Habang ang inyong unang mga buwan ay para bang maiinit na eksena sa mga romantikong pelikula, pangkaraniwan na lang din sa mga romantikong palabas na lumalamig ito sa paglipas ng panahon. Ayos lamang ito. May ilang mga lalaking alam kung paano pananatilihin ito habang may iba naman na maaaring makalimutan ang mga pangangailangan para mapanatili ang init ng pagsasama.
Sa tulong ng kakaunting tulak ng panghihikayat, gayunpaman, maaari mong gawin ang iyong kapareha na tulad ni G. Casanova (ibawas ang pagkababaero) na karaniwan niyang ginagawa, kahit na kung kayo ay nasa komportableng kalagayan na kung saan sinuman sa inyo ay hindi nagiisip ng anumang nakakainis na bagay sa loob na kaparehong kwarto.
Humanap ng tamang oras para sabihin ito
Paniguraduhing sasabihin mo ang usaping ito kapag siya ay kalmado at nakapahinga na. Mahirap makipag-usap sa lalaki tungkol sa mga emosyonal na isyu kapag sila ay abala o problemado sa trabaho. Kapag pinili mong sabihin ito sa maling oras, magmumukha lamang na kinakalaban mo siya tungkol sa kaniyang mga pagkukulang.
Magsagawa ng espesyal na pagdidate na kung saan ay pareho kayong nakapahinga at hindi abala. Ito ang magbibigay sa kaniya ng ideya kung ano ang iyong gusto at magpupunla ito ng kaisipan sa kaniya.
Intindihin mo kung bakit
Ang pinakamalaking bahagi ng pag-uugali ng tao ay nalalaman sa pamamagitan ng pagpapalabas dito. Kung siya ay lumaki sa kapaligiran kung saan ang pagbibigay ng pagmamahal sa isat-isa ay normal lamang, kung magkagayon siya ay romantikong tao. Kung hindi naman, asahan mo nang hindi siya ganoon ka lambing na ninanais mo para sa kaniya.
Kung alam mo ang kasaysayan ng kaniyang pamilya, sa gayon magkakaroon ka ng mga palatandaan kung ano ang dapat asahan. Hindi dahil sa siya ay pinalaki ng kakaiba, hindi ito nangangahulugang siya ay iba na. Maraming mga kalalakihan diyan na hindi romantiko ngunit mabubuting tao. Kung kaya mo, ibigay mo ang iyong buong makakaya upang positibo mo siyang mabago.
Sabihin mo sa kaniya kung gaano ito kahalaga
Ang komunikasyon ang pinakamalaga sa ganitong kaso. Hindi niya malalaman na may mali na pala kung hindi mo sasabihin sa kaniya, kaya gawin mo ang iyong makakaya upang maging malinaw sa iyong nararamdaman. Iwasan mong magmukhang sinisisi mo siya sa pamamagitan ng pagsasabi ng iyong nararamadaman kaysa sa kung ano ang iyong iniisip, kaya sabihin mo ito ng tulad nito: “Sa pakiramdam ko kailangan ng relasyong ito na maging mas romantiko. Gusto kong maglakad-lakad tayo sa parke o kaya naman ay maggala.”
Ipagpatuloy mo ang pagbibigay sa kaniya ng mga maaaring pagpilian ng sa gayon ay alam niya kung anong klase ng aktibidad ang dapat niyang isipin. Ang mga lalaki ay isang analitikong nilalang, kaya ibigay ang lahat ng elemento na makatutulong sa kaniyang mas mag-isip sa mga romantikong bagay para sa inyong dalawa. At higit sa lahat, huwag mong sabihin ito na para bang kasalanan niya o magsisimula ka lamang ng isang argumento.
Panatilihing magaan ang lahat
Mag-isip ng mga mabubuting pagsubok na nagpapakita sa kaniyang pagkalalaki, pagiging palaban. Subukan mo kung makakapaggala siya, ganoon din mabibigyan ka niya ng romansa sa loob ng nakatakdang oras. Halimbawa, kung kaya niya ba na ilabas ka sa magkasunod ng romantikong pagdidate bawat buwan, maaari mo siyang gantimpalaan sa pamamagitan ng paglabas sa mga LAN party kasama ng kaniyang mga kaibigan.
Maaari ka ring gumawa ng sarili ninyong mga kupon sa bawat isa na tumutukoy sa araw na gusto ninyong lumabas. Para sa bawat isang kupon mo na natatapos niya, dapat mo din siyang dalhin sa kaniyang mga paboritong aktibidad na nakasulat sa kaniyang mga kupon.
Huwag kang magmadali
Ang pagbabago ng ugali ay kinakailangan ng panahon para mabuo, kaya huwag mong madaliin ang iyong kapareha na magbago sa loob lamang ng isang gabi. Maging mahinahon at hayaan mong pagisipan niya ito sa kaniyang sarili lamang. Sa pagpapatuloy, magpakita ka sa kaniya ng mga halimbawa kung ano ang mga klaseng romantikong pagdidate ang nais mo at paniguraduhing kakausapin mo siya ng sa gayun ay manatili siyang may motibasyon.
Kasama ng tamang pag-uugali at pakikipag-usap, maaari mong gawin ang inyong relasyon mula sa pagiging malamya patungo sa may buhay. Maging mahinahon ka lamang at palaging makipag-usap sa kaniya.
Paano mo nalampasan ang tipo ng lalaking hindi naman romantiko? Ibahagi mo ang iyong kuwento sa mga kumento sa ibaba!
Please click the link for English version:How To Deal With A Man Who Isn't Romantic