
Alamin mo ang intensyon sa likod ng kasinungalingang ito
Tanungin mo ng maaayos ang iyong kapareha sa kung ano ang nagtulak sa kaniya patungo sa kasinungalingang ito, at hayaan mong ipaliwanag niya kung ano nga ba ang tunay niyang mga dahilan. Bilang sukli, sabihin mo sa iyong kapareha kung ano ang masisira ng kasinungalingan sa inyong relasyon, at kung papaano mo nabuo ang mga isyu tungkol sa katapatan.
Ipaliwanag mo ang magiging epekto ng hindi pagiging tapat sa inyong relasyon
Ipaliwanag mo sa iyong kapareha na kahit na ang kaliit-liitang anyo ng kasinungalingan ay maaaring makasira ng pundasyon ng isang maaayos na pagsasama. Magsabi ng isang partikular na pangyayari na sumusuporta tungkol sa mga sinasabi mong hindi niya pagiging tapat.
Halimbawa, sabihin mo sa kaniya ang hindi niya pagsagot sa iyong mga tawag at ang hindi niya pagtawag sa iyo. Ipaalam mo sa kaniya na dinala ka nito upang mag-isip na maaaring may kasama kang iba o nasa ibang lugar ka na hindi naman dapat.
Gawin mong malinaw na ang katapatan ay babasagin at dapat na hawakan ito ng may buong pag-iingat. Hayaan mong malaman ng iyong kapareha ang mga maaaring mangyari sa hindi pagiging matapat sa isang relasyon. Ipaisip mo sa kaniya na dinadala ng kasinungalingan ang magkapareha sa magkaibang landas.
Ipapangako mo sa kaniya ang pagiging matapat
Sabihan mo ang iyong kapreha na bumuo kayo ng kasunduan upang maiwasan ang kasinungalingan sa inyong relasyon.
Paniguraduhin ninyong mapangalagaan ang mga pangako ninyo sa isat-isa, kaya naman kung may dumating mang kung ano sa inyong relasyon, pareho kayong hindi mahihirapan upang harapin ito.
Pagaanin mo lamang ang mga bagay-bagay
Buksan mo ang iyong pintuan at bigyan siya ng panibagong pagkakataon, kung naiisip mong tama lang na bigyan pa siya ng panibagong pagkakataon. Kahit na nangangailangan ito ng mahabang panahon, pangako, at pagtitiyaga, mahalaga na harapin ninyo ang kasalukuyang problema ng sa gayun ay pareho ninyong mabilis na malampasan ito.
Maglaan ng oras para sa isat-isa
Palaging humanap ng oras para sa isat-isa. Ang relasyon ay hinuhubog ng panahon. Kaya, maglaan palagi ng oras para sa isat-isa. Dalhin mo siya sa ibat-ibang mga gawain na pareho ninyong ikinasasaya, upang mas tumibay pa ang inyong pagsasama habang inaayos ang sugat ng nakaraan.
Panatilihin lamang ang parehong pagkilos para sa inyong relasyon
Panatilihing kumilos ng magkasama upang maging malusog at tumagal ang inyong relasyon. Sa una, magsisimula muna kayong bumuo o muling ibalik ang tiwala kung ito man ay minsan ng nawala. Tandaan na hindi sapat ang pagmamahal upang tumagal ang isang relasyon. Nangangailangan ito ng matinding pagsusumikap.
Kumuha ng tagapayo
Kung naiisip mong hindi mo kayang sagipin ang inyong relasyon ng ikaw lang, humingi ka ng tulong mula sa isang bihasang tagapayo tungkol sa relasyon o dumalo ka ng pagpupulong para sa magkapareha. Ang mga tagapayong pangrelasyon ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang matulungan kang maayos ang iyong relasyon, ngunit kinakailangan ito ng pagsusumikap mula sa inyong dalawa. Sa ganitong paraan, hindi madaling masisira ng mga pagsubok sa mga darating na panahon ang inyong relasyon.
Madalas, ang pagtanggap lamang sa kasinungalingan ay maaaring magdala sa mas hindi pagiging matapat sa hinaharap. Ito ang dapat ninyong malampasan. Marapat na gampanan ninyo ang inyong mga tungkulin at kumilos ng magkasama upang gawing matibay na pundasyon ang katapatan sa inyong relasyon.
May alam ba kayong iba pang paraan upang harapin ang kasinungalingan sa isang relasyon? Ibahagi ang inyong mga nalalaman sa mga kumento sa ibaba!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: How To Deal With Dishonesty In A Relationship