Paano Makipag-usap Sa Isang Tahimik Na Babae

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?



 

Ang pagsisimula ng isang pag-uusap sa isang babae ay sadyang mahirap kung minsan, lalo na kung siya ang tipo ng babae na tahimik. Hindi mo alam kung papaano siya tutugon sa iyo dahil madalang mo lamang siyang makitang makipag-usap sa iba. Kung magiging interesado ba siya sa kung ano ang sinasabi mo? Kung sinusubukan ka ba niyang iwasan?

Mayroong ilang mga bagay na dapat mong tandaan kung nagpaplano kang makipag-usap sa isang tahimik na babae.

Maging magalang at marespeto

Kapag makikipag-usap sa isang tahimik na babae, o sa kahit sino pa mang babae, palaging tandaan na maging magalang at marespeto. Higit na mabibigyang halaga ng isang tahimik na babae ang iyong pagkamagalang dahil ipinapakita nito ang pagrespeto mo sa kaniyang likas na katangian. Huwag mong akuin ang lahat ng pagsasalita. Gayun din, bigyan mo siya ng pagkakataon na tumugon sa iyo. Kung mukha siyang dumudistansya sa iyo, hindi ito nangangahulugang hindi siya interesado sa inyong pag-uusap. Ito ang maaaring magmukha dahil ito ang kaniyang likas na katangian. Mayroong malaking tiyansa na nahihiya lamang siya, kaya naman ang pakikipag-usap sa iyo ay hindi rin ganoon kadali.

Maghanap ka ng bagay na mayroon kayong pagkakapareho

Ang paghahanap ng bagay na mayroon kang pagkakapareho sa kaniya ay ginagawang mas madali ang pagsisimula ng inyong pag-uusap. Kung kayo ba ay nagbabasa ng parehong tipo ng libro? Magkapareho ba kayo ng gustong banda? Pareho ba kayo ng nilalarong sport? Nakita mo na ba siyang manuod ng kapareho mong pinanuod sa sine? Ang pagkakaroon ng kaparehong hilig ay makapagbibigay ng komportableng pakiramdam upang makapag-kuwento siya iyo. Kaya, magsimula ka ng isang pag-uusap na makakakuha ng kaniyang hilig at paniguradong pananatilihin niyang magpatuloy ang inyong pag-uusap.

Kumilos ka ng normal

Ang mga tahimik na babae ay kadalasang mahiyain, na ibig sabihin lamang ay ayaw nilang maging sentro ng atensyon. Kailanman huwag mong subukang tawagin siya ng nakakabastos dahil makapagpapahiya lamang eto sa kaniya. Sa katotohanan, karamihan sa mga babae ay nasasaktan sa cat-calls. Hindi ito tama. Kaya naman, kumilos ka ng normal at magpakita ka sa kaniya ng respeto. Panatilihin mong mababa ang iyong boses at maging kalmado kapag kinakausap mo siya. Huwag ka ring magsasabi ng anumang hindi maganda sa pandinig niya dahil matatandaan niya iyon hanggang sa huli.

Huwag kang mapagmataas

Itatrato mo siya ng pantay at huwag kang magmataas. Hindi dahil sa siya ay babae at ikaw naman ay lalaki, hindi ito nangangahulugang mas mataas ka na sa kaniya sa anumang bagay. Gayun din, huwag mong isipin na mas matalino siya dahil sa siya ay tahimik. Sa reyalidad, karamihan sa maiingay na tao ay wala gaanong nilalaman ang utak. Ang mga tahimik na babae ay mapagmatiyag. Nalalaman nila ang personalidad ng ibang tao at ang nakapaligid sa kanila sa pamamagitan lamang nang pagoobserba. Mas nakakaalam sila ng maraming bagay kumpara sa kung ano ang iniisip mo sa kanila.

Maging ikaw ka lamang

Nakapagpapatagal ng isang relasyon ang pagiging matapat. Huwag kang magpanggap na ibang tao kung hindi naman talaga ikaw para lamang makuha ang kaniyang atensiyon. Habang nagpapatuloy ang inyong pag-uusap, malalaman niya kung nagmamataas o nagpapanggap ka lamang, base sa iyong mga tugon. Ang mga tahimik na babae ay maingat kung pumili ng mga taong kakausapin nila. Nais niyang makipag-usap sa isang taong mayroong halaga. Kapag sinira mo ang tiwala niya sa iyo, paniguradong hindi na niya muling nanaisin pang makipag-usap sa iyo.

Ipadama mong espesyal siya

Gusto ng mga babae ang pakiramdan na espesyal sila. Kapag makikipag-usap ka sa isang babae, iwasan mong ikumpara siya sa kaniyang mga kaibigan, o sa iba mo pang mga kakilalang babae. Makapagpapababa lamang ito ng kaniyang lakas ng loob, lalo na kung siya ay tipo ng mahiyain at tahimik na babae. Sa una pa lang, gusto mo nang makipag-usap sa babaeng ito, kaya magpokus ka sa kaniya.

Mas gusto ng mga tahimik na babae ang mas saysay na pag-uusap at ayaw nila ng mga walang kuwentang bagay. Panatilihin mo ang mga tip na ito sa iyong isip at makasisiguro kang magtatagumpay sa pagkakaroon ng maganda at makabuluhang pakikipag-usap sa kaniya.

Nagkaroon ka na ba ng anumang problema sa pakikipag-usap sa isang tahimik ng babae? Ibahagi mo ang iyong mga karanasan sa mga komento sa ibaba.

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: How To Start A Conversation With A Quiet Girl

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?