Paano Makipag-usap Kay Crush

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?



 

Ang pagkakaroon ng crush sa isang tao ay makapagbibigay sa iyo ng pang-araw-araw na kasiyahan at kasabikan. Ngunit ang pakikipag-usap sa iyong crush, datapwat, ay napakalaking hamon na haharapin ng isang babae. Bakit? Dahil ang iyong crush ay isang tao na hindi mo madalas makontak.

Pinaparamdam mo ang iyong pagmamahal sa malayo, kung saan kahit na bulong ng iyong puso ay hindi maririnig. Madaling mahulog sa ilalim ng kaniyang mga pananalita, maging idolo siya, at masindak dahil sa katotohanang hindi mo alam kung anong klase siya ng tao. Bagkus, gusto mo ang ideya kung sino nga ba talaga siya.

Kaya paano mo siya kakausapin at makuhang kausapin ka?

Ipakilala ang iyong sarili

Magsabi ka ng ‘hello’ at sabihin ang iyong pangalan. Ito ang pinakasimpleng paraan para mapaikot ang bola. Ang pagiging simple ang madalas na magandang paraan para lapitan siya at susi para mapagana ang ganitong sitwasyon. “Hi, ako si (pangalan mo), at ikaw?” ay madaling sabihin, pero malaki ang magiging dulot sa susunod pang pag-uusap.

Kapag nalaman mo na ang kaniyang pangalan at reaksyon sa isang estrangherong ipinapakilala ang kaniyang sarili, magkakaroon ka ng mas magandang ideya kung sino nga ba siya bukod sa kaniyang mukha na nagustuhan mo.

Gamitin ang kaniyang mga interes para makapag-kuwento sa iyo

Habang lumalago ang inyong pag-uusap, mag-move on at magtanong ka tungkol sa kaniyang mga interes. Panigurado, may alam ka naman kahit kakaunti tungkol sa kaniya sa pagkakaroon mo ng crush sa kaniya sa malayo.

Halimbawa, madalas mo siyang nakikitang nagkakape sa eleganteng coffee shop, malamang ay gusto niya ang kape. Huwag mong sabihin na alam mo na agad dahil tutunog lang na isa kang stalker. Bagkus, kapag ikaw ay nasa café, bilhan mo siya ng kape, ibigay mo at magtanong, “Mayroon pa akong isang sobrang tasa ng kape. Gusto mo ba?

Subukang iwasan ang patay na pagkakataon sa gitna ng usapan. Kahit na napakagulo ng inyong mga paksa, tandaan na galingan lamang sa pakikinig.

Magbahagi ng pamilyar ng istorya

Magbahagi ng kuwento na maiintindihan din niya. Kapag napansin niya ang pagkakatulad sa karanasan, mga hilig at personalidad, mas mararamdaman niyang konektado siya sa iyo. Halimbawa, parehas kayo ng interes sa TV series o libro, pag-usapan ito kasama siya.

Kapapanood lang ba niya ng pinakabagong episode ng isang palabas? Nakakuha na ba siya ng kopya ng libro ng isang manunulat? Masisiyahan siyang makipag-usap sa isang tao na parehas niya ng hilig sa isang bagay.

Palalimin ang inyong koneksyon

Tanungin mo siya sa mga bagay na naoobserbahan mo sa kaniya. Maaaring ito ay tungkol sa damit na suot niya, pabangong gamit niya o 'di kaya naman ay sa librong hawak niya. Gusto ng mga lalaking pag-usapan ang mga bagay na tungkol sa sarili nila, kaya kapag tinanong mo siya sa mga ganitong bagay, magkakaroon ka ng oportunidad na malaman kung ano ang kaniyang mga gusto at gawain.

Habang lumalamin ang inyong pagkaka-kaibigan at nagsisimula na niyang maramdaman na pwede kang pagkatiwalaan, malalaman mo iyong mga bagay na kakaunting tao lamang ang may alam.

Dapat ring subukan mong pasiglahin siya sa maayos na paraan dahil ang mga lalaki ay madaling pang-hinaan ng loob.

Sumagot ka rin sa mga tanong niya

Sagutin mo ang mga tanong niya kung ikaw naman ang gusto niyang makilala. Hindi naman patas na habang siya ay nagbabahagi ng mga detalye sa tungkol sa kaniya, ikaw naman ay hindi nagbabahagi ng tungkol sa iyo. Maaaring matakot siya sa ganitong sistema. Magbigay ka ng impormasyon para may alam kayo parehas sa isa't-isa ng sa gayun ay makapag-usap pa kayo.

Iisipin mo rin na siya ay tao lang din na pwede mong kausapin at alamin. Kapag nalagpasan mo ang takot na lapitan siya, ang pakikipag-usap sa kaniya ay magiging madali na lang na parang nakikipag-usap ka sa iyong kaibigan. Kumalma ka lang at hayaan mong sumaya siya sa piling mo. Hindi mo na lang mapapansin, nakikipag-date ka na sa crush mo!

May iba ka pa bang suhestiyon para makalapit sa iyong crush? Maging malaya na ibahagi ito sa mga komento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version:How To Talk To Your Guy Crush

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?