Paano Magtapat Ng Iyong Nararamdaman Sa Isang Lalaki

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?



 

Ang pagmamahal ay isang malaking salita. Ang pagsasabi sa isang lalaki na mahal mo siya ay sadyang hindi madali, lalo na sa unang pagkakataon. Magsasabi rin kaya siya ng “mahal kita?” O mawawalan lamang siya ng interes para sa iyo? Maraming mga bagay ang papasok sa iyong isipan kapag iyon na ang araw na ipagtatapat mo na sa kaniya ang iyong nararamdaman. Naririto ang ilang mga paraan na makatutulong sa iyo para makapagsabi ng iyong nararamdaman para sa isang lalaki.

Ipaliwanag ang inyong relasyon

Walang sinuman ang higit na nakakaalam sa inyong relasyon kung hindi kayo lamang dalawa. Bago mo aminin ang iyong nararamdaman para sa kaniya, alamin mo kung ano nga ba talaga ang inyong relasyon. Importante na alam mo kung ano talaga ang nararamdaman niya para sa iyo at kung gaano kabuti ang itinatakbo ng inyong relasyon. Kapag ilang araw pa lamang kayong nagdidate, ang biglaang pagsasabi ng “mahal kita” ay maaari niya lamang ikabigla. Ngunit, nakadepende pa rin ang lahat ng ito kung ano ang itinatakbo ng inyong relasyon.

Obserbahan mo ang kaniyang mga ginagawang pagkilos. Ito ang makapagsasabi sa iyo ng higit kaysa sa mga salita. Nagpapakita ba siya ng motibo na kung saan ay ang tanging tao lamang na nagmamahal sa iyo ang nakagagawa? Seryoso ba siya sa iyo? Kung hindi ka pa sigurado, mas mabuti na kung ipapakita mo na lamang kung gaano mo siya kamahal, kaysa sabihin ang tatlong salitang iyon.

Pumili na tamang panahon

Mayroong tamang panahon upang sabihin ang iyong nararamdaman. Ngunit hindi mo ito maaaring sabihin sa kalagitnaan ng inyong pag-uusap sa isang pagtitipon. Hindi mo rin maaaring ilagay ang taong iyon sa biglaan at pilitin siyang sumagot. Kailangan walang pagpipilit na mamamagitan, kung hindi katapatan lamang. Dahil gusto mo rin ang tapat na pagpapalitan ng nararamdaman. Kaya, maghintay ka ng tamang pagkakataon upang masabi mo ang iyong tunay na pagmamahal para sa kaniya.

Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng isang romantikong pagdidate, o kaya naman kapag nagkaroon kayo ng seryoso ngunit positibong pag-uusap tungkol sa inyong relasyon. Gayunpaman, walang espesipikong panahon para rito. Malalaman mo na lamang ito sa iyong puso na iyon na ang tamang panahon.

Dahan-dahanin mo lamang ito

Huwag mo agad itong sasabihin sa momentong kauupo niyo pa lamang dalawa. Dahan-dahin mo lamang ito hanggang sa mapunta kayo sa isang usapin na nagsasabi ng positibong aspeto tungkol sa inyong relasyon. Sabihin mo sa kaniya kung ano ang iyong nararamdaman sa inyong relasyon. Huwag mo siyang tanungin kung ano ang nararamdaman niya dahil baka mapilitan lamang siya. Hayaang mong magsabi siya sa kung ano ang gusto niya. Pagkatapos, saka mo pa lang sabihin sa kaniya kapag pakiramdam mong nasa tama na ang lahat.

Lakasan mo ang iyong loob

Ang pagsasabi ng iyong tunay na nararamdaman sa unang pagkakataon ay maaaring maging mahirap, ngunit kailangan mo lamang maging mahinahon at lakasan ang iyong loob. Kailangan mong makasiguro sa kung ano talaga ang iyong nararamdaman, para maniwala rin siya sa iyo. Ang paraan ng pagsasabi mo sa kaniya na mahal mo siya ay makaaapekto sa kung ano ang magiging reaksyon niya para rito. Kaya, huwag mong simulan ang iyong pag-amin sa pagsasabi ng “Mayroon akong gustong sabihin sa iyo,” o kaya naman ay “Hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin sa iyo.” Magbibigay lamang ito ng seryosong pag-uusap sa negatibong paraan.

Sa halip, ang maaari mong gawin ay panatilihin mo lamang itong magaan, maayos, at dahan-dahan. Gayunpaman, hindi ka dapat magmukhang nagbibiro lamang. Ipakita mo sa kaniya na tapat ka sa iyong nararamdaman. At sabihin mo ang mga salitang “mahal kita” tulad ng ninanais mo talaga ito. Wala ka dapat ikahiya. Ang pagmamahal ay isang regalo at nais mo na ibigay ito sa kaniya.

Limitahan ang iyong ekspektasyon

Tulad nga ng sabi nila, makapagbibigay lamang ng kasawian ang ekspektasyon. Kaya, kapag aamin ka, huwag kang maghangad ng anupaman. Huwag kang maghangad na magsasabi rin siya na mahal ka niya. At huwag kang magsasabi ng “mahal kita” dahil gusto mo lamang marinig sa kaniya ang “mahal rin kita.” Kapag sinabi niyang wala siyang nararamdaman para sa iyo, at umasa ka sa ibang sagot, mauuwi ka lamang sa pagiging sawi.

Sabihin mo sa kaniya na mahal mo siya dahil iyon talaga ang iyong nararamdaman, dahil kailangan mong maging matapat, at higit sa lahat, dahil sa handa ka na sa anumang magiging resulta ng pag-amin mo sa kaniya. Kapag ganoon din ang nararamdaman niya, mas mabuti. Dahil dinala mo lamang ang inyong relasyon sa isang panibagong yugto.

Ang pag-amin ng iyong nararamdaman para sa isang lalaki ay isang nakanenerbyos na karanasan. Isaisip mo na pagdating sa relasyon, walang klase ng pagmamahal ang sadyang magkapareho. Ang bawat relasyon ay kakaiba. Kaya, kapag may alam kang magkapareha na kung saan ay nag-aminan ng kanilang nararamdaman para sa isat-isa sa ilang araw pa lang ng kanilang pagdidate, o ibang magkapareha na naghintay ng ilang taon para sa pag-amin na iyon, tandaan na hindi mo dapat ibase ang inyong relasyon sa kanila. Aminin mo ang iyong pagmamahal kung alam mong iyon na ang tamang panahon.

Gaano ka katagal naghintay upang makapagsabi ng “mahal kita” sa iyong huling relasyon? Ibahagi ito sa amin sa mga kumento sa ibaba!

Please click the link for English version: How To Confess Your Love To A Man

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?