Paano Komprontahin Ang Iyong Boyfriend

Kapag nalaman mong may ginagawang hindi maganda ang iyong boyfriend, na siya ay nagsisinungaling o nagloloko sa iyo, ang una mong dapat isipin ay ang komprontahin siya kaagad. Gayunpaman, kapag hinarap mo siya sa isang mainit na sitwasyon, maaaring mas lumala lamang ito. At ang kalalabasan ay maiiba lamang sa kung ano ang iyong inaasahan.

Kung masyadong kang nagpopokus sa katotohanang may ginagawa siyang mali kaysa sa dahilan kung bakit niya ito nagawa, ang inyong paghaharap ay magkakaroon lamang ng salungat na epekto sa inyong relasyon.Upang matulungan ka sa problemang ito, naririto ang ilan sa mga paraan upang komprontahin ang iyong boyfriend.

Maghintay hanggang sa humupa ang iyong galit

Sinasabi nila na, “magsalita ka kapag ikaw ay galit at paniguradong makagagawa ka ng pinakamahusay na pagsasalita na kailanman ay iyong pagsisisihan.” Walang anumang mas hihigit pa sa pahayag na ito. Hintayin mong humupa muna ang iyong galit bago mo siya harapin. Ang pagkompronta sa kaniya habang ikaw ay nasa kataasan ng iyong emosyon ay lalo lamang makapagpapagulo sa mensaheng nais mong sabihin sa kaniya. Gayundin, mas mahihirapan siyang magsabi sa iyo kapag ikaw ay malinaw na nagagalit. Bigyan mo muna ng mahihingahan ang iyong sarili upang maayos mong maharap ang isang sitwasyon.

Maupo kang kasama siya

Kapag naabot mo na ang kahinahunan at kalinawan ng iyong pag-iisip, maupo kang kasama niya. Alisin ninyo ang lahat ng gumugulo sa inyong isip ng sa gayun ay makapagpokus kayo sa isat-isa at sa sitwasyong nais ninyong masolusyunan. Patayin ang inyong tv at mga telepono ng sa gayun ay walang anumang makaistorbo sa inyo. Pagkatapos ay pag-usapan ninyo ang mga bagay ng tulad ng matatanda. Gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang maiwasang masigawan ang isat-isa.

Huwag kayong magsisihan

Kahit na ang may mali ay ang lalaki, hindi niya gustong pagbintangan siya. Huwag mo kaagad ipamukha sa kaniya ang lahat ng kaniyang mga pagkakamali. Huwag mo siyang sisihin sa lahat ng kaniyang mga kamalian makalipas lamang ng ilang minutong pagkakaupo ninyo. Maaari lamang niyang itanggi ang lahat kaysa sa sabihin kung ano ang totoo, mauuwi lamang siya sa pagtatanggi at maaaring ibalik lamang niya sa iyo ang lahat ng sisi. Maaari ka rin niyang iwan, at iwanang hindi nasasagot ang iyong mga katanungan. Kaya huwag kang maglaro ng sisihan dahil palalalain lamang nito ang lahat.

Ipaalam mo sa kaniya kung ano ang iyong nararamdaman

Sa halip na ituro mo ang iyong daliri sa kaniya, ipaalam mo kung ano ang iyong nararamdaman tungkol sa kung ano ang kaniyang nagawa. Huwag mong iparamdam sa kaniya na para bang hinuhusgahan mo siya. Maaaring mas makinig siya sa iyo kapag sinabi mo kung ano ang iyong nararamdaman, at hindi ang kung ano ang nagawa niyang mali. Maaari kang magsimula sa “Pakiramdam ko,” o kaya naman “Mayroon akong bagay na ikinababahala,” o “Nababahala ako,” o kahit anong pahayag na tumutukoy sa iyo, at hindi sa kaniya. Makatutulong ito sa kaniya upang maging komportable at makapagsabi ng anuman sa iyo.

Maging handa sa pagtatanggi

Kapag hindi niya talaga ginawa ang inaakala mong ginawa niya, itatanggi niya ito dahil sa una palang ay hindi naman talaga ito totoo. Gayunpaman, kung ikaw ay sigurado tungkol sa bagay na sinasabi mo sa kaniya, obserbahan mo ang kaniyang ginagawang pagkilos. Kung hindi niya nagagawang makipagpalitan ng tingin sa iyo, may posibilidad na siya ay nagsisinungaling. Ang totoo ay, may ilang mga lalaki na nagsasabi ng kasinungalingan na para bang naglalakad lamang sa parke.

Kapag natuklasan mong niloloko ka talaga niya at mayroon ka na ng lahat ng ebidensya ngunit itinatanggi niya pa rin ito, wala ka ng magagawa sa bagay na ito. Hayaan mo na lamang. Hindi mo mapupuwersa ang katotoohanan mula sa kaniya kung hindi niya naman talaga nais na sabihin ito sa iyo.

Kung sinabi niya naman kung ano ang totoo, mabuti. Kung hindi, mabuti na magdalawang-isip ka tungkol sa pagpapatuloy ng inyong relasyon. Ang kasinungalingan ay walang lugar sa isang malusog na relasyon.

Anuman ang kaniyang nagawa, ang pinakamabuting paraan upang harapin ang sitwasyon ay ang komprontahin siya ng mahinahon at ng may maayos na pag-iisip. Maaaring masaktan ka sa isasagot niya, ngunit mas mabuti ng malaman mo ang masakit na katotohanan kaysa sa tapusin ninyo ang inyong relasyon ng hindi nalalaman kung ano nga ba ang tunay na nangyayari. Huwag mong hayaang mangibabaw ang iyong emosyon.

Mayroon ka pa bang ibang alam na paraan upang komprontahin ang iyong boyfriend? Mag-iwan ng iyong kumento sa ibaba!

Please click the link for English version: How To Confront Your Boyfriend

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?