Paano Mo Sasabihing Hindi Mo Siya Gusto Pagkatapos Ng Una Ninyong Pagdi-Date
Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?
Ang pakikipag-date ay isang magandang paraan para makakilala ng iba na potensiyal mong maging boyfriend. Nakakatuwa kapag nakakita ka ng potensiyal mong boyfriend sa una ninyong pagdi-date. Pero, paano kung hindi? Paano mo sasabihing hindi ka interesado sa kaniya? Kapag ang isang lalaki ay parang isang magandang huli, ngunit hindi ka nakakaramdam ng koneksiyon, kailangan mo siyang tanggihan nang hindi masyadong nasasaktan ang kaniyang damdamin. Nasa ibaba ang ilang tips kung paano ang magalang na pagtanggi sa isang lalaki pagkatapos ng una ninyong date. Kapag nasa labas ka at nakikipag-date sa kaniya ngunit naisip mong hindi mo pala siya gusto, huwag mo na siya bigyan ng mga impresiyon na gusto mo siya. Minsan, mahirap na maging malinaw sa isang lalaki na hindi ka interesado dahil sinusubukan mong maging mabait. Kapag hindi ka talaga interesado, maging palakaibigan ka na lamang at huwag gagawa ng kahit anong aksyon na lalabas bilang isang romantikong pagkilos. Inipon niya ang lahat ng kaniyang katapangan para lang ayain ka sa date, kaya importante rin na maging matapang ka na sabihin sa kaniya na hindi ka interesado sa kaniya. Habang kaunting kahihiyan lamang ang mga ito kapag sinabi ito sa telepono, mas magiging magandang naman sa kalooban kung sasabihin mo ito ng personal. Sabihin mo ang tunay na dahilan kung bakit ayaw mo ng lumabas ulit na kasama siya. Huwag kang gagawa ng hindi kapani-paniwalang rason tungkol sa paaralan, trabaho o kawalan ng sapat na oras para sa pakikipag-relasyon, dahil magkakaroon ng pagkakataon na, aalamin niya kung nakikipagkita ka ba sa iba. Sabihin mo ang totoo, ngunit sabihin ito sa magalang na paraan upang ang pag-tanggi mo sa kaniya ay hindi ganoon kasakit. Huwag mong lalagyan ng asin ang isang sugat. Sabihin mo ang totoo at maging mabait dito. Katulad nga ng paglalagay ng asin sa sugat, iwasan ang pagsasabi sa kaniya kung ano ba ang mga mali niya dahil maaari itong magpababa ng lakas ng kaniyang loob. Sisihin mo na lang ang kawalan ninyo ng 'chemistry'. Kung walang chemistry o kung anong koneksiyon sa inyong dalawa, hayaan mong malaman niya ito. Kapag tinanong niya kung saan siya nagkamali, pagdiinan mo ang iyong eksplanasyon sa kung ano ba ang iyong nararamdaman. Kapag may ginawa siyang kinainisan mo, iwasang sabihin ito. Bagkus, subukang sabihin na "Hindi ako komportable sa.." O "Hindi ako ang tipo ng tao na mahilig sa.." Inaya ka niya sa isang date dahil interesado siya sa iyo at nais niyang kilalanin ka sa romantikong paraan. Pagkatapos mo siyang tanggihan, iwasan mo ang pakikipagkaibigan sa kaniya kahit na maganda itong ideya. Pag-isipan mo ito. Ang lalaki bang tinanggihan mo ay masisiyahang ilagay siya sa listahan ng iyong mga kaibigan? Hindi naman siguro! Maliban na lang kung naging mag-kaibigan kayo ng matagal at tanggihan ang kaniyang paanyaya. Hayaan mong malaman niyang masaya ka sa oras na binigay niya sa iyo at nagustuhan mo ang effort na inilaan niya. Halimbawa, maaari mong sabihing, "Naging masaya ako ng kasama kita" o "Natuwa ako ngayong gabi!". Siguraduhin mo lamang na bukal sa iyong puso ang sinasabi mo. At kapag nagpapasalamat ka, magsalita ka ng may sinseridad. Ang pagsasabi sa isang lalaki na hindi ka interesado sa kaniya pagkatapos ng una niyong date ay napaka-hirap. Ngunit kailangan mong tandaan, mas importante na malaman niyang wala siyang tiyansa kaysa ipagpatuloy niya pa. Huwag mo siyang ipa-gusto sa bagay na hindi naman niya makukuha. Ang pagtanggi ay makakasugat sa kanyang ego, ngunit tulad ng iba pa, gumagaling din ang sugat, kailangan lamang ito ng oras. Magtiwala kang kakayanin niya ito. Kaya dapat tigilan na ito ng mas maaga hanggang makakaya, kaysa magpatuloy pa. Paano mo ba tinanggihan ang huling lalaking hindi ka naman interesado? Maging malayang magbahagi ng inyong istorya sa mga komento sa ibaba! Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello Please click the link for English version: How To Say You're Not Into Him After The First Date Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?Huwag siyang bibigyan ng halo-halong senyales
Makipag-usap sa personal
Sabihin mo ang totoo
Huwag mong sasabihin kung ano ang mga "mali" sa kaniya
Iwasang sabihin na "maging magkaibigan na lang tayo"
Pasalamatan mo siya