Paano Masasabing Kinikilig Ang Isang Lalaki?

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?



 

May isang lalaking lumapit sa iyo sa bar, tinitingnan ka sa mata at nagsabing gusto ka niya. Posible ba na ang lahat ng lalaki ay ganito kalakas ang loob? Sa kasamaang palad, hindi.

Maaaring makakita ka ng mga lalaki na malakas ang loob sa kaniyang panlabas ngunit sa kaniyang panloob, malamang ay butil na ang kaniyang pawis habang katabi ka niya. Hindi lahat ng lalaki ay biniyayaan ng kakayahang itago ang kaniyang kaba. Kaya alamin ang tunay na panlabas na anyo ng mga lalaki na makakatulong para malaman kung ano ba ang mga tunay na nangyayari.

Minsanang pagtingin sa mata

Ang isang kinakabahang lalaki ay hindi kayang tumingin ng direkta sa babaeng gusto niya, maliban na lang kung nakatalikod siya. Kapag bibigyan mo siya ng tingin at iniwasan niya ito, isa na itong palatandaan na siya ay kinakabahan. Puwedeng kulang lang siya sa lakas ng loob kaya naman hindi ka niya kayang titigan ng ganoon katagal.

May ilang lalaki na kaya kang titigan ng saglitan ngunit bigla na lang bibitaw sa pagtitig kapag hindi na niya kaya. Kung gusto mo siya, makatutulong na padaliin ang kaniyang kaba sa pamamagitan ng paglapit at pagdala ng inyong usapan para lumakas ang kaniyang loob.

Tumatawa siya sa hindi maintindihang dahilan

Ang mga lalaki ay pupwedeng tumawa sa hindi malamang dahilan, sa lahat ng bagay na sinasabi mo. Ito ay madaling makita. Ang kailangan mo lamang gawin ay buksan ang iyong bibig at ng ikaw ay magsalita ay agad naman siyang tatawa.

Minsan ang kinakabahang lalaki ay tumatawa ng hindi niya alam, pero ginagawa niya ito ng hindi niya namamalayan para sabihing interesado siya sa iyo at gusto niyang mag-aksaya ng oras kasama ka.

Butil-butil ang kaniyang pawis

Isa pang kapansin-pansin na senyales na kinakabahan ang isang lalaki ay ang labis niyang pagpapawis. Tingnan mo ang kaniyang noo, braso at likuran para makita mo kung labis nga ang kaniyang pawis kahit na nasa loob kayo ng isang silid na mayroong air conditioner.

Kapag ginagamit niya ang kaniyang cellphone, subukan mong tignan kung may bakas ng tubig sa paligid ng kanyang cellphone. Kapag nakasuot naman siya ng shirt na may telang madilim ang kulay, mapapansin mo ang mga miitim na parte sa kanyang kili-kili at likod.

Madami siyang sinasabi tungkol sa kaniyang sarili

Ang mga kinakabahang lalaki ay madalas na nagiging madaldal kapag kasama nila ang babaeng gusto nila. Maaring magsimula siyang magsalita tungkol sa kanilang sarili, isang paraan para magustuhan mo siya o magpa-impress sa iyo sa pamamagitan ng kaniyang katalinuhan sa pagsasabi ng isang bagay na magtutunog matalino para sa iyo.

Maari ring hindi siya komportable sa katahimikan at magtatangkang punan ito ng kaniyang boses para maiwasan ang mga nagkakahiyaang pagkakataon at maaring di mo ito magustuhan.

Tahimik siya

Sa kabilang banda ang isang kinakabahang lalaki ay walang sintahimik. Kapag nasa iisa kayong grupo ng mga kaibigan, bibigyan ka lamang niya ng maikling sagot at babalik ulit siya sa pagiging tahimik. Isa itong paraan para maiwasan ka niyang masabihan ng mga maling bagay na pupwedeng ayawan mo sa kaniya.

Pwedeng nagsasalita siya ng kaunti dahil iniisip niyang mabuti ang mga bagay na sasabihin niya, para maiwasang mapahiya siya.

Nabubuhol ang kanyang mga sinasabi

Bukod sa pagiging madaldal o tahimik, ang isang lalaki ay pupwede ding mabulol. Mabilis na gumagana ang kaniyang isip kaysa sa kaniyang bunganga kaya hindi nagtutugma ang kaniyang mga galaw, na nagpapahalo-halo ng kanyang salita o mabulol.

Siya ay hindi mapakali o natataranta

Hindi mapakali at natatarantang aksiyon ay palatandaan na siya ay kinakabahan. Kapag hindi siya nakahanap ng magandang posisyon sa kaniyang kinauupuan, maaaring may mga paru-paro nga siya sa kanyang tiyan. Pwedeng iyan o maaring makati lamang ang ilalim ng kaniyang inuupuan.

Dahil lang kinakabahan siya kapag magkasama kayo, hindi ibig sabihin nito ay hindi na kayo bagay. Kapag gusto mo rin siya, ikaw na ang magkusang kausapin siya ng madalas at ngumiti.

Nakipag-date ka na rin ba sa isang kabadong tao? Anong nangyari? Magbahagi ng komento sa ibaba.

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version How to Tell If He's Got The Butterflies

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?