Ang magkakaibang tao ay gusto rin ng iba't-ibang bagay sa isang relasyon. May ibang tao na kaswal lang ang gusto samantalang ang iba ay gusto ang mas mahabang relasyon na kadalasang humahantong sa kasalan.
May iba pa na ayaw pumasok sa isang relasyon, ngunit gumugusto sa isang 'friends with benefits' na ugnayan. May ibang babae na gusto sa lalaki ang tahimik, mahilig sa libro, primo at maayos habang 'yong iba ay gusto ng magagaling sa isport, malakas ang pangangatawan at madaldal.
Ibang galawan sa bawat isang katauhan
Ikaw? Ano bang hinahanap mo sa isang lalaki? Subukang tanungin ang sarili ng mga tanong na ito para malaman kung ano ba ang sagot.
Ano ba ang iyong personalidad?
Gumawa ng listahan ng iyong ugali at katangian. Kapag hindi ka sigurado sa iba, kumuha ng tapat na opinyon galing sa iyong kaibigan at pamilya. Huwag mahiya at masaktan kapag nagbigay sila ng mga negatibong pahayag. Hindi perpekto ang lahat ng tao, at kapag nakarinig ka ng ganito, tanggapin mo lang ito.
Tingnan ang iyong listahan at tingnan ang iyong sarili. Ikaw ba ay tahimik na gustong magbasa at maglaro ng video game? Kung gayon, dapat lang na maghanap ka ng lalaki na kaparehas mo. Mahilig ka bang mag-party? Makakahanap ka ng lalaki sa mga club at bar.
Lagi ka bang nasa daan at nilalakbay ang mundo? Maghanap ka ng lalaking mahilig din maglakbay at maging kasa-kasama sa iba't-ibang lugar. Masdan niyo ang mundo ng magkasama! Ang magkaparehas na personalidad ay mas bagay sa isa't-isa.
Anong klaseng relasuon ba ang hanap mo?
Ang kasal ay hindi para sa lahat. Iyan ang katotohanan. Maraming tao ang nakatali sa isang relasyon ngunit hindi naman humahantong sa kasalan. May iba namang nakikipagrelasyon para lang may makasama.
Kaya, alamin kung ano ba talaga ang gusto mo sa isang relasyon at anong direksyon ang gusto mong tahakin. Naghahanap ka ba ng lalaki para malagay sa tahimik at magsimula ng pamilya sa hinaharap? O naghahanap ka lang ng makaka-date?
Kung ano man ang iyong gusto, maging sigurado na alam ng lalaking ka-date mo kung ano ang gusto mo. Magugustuhan niya ang iyong katapatan at parehas lang kayong makakatipid sa oras kapag derecho mong sinabi kung ano ba ang iyong gusto. Ang maayos na komunikasyon ay susi para gumana ang inyong relasyon.
Anong tipo ng lalaki ang iniiwasan mo?
Isipin ang mga relasyon mong pumalya o hindi kanais-nais na date na nangyari dati. Ano ang mga bagay na hindi mo nagustuhan? Ano ang kanilang katangian para ayawan mo sila? Anong pag-uugali ka naiirita o naiinis?
Isulat ang mga sagot sa mga tanong at tingnan ang listahan na ito kapag may bago kang makakasalamuhang lalaki. Ang listahang ito ay makakatulong sa pagdedesisyon kung ang lalaking ito ay isang tao na dapat mong malaman ng mas malalim o dapat na bang iwasan.
Ano ba ang gusto mo sa buhay mo?
Gusto mo ba ng lalaking kasa-kasama sa hirap at ginhawa o mas gusto mong nag-isa? Kapag gusto mo ng 'commitment', dapat lang na maghanap ka ng lalaking maalaga, suportado, maaasahan at bagay lang na maging asawa. Malaki ang tsansa na mas magiging masaya kayo parehas kapag pareho kayo ng iniisip sa isang relasyon.
SA PAGBUBUOD
Kapag mas gusto mo ng mag-isa, maging maingat ka sa pagpasok sa isang relasyon. Maaaring hindi ito ang hanap mo at mas magandang mamuhay ka na lang ng walang kasamang lalaki. Lahat ay depende pa rin sa'yo.
Hindi lang sa pag-ibig umiikot ang relasyon, pati na rin kung bagay ba kayo sa isa't-isa. Kahit na napaka-tibay ng nararamdaman mo sa isang tao, kapag hindi kayo nagkasundo at iba ang gusto mong bagay, hindi rin gagana ang inyong relasyon.
Alam mo na ba kung anong gusto mo sa lalaki? Magbahagi ng komento sa ibaba!
Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello
Please click the link for English version: How To Find Out What You Really Want In A Man