Higit na pinahahalagahan ng mga kababaihan ang magkaroon ng emosyonal na suporta. Isang balikat na pwedeng iyakan, isang nakikinig at mainit na pagyakap ay ang mga bagay na magpapagaan ng kanilang nararamdaman sa panahon ng kahirapan. Bilang mga babae, gusto nating marinig. Gusto mong maintindihan. Ngunit paano mo ito mapapagawa sa iyong kasintanan?
Isa sa mga kagandahan ng nasa isang relasyon ay ang pagkakaroon ng taong masasandalan sa oras ng kahirapan. Ngunit kailangan mong malaman na ang iyong kapareha ay kayang basahin ang mga nasa isipan mo. Hindi naman niya malalaman agad na may pinagdadaanan ka hangga’t hindi mo ito sinasabi.
Hayaan mong malaman niya kung ano ang nangyayari
Hindi ka matutulungan ng iyong kasintahan kapag hindi naman niya alam kung ano bang nangyayari. Kaya, umupo kasama siya at sabihin kung anobang nangyayari sa’yo. Mas gagaan ang pakiramdam mo kapag nasabi mo na ito sa iba.
Huwag mong hahayaan na patuloy siyang mang-hula hanggang sa magagalit ka dahil wala siyang ginagawa para suportahan ka niya, kahit na wala naman siyang alam kung ano ba ang sitwasyon mo. Kaya imbes na maging laro ito ng hulaan at magkaraoon ng pagkakainitan, kausapin siya at sabihin ang katotohanan.
Ipaliwanag kung paano naaapektuhan ng sitwasyon ang iyong emosyon
Hindi naman niya kayang intidihin kung paano ka naaapektuhan ng sitwasyon dahil hindi naman niya ito pinagdadaanan. Ipaliwanag sa kanya kung ano ang naidulot nito sa iyong buhay. Sabihin sa kanya kung paano ba nito naaapektuhan ang emosyonal na aspeto ng buhay mo. Makatutulong ito na maintidihan o malaman kung paano ka ba niya masusuportahan. Makatutulong siyang maka-isip ng solusyon kung paano ba maaayos ang iyong problema o ano ba ang dapat gawin para mapa-gaan ang iyong nararamdaman.
Sabihin mo kung ano ba ang kailangan mo sa kanya
Hindi lahat ng tao ay alam na agad kung ano ba ang gagawin kapag may kinakaharap na problema. Kaya, kapag may eksaktong klase ng suporta na manggaling sa kanya, hayaan mong malaman niya ito. Habang ang kababaihan ay gusto ang suportang emosyonal, mas pinahahalagahan ng kalalakihan ang praktikal na suporta. Naghahanap sila ng solusyon.
Kung ang maglaan ng mas maraming oras ng magkasama o ang makipag-usap sa kanya hanggang umaga, sabihin mo lang sa kanya. Maging eksakto at magtanong ng maayos. Maging direkta ngunit huwag humiling. Maaaring simulant mo ang iyong paki-usap sa “Please” “Pwede ba?” o “Okay lang ba kung…” Maganda ang ganitong paraan para makuha ang klase ng suporta na hinihingi mo sa kanya. Hindi naman sa masyado kang naghahangad, nagiging tapat ka lang kung ano ba talaga ang kailangan mo.
Matuwa sa kanyang suporta
Minsan, may mga taong kilala ka lang ‘pag may kailangan sila. Hindi mo naman gusto na maramdaman ito ng boyfriend mo. Kapag suportado ka niya, siguraduhin na alam niyang nagugustuhan mo kung ano ang ginagawa niya. Mapapasaya siya kapag nalalaman niya kung paano mo ginugusto ang ginagawa niya.
Ibalik ang pabor
Kapag gusto mong laging nandiyan ang boyfriend mo sa panahon ng kahirapan, dapat rin na nandoon ka lagi kapag naman siya ang nangangailangan. Gumagana ang isang relasyon sa pag-bibigay at pag-tanggap.
Pahalagahan ang effort niya sa kapag nasasandalan mo siya at gawin ang iyong makakaya para naman maibalik ang pabor na ito. Mas magiging epektibo pa siya kapag alam niyang nagbibigay ka rin ng effort sa inyong relasyon, katulad niya.
Kapag nagkakaroon ka ng problema sa iyong buhay, gusto mo na ang kasintahan mo ang laging nandiyan para sa’yo, ngunit hindi naman niya maiintidihan ang problema sa lahat ng oras. Kaya, kapag gusto mong bigyan ka niya ng suporta, kailangan mo lang maging tapat at hingin ito sa kanya.
Ano pa bang pwedeng gawin ng isang lalaki para mahingi ang suporta ng kanyang boyfriend? Ibahagi ang iyong naiisip sa mga komento sa ibaba!
Please click the link for English version: How To Get Him To Support You During Difficult Times