Paano Matutukoy Ang Mga Unang Senyales Ng Pang-Aabuso Sa Inyong Relasyon

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?



 

Kung ikaw ay nasa isang bagong relasyon, na hinahayaan mo lamang hindi makita ng iyong sarili ang anumang senyales na ang tao ay may mali sa iyo. Dahil hanggat maaari, nais mong maging perpekto ang relasyong ito. Habang normal pa lamang para sa mga tao ang magkaroon ng mga ganitong sitwasyon, ang iba ay mayroong mas seryosong sitwasyon kaysa sa iba. Ang mga pangyayaring ito na hindi mo pinapansin ay maaaring senyales na pala ng pag-aabuso sa inyong relasyon.

Upang matulungan ka ito ang ilan sa mga senyales ng isang abusado.

Kritisismo at kahihiyan

Habang normal lamang para sa isang tao na husgahan ang iba, malalaman mo na lumalagpas na siya rito kung ang lahat ng ginagawa mo ay pinupuna na niya. Ipinaparamdam niya sa iyo na mali ang lahat ng iyong ginagawa, at ang mas malala, hinuhusgahan ka niya maging sa harapan ng ibang tao, na hindi man lang iniisip kung ikaw ba ay mapapahiya. Hindi siya nakikinig sa iyong mga opinyon dahil para sa kaniya wala itong mahalaga.

Kung ang pagsama sa kaniya ay nakatatapak na ng iyong pagkatao, tiwala sa sarili, at ang kalayaan mong magpahayag, magdalawang isip ka sa pagpapabaya na ipagpatuloy pa ang inyong relasyon.

Sobrang pagseselos

Magandang tignan kung minsan ay nagseselos ang iyong karelasyon, ngunit kung siya ay sobra na kung magselos at palaging mapaghinala, kahit na hindi mo naman siya binibigyan ng rason, ito ang maaaring senyales ng potensyal na abusadong tao.

Kapag nagsimula na siyang maglimita ng iyong contact sa iyong pamilya at mga kaibigan, marapat na makita mo ito kasing pula ng nasa bandila. Kailan man hindi gagawin ng lalaking nagmamahal at nagtitiwala sa iyo ang ganitong mga bagay.

Kapag hinahayaan mo lamang ang ganitong sobrang pagseselos at paghihinala, hinhayaan mo lamang siya na kontrolin ka niya at ang iyong buhay. Bago mo pa ito malaman, hindi ka na makagagawa pa ng anumang bagay na hindi niya sinasang-ayunan.

Emotional blackmail.

Nangyayari ito kung nakokontrol ka niya gamit ang takot. Tinatakot ka niya, ipinapadama niyang wala kang kwenta, at pinapaniwala ka niyang masuwete ka pang nasa sa kaniya. Anumang bagay na hindi nakapagpapasaya sa kaniya ay nagbabanta siyang iiwan ka niya.

Dapat na malaman mo na ang isang taong nasasangkot sa emotional blackmails kahit kailan ay hindi makapagpapasaya ng iyong puso. Wala siyang pakialam sa kung ano ang nararamdaman mo. Gusto niya lamang kung ano ang makukuha niya sa iyo.

Pananakit

Kung sinaktan ka na niya ng pisikal kahit isang beses, ito ay senyales na kaagad ng pang-aabuso. Ang sinumang nakapanakit na sa iyo nang una ay maaari niya pa itong ulitin. Dahil sa ikaw ay nagkamali ngunit hindi ibig sabihin ay may karapatan na siyang manakit sa iyo ng pisikal.

Kapag sinasaktan ka niya ng siya ay matino, isipin mo pa ang kaniyang maaaring magawa kung siya ay nakainom na. Kaya, huwag mo siyang ipagtanggol sa iyong mga kaibigan at kapamilya kapag tinatanong kanila kung saan mo nakuha ang iyong mga pasa. Dapat na malaman mo na ang sinumang gumawa ng anumang pananakit sa isang relasyon ay walang kwenta.

Masasakit na pananalita

Ang pananakit ay hindi lamang nangyayari kapag sinasaktan mo siya ng pisikal. Maaari rin itong gawin pasalita, na kung saan ay higit na masakit kaysa sa anumang pisikal na pananakit tulad ng maaari itong makapatay ng tao mula sa panloob. Maaaring mabago ng salita ang pananaw mo sa iyong sarili, sa iba, at sa mundo. Maaaring mawala ang mga pasa ngunit ang mga salita ay mananatili magpakailanman.

Kapag iniinsulto ka niya, tinatawag ka niya sa anumang pangalan, pinaparusahan, o sinisigawan ka niya, ito ay mga senyales ng mapanakit na pananalita. Kapag pinapaalalahanan ka niya ng anumang pagkakamaling ginawa mo, o sinusubukang iparamdaman sa iyo na wala kang kwentang tao, ikaw ay pasalita ng naaabuso. Kumawala ka hanggat maaga pa bago ka pa sirain

Huwag mong balewalain ang mga senyales na ito. Kapag hinayaan mo lamang ito, mauuwi ka sa pang matagalang mapang-abusong relasyon at hindi na madali pang makaalis mula rito. Tandaan na walang sinuman ang maaaring makulong sa hindi masayang relasyon. Kaya, panatilihin mong bukas ang iyong mga mata sa mga senyales na ito.

Ano pa ang ibang mga mapang-abusong senyales ang alam mo sa relasyon? Mag-iwan ng iyong komento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: How To Spot Early SIgns Of Abuse In your Relationship

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?